Korean actor Kim Seon Ho to play half Filipino in his first movie?

by Erwin Santiago
Sep 7, 2021
Popular Korean actor Kim Seon Ho is "positively reviewing the offer" to play the lead role in the upcoming film Sad Tropics. If he accepts the offer, Kim Seon Ho will play a boxer who has a Korean father and a Filipino mother.

Ongoing ang negosasyon para sa posibleng unang pelikula ng sikat na Korean actor na si Kim Seon Ho.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong pelikula ng direktor na si Park Hoon Jung na may pamagat na Sad Tropics.

Kasunod ng reports na kasalukuyan nang inaayos ang schedule ng 35-year-old actor, naglabas ng statement ang kanyang kinabibilangang agency, ang Salt Entertainment, na nagsasabing si Kim Seon Ho ay "positively reviewing the offer."

Kung sakali, gagampanan niya sa Sad Topics ang papel ng isang boxer na may Korean father at Filipino mother. Magtutungo siya sa Korea para hanapin ang kanyang amang umabandona sa kanila noong bata pa siya.

Si Kim Seon Ho ay nakilala nang husto dahil sa kanyang pagganap bilang Han Ji-pyeong o Good Boy sa hit Netflix series na Start-Up noong 2020.

Kasalukuyan siyang napapanood sa bagong Netflix series na Hometown Cha-Cha-Cha at sa KBS variety program na 2 Days 1 Night.

Continue reading below ↓

Si Park Hoon Jung naman ang nagdirek ng hit movies na New World (2013), V.I.P. (2017), at The Witch: Part 1. The Subversion (2018).

Kapag natuloy si Kim Seon Ho sa Sad Tropics, hindi siya ang kauna-unahang Korean actor na gaganap bilang half-Filipino sa isang pelikula.

Sa 2011 movie na Punch ay ginampanan ni Yoo Ah In ang papel ng rebellious high school student na ang ina ay isang Pilipina, na ginampanan ni Jasmine B. Lee.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Popular Korean actor Kim Seon Ho is "positively reviewing the offer" to play the lead role in the upcoming film Sad Tropics. If he accepts the offer, Kim Seon Ho will play a boxer who has a Korean father and a Filipino mother.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results