Paolo Gumabao on intimate scenes with Vince Rillon in Sisid: "Para lang kaming naglalaro."

by Jerry Olea
Oct 21, 2021
Paolo Gumabao (left) on Sisid co-star Vince Rillon: "Yun din talaga ang na-appreciate ko kay Vince, is that nagre-reciprocate siya sa mga ibinibigay ko na energy sa kanya. E, maraming times na sobrang hindi kami mapaghiwalay sa set. Naging para kaming mag-best friends doon."
PHOTO/S: Viva Films

Marine biologist ang karakter ni Paolo Gumabao sa pelikulang Sisid. Gumanap bilang asawa niya rito si Kylie Verzosa.

“Sa plot, papunta kami ni Kylie ng Pola [Oriental Mindoro] because I have to do research on this fish sanctuary,” lahad ni Paolo sa virtual mediacon nitong Oktubre 21, Huwebes ng hapon.

“Kasi, nagkaroon ng aksidente doon sa Pola and pinapa-research sa akin, and para maaprubahan yung request na maging marine protected area yung fish sanctuary na yun.

“Along the way, nami-meet ko si Vince Rillon, ang pangalan ng karakter niya is Dennis… Doon natin makikita yung conflict, yung mga mangyayari.

“Paano ko iha-handle na may asawa ako, and at the same time may mami-meet akong lalaki sa Pola and alam mo yung… naging interesred talaga.”

May bahid ng Brokeback Mountain ang istorya, pero sa halip na kabundukan ay karagatan ang setting ng Sisid.

“Marami kaming eksena na underwater. Nag-hire ang production ng dive masters to teach us how to move underwater,” saad ni Paolo.

Continue reading below ↓

“So, nag-diving lessons talaga kami. We had two days of diving lessons. And the deepest that we shot was 30 feet [below sea level], I think.”

ON INTIMATE SCENES WITH VINCE RILLON

Bago ang shooting ng Sisid ay hindi pa na-meet o nakatrabaho ni Paolo sina Vince at Kylie, maging ang direktor ng movie na si Brillante Mendoza.

“First time lahat. Kahit sina Kylie, buong production—from the production to the artists to the staff—first time kong makatrabaho silang lahat,” sabi ni Paolo.

Paano sila nag-bonding ni Vince para hindi sila mailang sa maseselang eksena?

“Bago kami nag-pull out, I took the liberty of messaging Vince on Facebook,” pagtatapat ni Paolo.

“Kasi, nabasa ko yung script, we have to be very intimate here and we both have to be very comfortable with each other.

“So, minessage ko siya sa Facebook. ‘Hey, bro, ako si Pao. Ako yung makakatrabaho mo sa Sisid.’

Continue reading below ↓

“Tapos, nagkuwentuhan kami sa chat. Sabi ko, ‘Kumusta si Direk Brillante, kasi kaw, sanay ka kay Direk Brillante.’

“In-explain niya sa akin na, ‘Bro, walang tama, walang mali. Basta kung ano ang pakiramdam mo na dapat mong gawin, gawin mo. Dapat natural ka lang.’

“So, dun pa lang, sa Messenger pa lang, nakapag-usap na kami. Nakapag… hindi naman bonding, kumbaga, ice breaker.

“Pagdating ko sa Mindoro, ang una kong hinanap, si Vince. Pinuntahan ko siya sa kuwarto. Sabi ko, ‘Hey, bro… Pao.’ Tapos, nagkamayan kami.

“Tapos, sabi ko, ‘Anong balak mo mamaya?’ E, magwo-workout daw siya. So, ako, nakipagkuwentuhan na sa kanya. Nag-usap na kami.

“Actually, first day pa lang, naging komportable na kami sa isa’t isa. Si Vince kasi, hindi siya yung tipong lalaki na ano, e, parang… naiilang nang ganun.

“Naiintindihan niya rin yung kailangan naming gawin. Kailangan, komportable kami sa isa’t isa.

“Yun din talaga ang na-appreciate ko kay Vince, is that nagre-reciprocate siya sa mga ibinibigay ko na energy sa kanya.

Continue reading below ↓

“E, maraming times na sobrang hindi kami mapaghiwalay sa set. Naging para kaming mag-best friends doon.

“Minsan, nagbibiruan kami… like yung pictures na sinusubuan niya ako ng pagkain. Ganun na kami kakomportable.

“Wala na kaming pakialam kung iisipin ba ng mga tao, ‘Ay! Naku! Ba’t sila ganyan? Bakit ang sweet nila?’ Hindi.

“Parang… sa amin lang, gusto lang naming maging komportable. Gusto naming gawin yun, kahit wala sa eksena… para pagdating sa eksena, wala nang ilangan.

“And true enough, pag nasa mga love scenes na kami, para lang kaming naglalaro ni Vince. Nagtatawanan pa nga kami minsan, e.

“Parang… ‘O, bro, ilalabas ko na, ganyan-ganyan.’”


Continue reading below ↓

BROKEBACK MOUNTAIN VIBE

Base sa still photos ng Sisid, napaka-intimate ng love scene nila ni Vince, kumpara sa previous movie niyang Lockdown.

“Kasi, yung Lockdown, hindi siya BL, e. Hindi siya boys’ love movie kasi, there’s no love between boys kumbaga,” paliwanag ni Paolo.

“Pero here in this film, it really has a big Brokeback Mountain vibe. Kasi, it’s really love. And the conflict is… may girlfriend siya, may asawa ako.

“So, paano namin iha-handle yung ganung bagay? Paano namin madidiskartehan, kumbaga.”

Sino sa kanila ni Vince ang better kisser?

“Whew! What a question! Ahh… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Hindi ko alam, e. Feeling ko naman, we’re both.. oo, feeling ko naman," natatawang tugon ni Paolo.

“And makikita naman natin sa film 'yan! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, yung mga kissing scene namin dito, much more intimate.

“Hindi siya kagaya nung sa Lockdown na laplapan. Dito, there’s… passion. You know, there’s love.

Continue reading below ↓

“Ibang Paolo Gumabao naman ang makikita dito kumpara sa Lockdown.”

Hanggang kailan magpapa-sexy si Paolo sa pelikula? May time frame ba kung kailan siya titigil sa hubaran at lampungan?

Napabuntong-hininga si Paolo, “Ahhh, well… ok lang naman sa akin ang magpa-sexy. Pero… gusto ko, next time, huwag naman lalaki. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“After ng film na ito, kailangan ko munang magpahinga sa boy-to-boy. Pero ako naman, hindi ko naman nili-limit yung sarili ko. It’s just that…

“Ako naman, basta maganda yung script, and alam ko namang maaalagaan ng direktor yung proyekto, bakit naman hindi? Pero for now siguro, ahhm, as a… marketing strategy, I guess… parang pahinga muna siguro ako this time. Sana.

“Pero kung meron talaga na maganda, hindi rin naman ako… ayoko rin namang tanggihan kung alam kong maganda.

“Pero as much as possible, I want to try and move forward to other types, other genres of movies.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao (left) on Sisid co-star Vince Rillon: "Yun din talaga ang na-appreciate ko kay Vince, is that nagre-reciprocate siya sa mga ibinibigay ko na energy sa kanya. E, maraming times na sobrang hindi kami mapaghiwalay sa set. Naging para kaming mag-best friends doon."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results