Director Joel Lamangan's latest film Walker focuses on family of prostitutes

by Jerry Olea
Oct 21, 2021
Director Joel Lamangan on his latest film, Walker: "Ipapakita natin dito ang kasamaan ng ibang sektor ng lipunan. Ipapakita natin ang injustice na ginagawa sa iba nating kasamahan. Ang ipakikita dito ay hindi dahil sa gustong ipakita ang kahubaran ng isang tao. Ang gusto kong ipakita ay ang kawalang-hiyaan ng ibang sektor na magagawa ang kalupitan na iyon."
PHOTO/S: Jerry Olea

Nakasentro sa isang pamilya ng mga prosti ang bagong pelikula ni Direk Joel Lamangan na Walker.

Sa kuwento, ang mag-inang Carmen (Dorothy Gilmore) at Dolores (Rita Avila) ay parehong dating pokpok, na naging bugaw.

Ang apat na anak ng biyudang si Dolores—sina Flor (Sunshine Dizon), Liezel (Elora Españo), Virgie (Alex Agustin), at Jona (Barbara Miguel)—ay pawang napasabak din sa pagbebenta ng laman.

Anu-ano ang maselan o mapangahas na eksena sa pelikula?

“Ito ay isang social reality. Ipapakita natin dito ang kalupitan ng ibang tao,” pahayag ni Direk Joel sa virtual storycon nitong Oktubre 19, Martes ng gabi.

“Ipapakita natin dito ang kasamaan ng ibang sektor ng lipunan. Ipapakita natin ang injustice na ginagawa sa iba nating kasamahan.

“Ang ipakikita dito ay hindi dahil sa gustong ipakita ang kahubaran ng isang tao. Ang gusto kong ipakita ay ang kawalang-hiyaan ng ibang sektor na magagawa ang kalupitan na iyon.

“Kasi, mayroon ditong isang babae na ginahasa ng isang rekwang pulis. Isang buong police team, ginahasa siya.

Continue reading below ↓

“Pinagpasasaan siya ng iba’t ibang pulis, at makikita ang maseselang bahagi ng katawan niya, pero hindi naman iyon ang pangunahing ibig sabihin nun.

“Ang pangunahing ibig sabihin, na dapat ipakita, ang kawalang-hiyaan ng mga taong nabibigyan ng power sa ating lipunan at winawalang-hiya ang mga taong nagpapasuweldo sa kanila.

“Ang mga taumbayan. Yun 'yon.”

Batay sa tunay na buhay ang pagpila-balde sa isang prosti. Iyon ang nagbunsod kay Troy Espiritu upang sulatin ang screenplay ng Walker.

Kabilang sa mga aktor ng Walker sina Allen Dizon, Edgar Allan Guzman, Dave Bornea, Dincent Lujero, AJ Oteyza, Rico Barrera, at Jim Pebanco.

Meron bang magpapakita sa kanila ng private part?

“Wala namang ganun dito,” malumanay na sagot ng multi-awarded director.

“Walang ganun. Hindi ito yung pelikulang may ganun. Iba ito. Iba. Ito ay hinuhubaran ang kawalang-hiyaan ng ating lipunan sa mga taong ino-oppress.

“Yun ang hinuhubaran dito, hindi lalaki.”

reopening of CINEMAS

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga nadadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Continue reading below ↓

Ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines, nagpa-save-the-date sa kanilang Facebook page.

Mukhang magbubukas na ang mga sinehan sa Nobyembre 10! Maipapalabas na ang mga pelikula sa big screen!

Mas na-inspire ba si Direk Joel na mag-shooting ngayong nalalapit na ang reopening ng local cinemas?

“Sa akin, oo! Gusto ko na talagang magbukas ang sinehan!” mabilis na tugon ni Direk Joel.

“Para na rin sa industriya. Para may market talaga ang produktong gagawin mo, hindi lamang sa streaming, kundi sa malaking-malaking screen na pelikula, na theater.

“Ako, excited ako diyan. Gusto ko talagang mabuksan na ang sinehan. Excited na nga ako, gusto ko nang manood, e.

"E, wala pa naman! Hindi pa binubuksan. Wala pa pala! Sa Nobyembre pa yata!”

Ang mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan ay kailangang dumaan sa MTRCB, hindi katulad sa online streaming na malaya ang filmmakers na gawin ang gusto nila.

“Oo, tama iyon. Pero ang iniisip ko lamang, yung mga producer ay magkakaroon pa rin ng mas malawak na pagkakakitaan kapag nagbukas na ang sinehan,” paliwanag ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

“Kasi, ang streaming, hindi naman makaka-sustain ng amount na mababalik ang perang inilagay ng producer, e, sa streaming. Sa streaming, napa-pirate nang napa-pirate.

“Pero sa totoo, ang streaming naman ang nagbibigay sa mga direktor ng pagkakataong gawin ang gusto nilang magawa nang walang puwersang pipigil dito, na censorship.

“Pero siguro, pag-aaralan natin ang balanse. Papaano natin babalansehin na magawa pa rin natin ang nais nating magawa na hindi sasansalain ng sensura? Hahanapin pa rin yun.

“Pero kailangan ng mga producer ng iba pang field na pagkakakitaan para lumawak ang paggawa ng pelikula.

“Ang streaming kasi, pag pinalabas ka ngayon, bukas, na-pirate ka na sa Quiapo.

"E, kasi, iyong lahat ng pelikulang ginawa ko sa stream, lahat, na-pirate. Meron pa ring ganun.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joel Lamangan on his latest film, Walker: "Ipapakita natin dito ang kasamaan ng ibang sektor ng lipunan. Ipapakita natin ang injustice na ginagawa sa iba nating kasamahan. Ang ipakikita dito ay hindi dahil sa gustong ipakita ang kahubaran ng isang tao. Ang gusto kong ipakita ay ang kawalang-hiyaan ng ibang sektor na magagawa ang kalupitan na iyon."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results