Dennis Trillo happy for On The Job co-star John Arcilla's best actor win at Venice Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2021
Dennis Trillo: "Greatest lesson na natutunan ko is lahat ng paghihirap at tiyaga ay hindi mababalewala. Ito ay naging inspirasyon sa akin."
PHOTO/S: @dennistrillo on Instagram

Natapos na ang mandatory 14-day hotel quarantine ni Dennis Trillo dahil sa pagdalo niya bilang isa sa mga representative ng On The Job: The Missing 8 sa 78th Venice Film Festival.

Idinaos ang taunang international film festival mula September 1 hanggang September 11, 2021, sa Venice, Italy.

Para hindi siya makaramdam ng pagkainip, pinaghandaang mabuti ni Dennis ang matagal na pananatili sa kanyang hotel room.

Pahayag niya sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I tried to be productive during my whole stay.

"I had my gym equipment ready at my room and I tried to eat healthy during my whole quarantine. I also did a lot of meditation, exercises, and Zoom meetings."

Isang hindi makalilimutang karanasan para kay Dennis ang pagdalo sa 78th Venice Film Festival dahil sa safety and health protocols na sinunod niya at ang kanyang mga natutunan na nagbigay ng inspirasyon para lalo niyang pagbutihin ang piniling propesyon.

Continue reading below ↓

Lahad ni Dennis, “I was already vaccinated [ Pfizered] as early as April 2021.

"Going there, we had to be tested, fly in and fly out. We still had to wear masks.

"Greatest lesson na natutunan ko is lahat ng paghihirap at tiyaga ay hindi mababalewala.

"Ito ay naging inspirasyon sa akin na mas lalo pang pagbutihan at pahalagahan ang trabaho, maliit man o malaki."

Isa si Dennis sa tuwang-tuwa para sa kanyang On The Job: Missing 8 co-star na si John Arcilla dahil ito ang tinanghal na best actor sa 78th Venice Film Festival.

Continue reading below ↓

Pero parang nanalo na rin daw siya dahil sa sinabi ng jury members na silang dalawa ang dapat na nagwagi dahil mahusay rin ang pagganap ni Dennis.

“It was unbelievable, it was unreal… truly unexpected.

"It was every actor's dream, but I’m so happy with Kuya John’s win.

"It was long overdue for him. He’s the best, he did a masterclass performance,” sabi ng Kapuso actor.

HIGHLIGHTS OF HIS VENICE FILMFEST EXPERIENCE

Ang Parasite Korean director na si Bong Joon-ho ang jury president ng 78th Venice Film Festival.

"Tito Bong" ang pabiro na tawag ni Dennis kay Bong Joon-ho dahil Ho ang tunay na family name ng aktor.

Ang pagkikita nila nang personal ng Korean director at ang pagharap ng aktor sa international press ang itinuturing ni Dennis na mga highlight ng pagdalo nito sa 78th Venice Film Festival.

Aniya, “When Tito Bong sat beside me, talked to us, and was curiously asking about Direk Erik Matti’s process in making On The Job: The Missing 8.

Continue reading below ↓

“Sitting in front of the international press was nerve wracking. I was so nervous during that time.

"I struggled answering the simplest question."

THE GOOD NEWS

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, isang magandang balita ang sumalubong kay Dennis—ang mga positive feedback at mataas na ratings ng Legal Wives na pinagbibidahan niya.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat ang Kapuso actor sa lahat ng mga tumatangkilik sa drama series ng GMA-7.

“Sobrang saya at thankful ako sa magandang reception ng tao sa Legal Wives.

“Grabe rin ang hirap na pinagdaanan namin sa Legal Wives, it took us four lock-in tapings para matapos namin, but it’s binge-worthy.

“It was well-written, beautifully shot and, of course, it has a unique take on the modern family drama.

"You also learn so much as you watch it and, maybe, that’s the reason why they appreciate it."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo: "Greatest lesson na natutunan ko is lahat ng paghihirap at tiyaga ay hindi mababalewala. Ito ay naging inspirasyon sa akin."
PHOTO/S: @dennistrillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results