Director Joel Lamangan prefers discovering new talents for his films

by Jerry Olea
Sep 24, 2021
Direk Joel Lamangan gives instructions to Kit Thompson and Christine Bermas for a scene in the upcoming film Moonlight Butterfly.
PHOTO/S: 3:16 Media Network

Sa panahon ng pandemya, inilunsad ni Direk Joel Lamangan sa pelikula ang ilang baguhang artista.

Andiyan si Sean de Guzman sa Anak ng Macho Dancer, si Paolo Gumabao sa Lockdown, at sina Cloe Barreto at Marco Gomez sa Silab.

Sinusyuting ngayon ni Direk Joel sa Angeles City ang Moonlight Butterfly na launching film ng 19-anyos na si Christine Bermas.

“Diyos ko! May pandemic na nga! Matanda pa ba ang kukunin ko?!” maigting na bulalas ni Direk Joel sa storycon ng Moonlight Butterfly noong Setyembre 16, Huwebes, sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City.

“Kaya ang kinukuha ko, mga baguhan. Magdi-discover tayo ng mga bagong artista na pwedeng magamit ng industriya sa hinaharap.

“Iyon ang ginawa natin kay Cloe, ito rin ang ginawa natin kay Sean, ito rin ang gagawin natin kay Christine, at marami pang susunod.

“Ako ay natutuwang magturo sa mga bago. Kasi, ano sila, parang blackboard, walang nakasulat.

Continue reading below ↓

“Ikaw ang magbibigay kung ano ang laman nila. Maaaring magalit ka, maaaring masigawan mo sila, maaaring mamura mo sila, pero hindi ka nila makakalimutan sa tanang buhay nila.

“Pero dadalhin nila iyon habang sila ay pumapalaot sa industriyang pupuntahan nila.

“Kaya ngayong may pandemya, gusto ko, baguhan. Ayoko na ng mga may edad na, yung mga matanda na.”

WORKING WITH SENIOR STARS

Napakunot-noo si Direk Joel at kumambiyo, “Pero may mga project ako na matandang-matanda na.

“Ibig sabihin, ochenta pataas na. Bakit? Dahil mawawala na sila sa daigdig, bigyan na natin sila ng chance—silang mga ochenta, sitenta.

“Di ba? Yun… Dalawa nga doon sa mga dati kong artista, namatay na. Gusto kong gumawa ng ganun uli.

“Yung pelikula ng mga matandang-matanda na, para maipakita nila ang kanilang kahusayan at matandaan sila sa kahuli-hulihang pelikulang ginawa nila.

“Ganun din sa mga bata na papalaot, iyon ang magiging essence nila, para makilala sila at dumating sila sa panahon na ochenta rin sila!”

Continue reading below ↓

Ang dalawang beteranong artista ni Direk Joel na pumanaw na ay ang lead actors ng MMFF 2018 entry niyang Rainbow’s Sunset—sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

MOONLIGHT BUTTERFLY

Aminado si Direk Joel na mahirap gawin ang Moonlight Butterfly.

“It’s a totally different love story. This is the first time that I’m doing a love story na may espi-espionage ek-ek, ganun! OK,” lahad ni Direk Joel.

“And this is the first time na maipapakita ang I.S.I.S. bilang antagonist sa movie.

“Mahirap pagsamahin sa isang pelikula ang suspense-thriller at love story. Hindi iyon madaling ibalanse.

“Sasabihin mo, ‘Ano ba ito?! Love story ba ito?! Ano ba ito?! Thriller ba ito?!’

“Parang… magkakaroon somewhere ng identity crisis.

“Pero sinabi naman ng writer [Eric Ramos] na ito, sa unang part, ay love story… papunta sa pagiging spy thriller, espionage, OK.

“Kahit naman mga James Bond movie, may mga love stories, di ba? Ito rin naman, may mga ganun. May love story."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Direk Joel, “Ito ba ay magpapakita ng skin? Itatanong ninyo mamaya. Opo, meron po itong skin!

“Kaninong skin? Hindi po sa akin, OK. Skin po ng mga artista, lalo na po ng lead stars.

“Si Christine Bermas, si Kit Thompson, si Ivan Carapiet, at saka si Albie Casiño. Meron pong skin.

“Yun po kasi ang kailangan dahil ang 3:16 na production ay hindi nag-aatubiling magpakita ng dapat ipakita na kinakailangan sa istorya, OK.

“Ako ay nagpapasalamat na sa gitna ng pandemya, nagpo-produce ang 3:16 at maraming nabibigyan ng hanapbuhay.

“Hindi lamang ito ang gagawin ng 3:16. Marami kaming gagawing proyekto na nakapila hanggang matapos ang taon.”

CHRISTINE BERMAS

Na-impress si Direk Joel kay Christine nang maidirek niya ito sa Silab at Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa.

“Nakitaan namin siya ng kahusayan, pwede na siyang i-launch bilang lead star,” pahayag ni Direk Joel.

“Kung pangit siyang umarte, sasabihin ko, ‘Huwag na 'yan! Ang pangit-pangit umarte niyan!’

Continue reading below ↓

“Itong batang ito, mahusay. Nakita ko ang kanyang kakayahan, at dapat iangat bilang lead actress.”


Ang Silab ay nag-streaming noong Hulyo 9, 2021 sa Vivamax. Ang launching film ni Teejay Marquez na Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa ay wala pang target streaming date.

Ang istorya ng Moonlight Butterfly ay naganap mula Oktubre 2019 hanggang Pebrero 2020, bago lumaganap ang pandemya sa bansa.

Continue reading below ↓

“It’s an explosive story of love and lust, secrets and lies,” sabi ng scriptwriter na si Eric Ramos.

Nakasentro ang kuwento kay Eunice (Christine Bermas), ang pinakamabentang GRO sa Fields Avenue ng Angeles City.

Political Science freshman si Eunice nang mag-drop out siya sa kolehiyo. Pinangarap niyang maging abogada.

Ismarte at magaling mag-English si Eunice kaya natutuwa sa kanya ang foreign guests. Naging benefactor ni Eunice ang biyudo at American diplomat na si Eliott (Kit Thompson).

Tatlong taon na ang relasyon ni Eunice sa secret boyfriend niyang si Roy (Albie Casiño), isang dating hosto na malapit nang magtapos ng kursong Criminology.

Malalaman nina Eliott at Roy na may isa pang lalaki sa buhay ni Eunice… ang Iranian na si Habib (Ivan Carapiet), na lider ng isang Islamic State terrorist cell.

Nasa cast din ng Moonlight Butterfly sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Quinn Carrillo, Jolo Estrada, Gigo de Guzman, at Hershie de Leon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan gives instructions to Kit Thompson and Christine Bermas for a scene in the upcoming film Moonlight Butterfly.
PHOTO/S: 3:16 Media Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results