Toni Gonzaga will have Coco Martin as her personal assistant in upcoming movie

Toni Gonzaga is doing her last romantic comedy movie before she becomes Mrs. Paul Soriano. She is paired with Coco Martin (in photo) in this upcoming Star Cinema film.



Sa gitna ng pagiging busy ni Toni Gonzaga in preparing for her wedding to Paul Soriano, may movie na ginagawa ang aktres with Coco Martin.

“Yes, nagmo-movie na kami ngayon. Nagsu-shooting na kami. Showing nito first quarter. Kung hindi March, April. Kundi April, sa May.

“Cute! Cute yung story.

“First time kong makita si Coco na maging ganoon.

"Personal runner ko siya ang role niya sa movie namin. Personal assistant ko siya.”


Samantala, nominated si Toni as Best Actress para sa blockbuster romantic movie na Starting Over Again kunsaan nakapareha niya for the first time si Piolo Pascual.

Si Toni ang isa sa seven actresses na nominated sa awards night na gaganapin sa Solaire Hotel & Casino on March 8.

(View list here: Star Awards for Movies 2015 nominees)



“Masayang-masaya ako, grabe! Ngayon nga lang ako naligaw sa category ng Best Actress! Nakalaloka!

“Siyempre naman masaya ako. Mahanay ka lang sa mga pangalan ng katulad ni Nora Aunor ay talaga namang...yun lang malaking karangalan na yun sa akin na parang kahit papano, e, mahanay ang pangalan ka sa tabi niya...

“First time ko ma-nominate as Best Actress! Ngayon lang napansin ng konti.

"E, kung mapalad na manalo, napakalaking blessing na. Pero wala naming expectation.

“Sana manalo, magandang gift bago ako ikasal,” ngiti ni Toni.



Toni Gonzaga and Coco Martin



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN