Mayor Isko Moreno optimistic about Yorme movie clashing against Eternals at the box office

by Jerry Olea
Nov 27, 2021
isko moreno yorme movie
Mayor Isko Moreno (left) on what the youth will learn from his biopic Yorme: The Isko Domagoso Story: "With this movie, maiisip nila, masuwerte pa pala sila sa magulang. Kahit sila ay mahirap, hindi pa sila umabot na kumain ng tira ng tao. Hindi pa sila naging basurero." Yorme stars McCoy de Leon (center) as the teen Isko and Xian Lim (right) as the politician Isko.
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films

Ang musical na Yorme: The Isko Domagoso Story ang unang Pinoy movie na ipalalabas matapos mag-reopen ang local cinemas noong Nobyembre 10.

Makikipagsalpukan ito sa marvelous film na Eternals sa Disyembre 1, Miyerkules.

“Ako, optimistic kasi ako, e. Actually, malaking challenge,” sambit ni Yorme Isko sa mediacon nitong Nobyembre 26, Biyernes ng hapon, sa Max’s Roces Av., Quezon City.

“Dahil lalabas yung mga Marvel, yung foreign films… hindi ko tatalunin yun.

“E, ako naman, alam ko kung saan ang kahinaan ko, o kung saan naman ako pwede na mag-excel.

“Malakas yun, yung mga pelikulang yun, yung mga Marvel. Pero more than… whether it’s going to be number 1 or it’s going to be number 2, who’s going to be watched, ‘no?

“It is the industry that I’m after. Na yung industriya ng showbiz, makakapag-produce na muli ng pelikula, makapag-generate ng negosyo, makapag-generate ng trabaho.

“Unti-unti na ring bubuka yung movie industry greatly hurt by the pandemic.

Continue reading below ↓

“So, if this will be the first, I’m honored to open the opportunity for local producers to take the risk, and venture into it again.

“And that will generate jobs and opportunity to my fellow showbiz… alam naman natin, maraming nawalan ng trabaho sa showbiz, yung mga artista.

“E, yung sa likod ng kamera, mas malaki yun. Mas marami yun.

"So, while it’s true na malakas yung mga Marvel, pero I think, it’s high time, sa ating mga kababayan na suportahan natin yung atin, ‘no?

“Hindi dahil yung Yorme, kundi dahil yung industriya itself, the Philippine movie industry. Yun yung susuportahan natin.

“Parang sa amin, sa Maynila, kung makikita ninyo, katulad ngayon sa Mehan Garden. Yung tinatawag namin, it’s been three years now, ‘no? Buy local, eat local.

“Yung mga ganun. Ini-encourage namin yung mga utaw na suportahan yung mga negosyante doon sa kanilang mga tinda-tindahan. May hanapbuhay.

“Eto, magandang bukana. Kasi, ngayon lang uli bubuksan ang sine. A year and nine months, if I’m not mistaken.

Continue reading below ↓

“So, this would be a signal to the investors for the Philippine movie industry to bankroll again our assets, our actors, actresses, talents.

“Na to be competitive. The next challenge is how our Philippine movie industry be more competitive in terms of craftmanship in producing a content.

“Because with regard to talents, no question. Filipino actors and actresses, or Filipino talents for that matter, are very competitive in the world.

“Recently, o, di ba, may nanalo na namang Pilipino? Si John Arcilla, sa world stage.

“Again, this will be a signal, whether it will fail or it will succeed, it doesn’t matter to me.

“What matters most to me is that a signal for showbiz, Philippine movie industry, to open up again, to invest again to our talents in the country and to produce a very good content, and opportunity is now open.”

Ang tinutukoy ni Mayor Isko ay ang pagkapanalo ni John ng Volpi Cup sa Venice International Film Festival.

Continue reading below ↓

isko moreno joven tan

Mayor Isko Moreno with Yorme director Joven Tan

INSPIRATION FROM YORME MOVIE

Iba na ang kabataang Pinoy sa pamamayagpagpag ng social media, at paglaganap ng pandemya. Anong inpirasyon ang ihahatid ng Yorme: The Isko Domagoso Story sa kabataan?

Matamang lahad ng 47-anyos na si Yorme, “Ito ang tunay na buhay. Hindi lang buhay ni Isko. Ito ang buhay natin, ng nakararami sa atin.

Continue reading below ↓

“This is the reality. Yes, while it is true that we enjoy doing TikTok, doing YouTube, doing Facebook, OK yan. OK lang 'yan.

“At least, kahit papaano, may outlet tayo. Pero ito yung… let’s rethink. Saan ako dadalhin ng kinabukasan ko? Ano ang naghihintay sa kinabukasan?

“Kasi, pag napanood nila… mare-realize nila, ‘Ay! Salamat sa nanay ko, salamat sa tatay ko, hindi ko inabot yung kalagayan ni Isko nung araw.’

“So, with this picture, with this movie, maiisip nila, masuwerte pa pala sila sa magulang. Kahit sila ay mahirap, hindi pa sila umabot na kumain ng tira ng tao. Hindi pa sila naging basurero.

"So, kids seeing this, pag napanood ito ng mga bata, hopefully ma-realize nila how they should be grateful to their parents, how they should be grateful of what they have.

“Kung ano man ang meron tayo ngayon, na pwede pa rin nating ipagpasalamat sa Diyos, ipagpasalamat sa mga magulang natin.

Continue reading below ↓

“Dahil ang buhay ko na ito, if I my borrow that word, the title of that movie — Mission: Impossible. Near to impossible.

“But it did happen. And now, can you imagine… basurero, naging meyor ng Maynila. Basurero, posible na maging Presidente rin ng bansa.

“So, that kind of opportunity sa mga bata ngayon, while they enjoy social media, they enjoy creating contents para makilala sila, ma-exercise nila yung talent nila, yung skills nila… there is real world around us.

“And I hope it can make a dent sa buhay nila pag napanood nila yung movie.”

Si Yorme Isko ang narrator sa Yorme: The Isko Domagoso Story, na idinirek ni Joven Tan.

Ang gumanap sa kanyang katauhan sa pelikula ay sina Raikko Mateo (paslit sa Tondo), McCoy de Leon (artista sa That’s Entertainment), at Xian Lim (pulitiko).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Isko Moreno (left) on what the youth will learn from his biopic Yorme: The Isko Domagoso Story: "With this movie, maiisip nila, masuwerte pa pala sila sa magulang. Kahit sila ay mahirap, hindi pa sila umabot na kumain ng tira ng tao. Hindi pa sila naging basurero." Yorme stars McCoy de Leon (center) as the teen Isko and Xian Lim (right) as the politician Isko.
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results