Is there need for MTRCB to regulate online streaming platforms?

by Jerry Olea
5 days ago
mtrcb online streaming platforms

Ilang taon na ang usapin kung dapat bang i-regulate ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang online streaming contents, partikular ang Netflix.

Enero 20, 2017 in-appoint si Maria Rachel Arenas bilang chairman ng MTRCB, bilang kapalit ni Eugenio “Toto” Villareal.

Inurirat si Chair Rachel sa stand ng MTRCB sa Netflix nang magpa-presscon siya noong Pebrero 14, 2017. Naiulat iyon ng katotong Jojo Gabinete sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ani Chair Rachel, “Meron din mga napapanood ang mga tao online although legal naman iyon na binabayaran sa Netflix.

"But I didn't say, I want to regulate it. Ang sabi ko, they should do self-regulation or be more prudent in the shows or movies that are going out sa mga menu nila.

"Siyempre, nagkaroon ng reaksiyon yung mga tao, pati dun sa aking Facebook na, 'Don't dare touch my Netflix.'”

Inamin ni Chair Rachel na kailangan nang masimulan ang maaaring maging guidelines para sa online movies.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "But hindi ko rin ipagkakaila na marami nang bansa, yung mga counterpart namin, pinag-aaralan din iyan kasi siyempre kailangan din tayo sumabay, and because the advance in technology is so fast, it's hard to cyber police…

“I just want to clear that I said, 'Maybe they should self-regulate,' kasi hindi iyan nasa jurisdiction ng MTRCB.

"At kung gusto man din naman na sa amin iyan na jurisdiction, we have to amend the law.”

SENATOR GATCHALIAN on ONLINE STREAMING PLATFORMS

Naiulat din dito sa PEP.ph ang paghimok ni Senator Win Gatchalian sa MTRCB na i-regulate ang online streaming platforms — hindi lang Netflix, kundi pati Apple TV, at Amazon Prime.

Bunsod iyon ng MTRCB Budget 2020 hearing noong Setyembre 30, 2019, kung saan sinabi ni Chair Rachel na tahimik pa rin ang batas kung sakop ba ng MTRCB ang contents na ipinapalabas sa internet, kagaya ng streaming platforms at apps na nakabase sa abroad man o sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Batid ni Chair Rachel na ang Netflix at Amazon Prime ay rehistrado sa labas ng bansa, at sumusunod sa ibang batas.

Pahayag ni Chair Arenas, “The difference is, of course, their law is different from us. I think what I understand is they outsource the reviewers which we cannot do.

“So we told them during our meeting that they should adopt our rating system.

“If we amend the law, maybe we can have more reviewers and allow outsourcing or add to our board members so that we can review all these materials.”

Pinalutang ni Senador Win ang isyu ng classification rating dahil maaaring ma-access agad ng mga Pilipino ang mga palabas na labis ang karahasan, kabulgaran o kahalayan.

Pahayag ni Senador Win, “The MTRCB rates films and TV shows that come out in movie theaters and in television. But now, there are new technologies — Netflix, Apple TV — and I know for a fact that there are some apps that also show movies and other shows. So how do you keep up with technology in MTRCB?

Continue reading below ↓

"This becomes sort of like a loophole for our regulators to look at. I just want to bring that on the table so that the board can discuss how to transition in today's 21st century distribution channel…”

MANOLING MORATO ON SUGGESTIVE TITLES

Nang mag-umpisa ang lockdown sa NCR noong Marso 15, 2020 ay nagsara ang mga sinehan. Natigil din muna ang maraming TV program, na nag-replay ng mga palabas.

Enero 2021 nang lumarga ang Vivamax, at sa paglipas ng mga buwan ay kapansin-pansin ang pagpapalabas nito ng mga erotikong pelikula.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si dating MTRCB Chairman Manuel “Manoling” Morato (RIP) noong Hulyo 10, 2021, Sabado sa Marco Polo Hotel, Meralco Avenue, Pasig City.

Nanlumo ang dating MTRCB chairman sa paglaganap ng mapapangahas na palabas sa streaming platforms.

