Bakit kabado si Rayver Cruz nang makaeksena si Christopher de Leon?

by Rommel Gonzales
Oct 2, 2021
Rayver Cruz (main) on scene with Christopher de Leon in the movie On The Job 2: The Missing 8: "...sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kasi kabado ako."
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram; Screen Grab from On The Job 2

Aminado si Rayver Cruz na kinabahan siya nang makatrabaho niya si Christopher de Leon.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang On The Job 2: The Missing 8, kung saan kasama rin nila sina Dennis Trillo, John Arcilla, at Lotlot de Leon.

Bukod sa pagiging Drama King ng Philippine Showbiz, si Christopher ay lolo ng girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez.

Kaya ba kinabahan si Rayver?

"More than that, mas kinabahan po ako kasi siyempre Sir Christopher de Leon yun. If I remember, may batuhan kami ng lines. Medyo sakto yung haba ng eksena, pero medyo marami talaga akong sinasabi, tapos hindi pa nag-i-start yung take kinakabahan na ako!

"Feeling ko magkakamali ako."

Malaking bagay para sa kinakabahang si Rayver na "sobrang bait ni Sir Christiopher de Leon."

Sa pagpapatuloy niya, "As in parang tropa lang, pero hindi ko pinapahalata na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kasi kabado ako.

Continue reading below ↓

"Kasi siyempre, iyan yung mga ano natin, e, talagang kumbaga, yung mga pioneers natin kaya nakakakaba," at tumawa si Rayver.

Masaya naman si Rayver na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang kanyang idol.

Dagdag niya, "Sobrang good experience, sobrang solid na experience to be alongside him, yung makaeksena mo man lang yung iniidolo mo, di ba?

"The best, the best yun!"

At hahit kinabahan si Rayver, naitawid naman niya ang mga eksena nila ng Drama King.

"Naitawid naman! Ano na lang, e, pakapalan na lang ng mukha," at muling tumawa si Rayver.

Sayang nga lamang at walang eksena sina Rayver at Lotlot, na ina ni Janine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa online mediacon na ipinatawag ng GMA-7 noong September para sa renewal ng kanyang kontrata bilang isang Kapuso.

RAYVER ON FUTURE CAREER PLANS

All-around si Rayver: aktor, host, dancer, at singer.

Ano pa ang nais niyang gawin bilang isang artist? Halimbawa, gusto ba niyang maging direktor?

Continue reading below ↓

"Direktor? Parang mahirap pero minsan dumaplis na sa utak ko iyan na, 'Kaya ko ba?'

"Na eventually pagtagal maging isang direktor? Why not, di ba? Gusto ko rin yung possibility na ganun. Kasi sobrang mahal ko yung craft natin e, yung industry and hindi naman eto lang lahat yun, e.

"Hindi lang puwede matapos sa pag-aartista, andami pang puwedeng gawin dito sa mundo natin."

Pagpapatuloy pa ni Rayver tungkol sa posibilidad ng pagiging isang direktor.

"Okay din yun! Kapag pinagpala at dun tinahak ng Panginoong Diyos eventually, bakit hindi di ba?

"Pero mahirap yun," ang natatawang bulalas ni Rayver. "Mas mahirap ata yun kesa mag-artista."

Pagdating sa pag-aartista, nauuso ngayon ang mga BL (Boy Love) series at movies.

Willing ba si Rayver na gumanap na bading sa isang gay-themed project?

Hindi pa gumanap bilang gay ang 32-year-old star, pero dugtong niya, "...bakit hindi? Basta maganda yung project, di ba? And kaya nandiyan naman yung Artist Center, e, kasi sila talaga yung kikilatis ng isang project kung maganda, e.

Continue reading below ↓

"Pero wala akong sinasaradong pinto sa kahit na anong mga roles kasi mahal ko ang pag-aartista, e. Kumbaga marami pa akong gustong gawin and kung meron mang project na dumating na ganun, e, kung sobrang ganda naman, bakit hindi?"

Tatlo ang shows ni Rayver sa GMA: ang Nagbabagang Luha, All Out Sundays, at ang The Clash.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz (main) on scene with Christopher de Leon in the movie On The Job 2: The Missing 8: "...sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kasi kabado ako."
PHOTO/S: @rayvercruz on Instagram; Screen Grab from On The Job 2
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results