Totoo bang si Mahal ang gumanap kay Kokey sa 1997 movie?

by James Patrick Anarcon
Sep 2, 2021
Totoo bang si Mahal ang gumanap noon bilang Kokey sa 1997 movie ng Star Cinema?
PHOTO/S: GMA-7 / Star Cinema

Sa biglaang pagpanaw ng diminutive comedienne na si Mahal, muling lumalabas sa social media ang naging ambag niya sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Mas nakilala si Mahal sa noontime show na Masayang Tanghali Bayan noong 2003, pero nagsimula siyang lumabas sa telebisyon noong early 1990s. Isa sa unang proyekto ni Mahal ay ang noontime show na Lunch Date sa GMA-7.

Pero bukod dito, totoo bang may ginampanan ding iconic role si Mahal sa pelikula?

Ayon sa kanyang IMDb page, si Mahal daw ang nasa likod ng alien character na si Kokey noong 1997.

Ang Kokey ang pambatang pelikulang pinagbidahan ng noo'y bata pang si Carlo Aquino, kung saan nagkaroon siya ng kaibigang alien, at ito na nga si Kokey.

Nagkaroon naman ito ng TV version noong 2007 sa ABS-CBN na pinagbidahan nina Joshua Cadeliña at Julia Barretto.

Para magampanan ang role, kinailangang magsuot ng costume ang aktor na sasalang para maging Kokey.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, viral ang Facebook post ng netizen na si Jaypee Ramos.

Tanong niya sa kanyang followers (published as is): "Mga batang 90's, alam mo bang si Mahal ang gumanap bilang Kokey na hit movie noong 1997?"

Kalakip sa litrato ang screenshot ng credits scene kung saan si Mahal nga ang credited na gumanap sa character ni Kokey!

Mahal, Kokey

Continue reading below ↓

Mayroon nang 17k likes ang post na ito.

Samantala, nagkakaroon naman ng debate ang netizens sa comments section kung talaga ngang si Mahal si Kokey.

Marami kasing nagpu-post ng screenshots galing sa Wikipedia na iba-ibang pangalan ang lumalabas na gumanap kay Kokey sa pelikula.

Pero kasama kasi sa features ng Wikipedia na madaling ma-edit ang pages nito ng kahit na sino.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng palitan ng mensahe ng Instagram, nakumpirma ng PEP.ph sa bida ng pelikula na si Carlo Aquino na totoo ngang si Mahal ang gumanap na Kokey sa 1997 movie version!

Ang malungkot nga lang dito, walang interbyu si Mahal tungkol sa kanyang pagganap kay Kokey at hindi na siya matatanong kung ano ang naging experience niya sa pagganap ng character.

Pumanaw si Mahal, 46, noong August 31, 2021 dahil sa COVID-19 at gastro illness.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Totoo bang si Mahal ang gumanap noon bilang Kokey sa 1997 movie ng Star Cinema?
PHOTO/S: GMA-7 / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results