Aniya, “Totoo ka, I don’t like the thought. Even the titles should not be allowed, yung suggestive titles na against the law.

Continue reading below ↓

“Kapareha niyan, si Sharon Cuneta, may pelikula—Revirginized. That’s not allowed… It is the law, e — no suggestive titles.”

Hindi sakop ng MTRCB ang mga pelikula sa internet. Pelikula at telebisyon lang ang nasa ilalim ng kapangyarihan ng nasabing ahensya ng gobyerno.

“The state has the right pa rin to control it,” giit ni Morato.

“Because the internet, the television, and anything that goes through the air is a government… ahhm… ahhhm… siyempre, responsibility.

“Yeah, because you cannot say that you own the station, but then you are using a government space to beam all those shows out…

“Anything that you show publicly, has to be controlled by the MTRCB.”

May panawagan ba siya sa mga tagapelikula para maghinay-hinay, o mag-self-regulate?

“Well, I gave them chance to self-regulate, but they don’t. They’re not disciplined enough, during my time, ha? Nagpapalusot pa rin."

Pumanaw si Morato sa edad na 87 noong Hulyo 30 dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

MTRCB ON ONLINE STREAMING PLATFORMS

Nagbitaw si Rachel Arenas bilang MTRCB Chair dahil nag-file siya ng kandidatura noong Oktubre 1 sa Comelec office ng Dagupan City, Pangasinan.

Oktubre 22 in-appoint ng Malacañang si Atty. Jeremiah Jaro bilang bagong MTRCB Chair.

Nobyembre 5, Biyernes, naglabas ng official statement ang MTRCB sa kanilang Facebook page kaugnay sa napipintong reopening ng local cinemas. Pirmado iyon ng Executive Director II at Spokesperson ng MTRCB na si dating Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo.

Nobyembre 10, Miyerkules, kasabay ng reopening ng local cinemas ay nagpalabas ng memo si Atty. Jaro kung saan pinawalang-bisa ang extension ng MTRCB deputy cards.

Nobyembre 11, Huwebes ng gabi, naka-zoom si MTRCB Spokesperson Benjo ng members ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Isiniwalat ni Spokesperson Benjo na layunin ng bagong board ng MTRCB na maging malinaw kung sakop ba o hindi ng ahensya ang online streaming platforms na gaya ng Netflix at Vivamax.

Continue reading below ↓

DIPI ASKS FOR DIALOGUE WITH MTRCB

Nais ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) na makipag-dialogue sa MTRCB kaugnay sa usapin ng pagre-regulate sa online streaming platforms.

Narito ang official statement ng DGPI na inilabas nitong Nobyembre 20, Sabado ng hapon:

“In a PEP.ph article dated November 17, 2021, Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Executive Director and Spokesperson Benjamin Benaldo announced that the MTRCB is set to determine its role regarding online content.

“As quoted in the article, Mr. Benaldo said the intent of the MTRCB law includes ‘a little of censorship.’ He opined that with the legal principle of parens patriae, the government is empowered to act as parents of the country: ‘So, as a parent, we would like to have some sense of regulation in terms of what our children most especially would see.’

“The Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) reiterates its disagreement over the expansion of MTRCB’s censorship efforts and additional areas of jurisdiction, such as incursion into online streaming sites—platforms that already carry classification guides, content warnings, and parental controls. We believe that adults have the right and capacity to choose viewing materials for themselves and their children.

Continue reading below ↓

“Presidential Decree No. 1986 envisions the MTRCB as a partner of the film and TV industries toward realizing their authentic self-regulation, and encouraging the growth of both industries and the viewing public in an atmosphere of free expression—all the more necessary at this time when Congress has reached out to the film industry to facilitate and further develop its contributions to the creative economy.

“In this spirit, industry stakeholders welcome a serious dialogue with the MTRCB on issues that limit freedom of expression. This freedom, whose inclusion in the 1987 Constitution our National Artist Lino Brocka fought for, is crucial for the arts and media to truly mirror social realities.

“Let us not fear our own reflections.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results