Brillante Mendoza reveals reason why he agreed to direct movies for major studio Viva Films

by Jerry Olea
Nov 8, 2021
brillante mendoza viva films
Brillante Mendoza on giving his actors creative freedom: "Ang mga actors kasi, I don’t see them as just plain actors who come on the set to perform, ‘no? Parang I make it a point na they are co-creators, ‘no? Ahh, kasi… artists din ang mga 'yan, e. Hindi lang sila basta umaarte, binibigyan ng linya. You make them co-creators of the film. Marami silang pwedeng i-contribute as actors."

Ratsada ang paggawa ni Direk Brillante Mendoza ng mga pelikula para sa Viva Films na iba-iba ang genre.

Mag-i-streaming na sa Disyembre 10 ang GL (girls’ love) movie niyang Palitan.

Sa istorya, ikakasal na sa probinsiya sina Marie (Jela Cuenca) at Al (Rash Flores). Umuwi ang kababata nilang si Jen (Cara Gonzales) upang maging bridesmaid. Kasama ni Jen ang boyfriend niyang si James (Luis Hontiveros).

Sa despedida de soltera, nanumbalik ang init ng pagmamahalan nina Jen at Marie sa isa’t isa.

palitan vivamax

Continue reading below ↓

Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Rash Flores, and Marco Novenario in Palitan

Nasa-post prod na ang BL (boys’ love) movie na Sisid.

Sa istorya, nagkagustuhan ang marine biologist na si Jason (Paolo Gumabao) at ang kinuha niyang assistant na si Dennis (Vince Rillon). Buntis ang girlfriend ni Dennis na si Tanya (Christine Bermas), samantalang nahihirapang magbuntis ang asawa ni Jason na si Abby (Kylie Verzosa).

vince rallon paolo gumabao sisid

Continue reading below ↓

Vince Rillon and Paolo Gumabao in Sisid

Syinusyuting naman ngayon ni Direk Brillante ang Bahay na Pula.

Sa istorya, bagong kasal sina Jane (Julia Barretto) at Raffy (Xian Lim). Umuwi sila sa Oriental Mindoro para ibenta ang ancestral house na namana ni Jane sa kanyang lola. Makikita ni Jane sa probinsiya ang dati niyang lover (Marco Gumabao).

DIREK BRILLANTE ON VIVA

Pahayag ni Direk Brillante via Zoom noong Oktubre 23, Biyernes, matagal na siyang kinukuha ng Viva.

“In fact, whenever I see Boss Vic [del Rosario] abroad, sa mga festival, sabi niya, ‘Kailan tayo gagawa?’ ganyan-ganyan,” lahad ng multi-awarded director.

“Sabi ko, ‘Malapit na, Boss, malapit na.’ And then, eto nga lately, ahhh… parang kinontak nila ako, ‘no? Sabi nila, ‘Direk, mag-pitch ka naman ng project sa amin!’

“So, sabi ko, kasi ganito-ganito. Basta, may mga internal agreement kami, like sabi ko, ‘Gusto ko pa rin, yung mga films ko, magkaroon ako ng Director’s Cut. Gusto ko, meron pa ring festival. Maipalabas din sila sa abroad, ganun.’

Continue reading below ↓

“Medyo mabilis yung proseso. It happened so fast. Saka ako, may mga pamahiin ako na parang… OK, I don’t want to make any big decision before the Ghost Month [August 8-September 6, 2021], ganyan-ganyan.

“So, nung nag-OK na kami, I developed the projects. I developed the stories. Syempre, andoon pa rin yung relevant issues…

“So, mabilis na-develop yung projects. Kasi, when I work with my writer, talagang hands on ako, nakatutok almost every day.

“Tapos, pag meron kaming hindi alam, research-research, research-research, ganun. At saka pag nabubuo yung script, hindi ko siya sinusulat nang buung-buo yung script.

“Ang sa akin lang, buo ang dramatic line. Basta solid ang dramatic line, makakagawa ako ng pelikula, kahit hindi talaga detailed script.

“Ang maganda dun, yung Viva talaga, nagtiwala sa akin. ‘Direk, mas expert ka diyan, alam mo yung ginagawa mo. So we don’t need to go through the process na ginagawa namin. Basta gawin mo yung proseso mo, and ang kailangan lang naman, yung end product, e,’ sabing ganun sa akin.

Continue reading below ↓

“Na-appreciate ko yun sa Viva. Kasi, parang kahit papaano, nirespeto rin nila yung proseso ko, at nagtiwala sila. Yun ang pinakaimportante.

“Kaya masaya ako sa Viva. Kasi, ang worry ko dati, kaya ayokong tumanggap ng mga mainstream, ayokong tumanggap sa mga major studio, e, ayoko kasing pinapakialaman.

“Dito, sabi nila, ‘Direk, hindi kami nanonood ng rushes. Direk, hindi kami nakikialam ng script. Bahala ka.’ ‘Ahh, talaga?!’ Ganun pala.

“So, pwede palang ganun? So, natuwa ako sa idea na ganun. Kasi, sa akin, ibigay mo lang sa akin yung creative freedom, I will give you more than what you expect, e.’

“Ganun lang naman ako. Yung ibigay mo kung ano yung tama para sa akin, ibabalik ko yun nang tenfold.”

BRILLANTE MOVIES ON NETFLIX?

