Aljur Abrenica admits being manipulative in past relationships

by Jerry Olea
Oct 24, 2021
Aljur Abrenica on being manipulative in his past relationships: “Nagmanipula na ako sa pag-ibig… noon. So, before, nagawa ko na siya, at hindi siya maganda. Kasi in the end, lalabas at lalabas ang totoo." (Photo: Jerry Olea)

Aminado si Aljur Abrenica na meron na siyang minanipula dahil sa pag-ibig.

“Nagmanipula na ako sa pag-ibig… noon,” sabi ni Aljur sa presscon ng bagong pelikula niyang Manipula nitong nakaraang Sabado ng hapon, Oktubre 23, sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City.

“I think it comes with maturity and self-awareness. I wasn’t aware at the time. Dati, madalas.

"Para lang… akala ko sa ngalan ng pag-ibig, alam mo yun? Pero hindi pala. Hindi pala ganun.

“So, before, nagawa ko na siya, at hindi siya maganda. Kasi in the end, lalabas at lalabas ang totoo.

“Lahat ng pagmamanipula mo, for now, is OK lang. Mananalo ka. Pero sa dulo, hindi mo maitatago yung totoo.”

Binata pa raw noon si Aljur nang maranasan niyang maging manipulative in the name of love.

ALJUR EXPLAINS WHY HE'S CHOOSY WITH HIS PROJECTS

Na-link si Aljur kay Cindy Miranda na katambal niya sa pelikulang Nerisa, and eventually ay nagkamabutihan sila ni AJ Raval na co-star niya roon.

Continue reading below ↓

Natatakot ba siyang i-link din ng netizens sa katambal niya sa Manipula na si Ana Jalandoni?

“I understand, ‘no? Naiintindihan ko yun. And actually nga, somehow, gusto kong humingi ng tawad sa mga nakaka-partner ko,” lahad ni Aljur.

“Kasi, nali-link sila. Pero I understand the people, kasi talagang they’re just… talagang ano… nag-i-speculate, kasi talagang minahal nila kami, yung pamilya namin.

“And from my side, ang sasabihin ko lang, it’s just work. Anything that I do, alam nina Direk [Neal "Buboy" Tan] yun, alam ng mga tao sa paligid, na babasahin ko muna yung script.

“Totoo ‘to, hindi kasi ako basta-basta tumatanggap ng mga project. As long as it’s interesting, and I think na… ang importante kasi, na-excite ako. And yun, gagawin ko.

“And yun, Nerisa is a good story. Actually, nagulat nga ako nung napanood ko siya. Sabi ko, ‘Wow! Ito pala yung ginawa namin!’

“There’s a sexy part, pero ang story, ang ganda, e! Even this, itong Manipula, napakaganda ng pagkakasulat. Napakaganda!

Continue reading below ↓

“Tapos, nakita ko yung cast, ang ganda rin ng pagkaka-line up. Ang karakter ko. Kaya ko siya ginawa.”

Kasama rin sa cast ng Manipula sina Rosanna Roces, Alan Paule, Christian Vasquez, Marco Alcaraz, Mark Manicad, at Kiko Matos.

ALJUR'S NEW MOVIE MORE DARING IN EVERY WAY

Ang paglalarawan ni Aljur sa papel niya bilang agent sa pelikulang Manipula ay, “Hindi siya talaga totally malinis pero may mga ginagawa siyang buy-bust operation.

“May mga pagkakamali rin siya. Meron siyang nakabangga na hindi sang-ayon sa mga plano niya hanggang sa ipinapatay niya ito.

“Moving forward, I fell in love with Sam [Ana Jalandoni], and dun na umikot yung istorya.”

Mas mapangahas ba ang Manipula kumpara sa mga nakaraang pelikula niya pagdating sa paghuhubad?

“Oo! Sa daringness, sa istorya, mas daring ‘to. And also, sa sexiness, mas daring ‘to,” sambit ni Aljur.

Sabi ng hunk actor, pinag-usapan muna nila ni Ana ang maseselang eksena bago nila kinukunan.

Continue reading below ↓

“Nag-usap kami, hanggang saan? Paano mo matatakpan? Hanggang saan ang puwede? Saan puwedeng humawak? Hanggang dito… nilinaw ko sa kanya,” salaysay ni Aljur.

“Hindi puwedeng mawala yung respeto namin, pero hindi rin puwedeng mawala yung passion. Nasa mga workshop yun, e. May exercises yun.

“Sinabi ko sa kanya, before the scene, tinginan lang tayo sa mata.”

Na-enjoy ba niya ang pagsu-shooting, kung saan gumaganap siya ng karakter at “natatakasan” niya ang masalimuot na reality?

“Oo. Kasi, ganun siya kaganda, e. Yung karakter, saka yung story. Talagang naka-focus ako dito.

“And dapat nga, three days lang ako. Umabot pa ng four days, kaya sobrang saya,” saad ni Aljur.

ALJUR ON CURRENT STATUS WITH AJ

Ano na ang status nila ni AJ Raval?

“Kami ni AJ ngayon, yung mga pinagdadaanan namin sa mga nangyari ngayon… pero, we’re fighting, di ba?

“And we do our best, we learn from it. May natututunan kami sa mga nangyari—to prioritize yung mga dapat i-priority.

Continue reading below ↓

“And mag-focus sa mga mas importanteng bagay, but we’re still together,” pag-amin ni Aljur.

Ano ang pinag-usapan nila ni AJ sa mga pangyayari kung saan nadamay siya?

“Perhaps nasa proseso pa rin yung pag-uusap. So, it’s very personal sa amin for now.”

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on being manipulative in his past relationships: “Nagmanipula na ako sa pag-ibig… noon. So, before, nagawa ko na siya, at hindi siya maganda. Kasi in the end, lalabas at lalabas ang totoo." (Photo: Jerry Olea)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results