Jao Mapa takes the bold route in digital film "Mistaken"


"I think it's high time that I mature in my outlook. I am already thirty years old that's why I accepted such roles to liven up my career as an actor. Besides, I don't see anything wrong in these scenes, I find them very liberating," explains Jao Mapa about doing bold roles.



Sobrang daring ng mga eskena na inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng digital movie na Mistaken, na kinunan sa isang lugar sa Novaliches, Quezon City, noong Linggo, Pebrero 10. Dalawa sa mga eskena ang napanood namin sa monitor na kinunan sa isang closed-door sa set.

Sa unang eksena, kapwa hubo't hubad ang bidang lalaki sa pelikula na si Jao Mapa at ang starlet na si Mellow Johnshon sa kanilang sex scene. Sa pangalawang sex scene, ang kasama naman ni Jao ay ang baguhan ding si Pia Peron. Kahit may plaster na nakatakip sa maselang bahagi ng katawan ni Jao, pareho namang walang saplot ang dalawang babae na kinunan sa magkaibang eksena.

Dahil medyo shocking ang inabutan naming mga eksena, minabuti ng PEP na kausapin si Jao—na nakilala bilang wholesome actor noong kanyang kasikatan—at tanungin kung bakit nagdesisyon siyang magbago ng image.

"I think it's high time that I mature in my outlook," bungad ni Jao, na pawisan at mukhang pagod sa halos maghapong shooting ng mga eksenang hubaran at lovemaking. "I am already thirty years old that's why I accepted such roles to liven up my career as an actor. Besides, I don't see anything wrong in these scenes, I find them very liberating. Panahon na talaga.

"Tunay naman akong artista and I have shown I can do other types of roles. Maganda naman ang istorya namin in this movie, and I felt na talagang kailangan sa eksena ang mga hubaran para nga maging makatotohanan kami," paliwanag pa ng dating matinee idol.

Suportado raw si Jao ng kanyang asawa na gaya niya ay may passion din sa pag-aartista. Kapwa raw nila alam na hindi naman ito makasasama sa pagpapalaki ng kanilang tatlong anak.

"I can always tell my children when the day comes, they will ask me... Artista ako and I am only doing roles. Hindi naman ako ito sa tunay na buhay," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw ganoon kadali na magdesisyong mag-bold sa mga pelikulang gagawin niya.

"Pinag-usapan namin ito ng wife ko at talagang suportado niya ako," nakangiting sabi ni Jao. "In fact, noong araw pa ako may offer na gawin ang ganito, pero ayokong gawin. It was my wife who asked me kung bakit ayaw kong gawin, sayang daw. Nang mga time na yun, marami pa akong dapat isaalang-alang. But now, I came to terms with myself at heto na nga, ginagawa ko na."

Dagdag niya, "I am a film person. I go for independent movies dahil alam kong kailangan ito ng industriya sa ngayon. Malaki rin ang tiwala ko sa direktor [Don Romantico] ng pelikula namin. Ipinaliwanag niya sa amin ang mga gagawin bago mag-shooting at desidido talaga akong gawin ito," sabi pa ni Jao sa seryosong tono.

Hindi rin naman ikinakaila ni Jao na kahit na for art's sake ang ginagawa niya ngayon, may kinalaman din ito sa financial problem niya sa pamilya.

"I also need to earn," sambit niya. "Kahit na meron na akong ibang sources, nakakatulong din naman ang kinikita ko sa pag-aartista ko. My children are growing, so I really need to support them."

In his heyday, Jao's name was a byword in the showbiz industry. Pero at the height of his popularity, unti-unti siyang nawala sa eksena.

"I went into other things, I was into painting. May nakilala akong tao na tumulong sa akin. Gusto ko rin naman yun, passion ko rin, so I concentrated on it. Nag-paint ako at naglagay ng mga art exhibits. Graduate po ako ng Fine Arts sa UST [University of Santo Tomas] at talagang kuwalipikado naman ako," pahayag ni Jao.

Aside from painting, gumawa rin daw siya ng mga stage plays that toured different schools. "I did Ibong Adarna and it satisfied me a lot. On the side, may business concerns ako and that was that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jao rin ang nagbigay ng impormasyon na bago ang pagbu-bold niya sa Mistaken, nagpaka-daring rin daw siya sa isa pang indie movie, ang Xerox.

"Naghubo't hubad din ako at may butt exposure din, although walang masyadong sex scenes. And anytime na may io-offer sa akin, okay lang basta maganda ang istorya. Game po ako to do bold scenes!" pagtatapos ni Jao na nakatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN