Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Does Daniel Padilla believe Crazy Beautiful Love will surpass She's Dating the Gangster?

by Rose Garcia
Feb 23, 2015
Nakatakda nang maipalabas ang pelikula nina Daniel at Kathryn Bernardo, ang Crazy Beautiful You, na mapapanood simula February 25.
May sariling prediksiyon ba si Daniel sa kalalabasan ng pelikula?
“Dalawang araw na lang… pero, wala, wala akong prediction.
"Talagang very excited lang ako na mapanood ng mga tao ang ginawa namin.
"Kakaiba rin sa lahat ng ginawa namin.
“Excited din akong maipakita ang lahat ng lugar na pinag-shootingan namin."

Nag-shooting ang mga lead stars sa Capas, Tarlac kunsaan may Aeta community para sa romantic movie na ito.
"Basta, maganda yung movie. Napaka-simple, pero, puno ng puso,” ayon sa 19-year-old actor na bahagi ng Kathniel tandem.
Nakikita ba niyang posibleng mahigitan sa box-office ng Crazy Beautiful You ang mga nagawa na nila dating proyekto ni Kathryn?
“Lahat naman, noong ipapalabas ang She’s Dating the Gangster, excited din ako.
"Lahat naman ng palabas ko, excited ako.
"Siyempre, lahat naman kami, hindi lang artista, mga crew and staff, pinagpaguran namin yun, bakit hindi kami ma-e-excite.”
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results