Kit Thompson stars in three upcoming films; is he willing to do frontal nudity?

by Jerry Olea
Sep 22, 2021
Kit Thompson on doing a frontal nudity: "That depends kung saan gagamitin ang materyal. If it’s just gonna be part of that, no, I don’t see ano why I should do it… Pero if it’s gonna be for something na ano, maybe international film festival, something like that, who knows? Maybe. We’ll see."
PHOTO/S: Jerry Olea / @kitthompson

Nag-enjoy si Kit Thompson sa pakikipagtrabaho kay Maureen Wroblewitz sa pelikulang Runway na kinunan sa New Zealand.

“Okey naman siya. Very natural, I would say.

“She’s very nice in person. Makulit,” sabi ni Kit sa storycon ng pelikulang Moonlight Butterfly nitong Setyembre 16, Huwebes, sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City.

Naudlot ang streaming sana ng Runway noong Setyembre sa Upstream.

“Itutuloy pa naman. I don’t know what’s going on internally. I can’t speak for them. Baka may masabi ako na hindi naman pala totoo, di ba?” sambit ng 24-anyos na hunk actor.

“Pero… soon. I think, soon! Before the year ends…”

Maikukumpara kaya ito sa Netflix film nina Paolo Contis at Yen Santos, ang A Faraway Land na kinunan sa Faroe Islands? Maituring ba niya si Maureen na close na close as a friend?

Natawa nang bahagya si Kit, “Close na close as a friend? Hindi naman. Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi naman ganun.

Continue reading below ↓

“I mean, close naman kami, you know. Naging close naman kami sa shoot.

“Pero… ahh, wala. Hindi naman kami nagba-Baguio.”


Kit Thompson and Maureen Wroblewitz in a scene from Runway

SARAP MONG PATAYIN

Katatapos lang mag-shoot ni Kit ng pelikulang Sarap Mong Patayin sa Subic.

Co-stars niya rito sina Lassy Marquez at Ariella Arida, sa direksiyon ni Darryl Yap.

Continue reading below ↓


Lassy Marquez and Ariella Arida

Ikalawang movie ito ni Lassy bilang lead actor. Nagbida sila nina Yen Santos at Hashtag Kid Yambao sa pelikulang Two Love You (2019), na idinirek ni Benedict Mique.

Pahayag ni Kit, “Mabait si Lassy. Sobrang gaan kasama sa set. Parati lang nagpapatawa. Si Ariella nga, hindi maka-concentrate minsan dahil natatawa.”

Continue reading below ↓

Love triangle ba sila nina Lassy at Ariella?

“Ahh, hindi. Para siyang… catfish. Yung story niya, catfishing. So, si Lassy doon, nasa app. Tapos, nakita niya yung profile ko doon,” kuwento ni Kit.

“Pero hindi ko talaga account yun. May iba na ginagamit yung pictures ko para makausap yung babae na yun.

“Basta, nakita nila ako one day. Tapos, niyaya nila ako. And then, may nangyari. May nangyaring masama…

“It’s pretty dark. The story gets pretty intense. Comedy siya na thriller… hindi ko rin ma-explain. Ha! Ha! Ha! Ha! “

May mga comedy siya. Maski sa mga intense na scene, may pumapasok pa rin na comedy.

“Siguro, you’ll feel discomfort while watching it. Kasi, may rape scene. Andiyan pa yung torture scene. Medyo… fucked up.”

Sa Oktubre 15, Biyernes ang streaming ng Sarap Mong Patayin sa Vivamax.

MOONLIGHT BUTTERFLY

Nitong Setyembre 22, Miyerkules, ang first shooting day ng pelikulang Moonlight Butterfly sa Angeles City, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Launching film ito ng Belladonas member na si Christine Bermas.

Isa si Kit sa tatlong leading men ni Christine. Ang dalawa pa ay sina Albie Casiño at Ivan Carapiet.

Gaganap si Kit bilang American diplomat na si Eliott, na isa palang CIA agent.


Tatlong pelikula ni Direk Joel this year ang ipinalabas na nag-frontal ang bidang lalaki—Sean de Guzman sa Anak ng Macho Dancer, Marco Gomez sa Silab, at Paolo Gumabao sa Lockdown.

Continue reading below ↓

Sa Cinemalaya 2019 film ni Direk Josabeth Alonso na Belle Douleur ay pwetmalu pa lang si Kit, pero kaswal siya sa mga eksenang walang saplot.

If ever i-require ni Direk Joel na mag-frontal si Kit, willing ba siya?

Napangiti ang binata, “Well, sa akin, okey lang ‘yon… Siguro, yung lakas ng loob ko, kung saan nanggagaling yung lakas ng loob ko is because… one, I trust my director.

“Kasi, hindi ko ito magagawa kung hindi ako nagtitiwala sa direktor.

“Two, doon sa frontal, that depends kung saan gagamitin ang materyal. If it’s just gonna be part of that, no, I don’t see ano why I should do it…

“Pero if it’s gonna be for something na ano, maybe international film festival, something like that, who knows? Maybe. We’ll see.

"Sa ngayon, hindi ko pa alam."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson on doing a frontal nudity: "That depends kung saan gagamitin ang materyal. If it’s just gonna be part of that, no, I don’t see ano why I should do it… Pero if it’s gonna be for something na ano, maybe international film festival, something like that, who knows? Maybe. We’ll see."
PHOTO/S: Jerry Olea / @kitthompson
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results