Iyong Amo series ni Direk Brillante ay nag-streaming sa Netflix. If ever, ipapasok din kaya sa Netflix ang mga pelikula niya sa Viva?

“I don’t know. I think, ang gusto talaga ng Viva ay makabuo ng iba’t ibang klaseng content from different directors in the Philippines,” matamang tugon ni Direk Brillante.

Continue reading below ↓

“So, nung tinanong ko rin sila diyan, ‘Are you open…’ ‘Hindi, Direk, mas interesado kami dito sa amin kesa dun sa mag-provide kami sa Netflix.’

“Kasi, ang market talaga nila sa Vivamax ay mga Pilipino, ‘no? And considering ngayon na ang Vivamax na nag-start lang nung January ay naka-1M subscribers na, it means that they’re doing good.”

MOVIE WITH PIOLO PASCUAL

Kumusta na yung Bangsa movie niya with Piolo Pascual? Nakunan na ba yung natitirang two shooting days kaya sunud-sunod na ang paggawa niya para sa Viva

Natawa si Direk Brillante, “Ayun na nga, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi pa! Hindi pa. But hopefully, matapos namin this year, kasi, sobrang ano nun, e… sobrang tagal na, ‘no?

“Sana, sana, matapos siya this year.”

Marami pang ibang natapos na movies si Direk Brillante. Andiyan iyong comeback movie nina Coco Martin at Julia Montes na tentatively titled Red Earth (Pola).

Iyong GenSan Punch na nagwagi ng Kim Jiseok Award sa 26th Busan International Film Festival (Oktubre 6-16) ng South Korea, ipapalabas sa Disyembre sa HBO at HBO Go.

Continue reading below ↓

Ang Resbak nina Vince Rillon, Albie Casiño, at Khalil Ramos, kalahok sa 34th Tokyo International Film Festival (Oktubre 30-Nobyembre 8) sa Japan.

Bakit kamo hindi dumalo si Direk Brillante sa mga filmfest na ito, at sa halip ay itinuon ang panahon sa paggawa ng Viva movies? Ayaw kasi niyang masayang ang mga araw sa pagku-quarantine pag-uwi sa Pilipinas.

CREATIVE FREEDOM

Nakagawian ni Direk Brillante na bigyan ng creative freedom ang kanyang mga artista sa pagbuo ng kani-kanyang karakter.

Paliwanag ni Direk Brillante, “Ang mga actors kasi, I don’t see them as just plain actors who come on the set to perform, ‘no?

“Parang I make it a point na they are co-creators, ‘no? Ahh, kasi… artists din ang mga 'yan, e.

“Hindi lang sila basta umaarte, binibigyan ng linya. You make them co-creators of the film. Marami silang pwedeng i-contribute as actors.

“Kasi, mga tao 'yan, e. Thinking actors 'yan, e. Thinking artists, di ba? Hindi lang sila yung parang… ayoko kasi yung parang ano, e, kahit na noon pa, noong si Coco [Martin] pa.

Continue reading below ↓

“So, ganun ang training ko ever since. And I would like to share it also with other actors. Para hindi naman sila nagmumukhang props.

“Yung alam mo yun, darating sa set, ‘Etong gagawin mo, etong gagawin mo, etong gagawin mo.’ Tapos, gagawin lang nila. Para lang silang robot, ‘no?

“Dito, tinatanong ko. ‘Ano yung nararamdaman mo? Ano ang ganito? Kung ikaw ang ganito, ano ang gagawin mo? Ano ang sasabihin mo?’

“So, ibibigay ko ang situation. And I make it a point they’re well briefed about their characters. Para alam naman nila kung sino sila sa film.

“Para hindi rin sila nawawala sa mga linyang sinasabi nila. Hindi sila nawawala sa kuwento, alam nila ang kuwento, buung-buo ang karakter nila.

“Alam nila yung buhay nila sa karakter nila. Ano ang pamilya nila, ano ang background nila, ano ang educational attainment nila, ano ang religion nila.

“Ano ang buhay nila? Mayaman ba sila, mahirap ba sila? Kahit hindi iyan nakikita sa film, but as a character, they should know that. Because you can use that in your dialogue…

Continue reading below ↓

“Like, halimbawa si Kylie Verzosa, first time niyang magkaganito, and she liked it a lot because she felt very respected, ‘no?

“And parang na-validate din yung pagiging artista niya… and sa lahat, saka iyon din ang madalas ikuwento ni Coco sa ibang mga kasamahan niya na nakakatrabaho ko.

“Kaya nae-excite din sila. Who wouldn’t be, di ba? If you are an actor, and you will be made a co-creator of the film.

“Parang, di ba, you feel proud na parang… ‘Ang sarap naman, kasama pala ako dito, hindi lang ako artista. Artist pala ako!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Di ba? So, parang ganun. So, iyan, training ko iyan kina Coco, kina Vince ever since. Kaya si Vince, maliit pa 'yan, alam na niya yung ganyang klaseng istilo sa paggawa ng pelikula.

“Kaya very natural sila sa acting nila, sa performance nila.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brillante Mendoza on giving his actors creative freedom: "Ang mga actors kasi, I don’t see them as just plain actors who come on the set to perform, ‘no? Parang I make it a point na they are co-creators, ‘no? Ahh, kasi… artists din ang mga 'yan, e. Hindi lang sila basta umaarte, binibigyan ng linya. You make them co-creators of the film. Marami silang pwedeng i-contribute as actors."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results