Veteran actress Dexter Doria willing to testify what really happened during martial law

by Jerry Olea
Nov 28, 2021
dexter doria katips
Veteran actress Dexter Doria plays an activist nun in the musical film Katips. "Nationalistic ako, e. I’d like to believe that I’m patriotic. And tuwang-tuwa po ako na makasali sa isang pelikulang ganito. Na sa tingin ko’y mabibigyan ng liwanag ang kaisipan ng mga utaw na boboto ngayong Mayo," says Dexter about the film.
PHOTO/S: Gorgy Rula / File

Agaw-eksena si Dexter Doria bilang madreng “tibak” (aktibista) sa musical film na Katips.

Ang “Katips” ay tumutukoy sa mga bagong Katipunero noong 1970s na kasagsagan ng martial law sa rehimeng Marcos.

Adhikain ng direktor ng pelikulang Katips na si Vince Tañada na ipakita sa millennials at GenZ ang mga kaganapan noong umiiral ang batas militar sa bansa.

“Millennial din po ako! Ha! Ha! Ha!” pasakalye ng sexagenarian actress sa mediacon matapos ang press preview ng pelikula noong Nobyembre 27, Sabado ng gabi, sa Gateway Cinema 1, Cubao, Quezon City.

“Noong panahong nangyari ito, millennial ako. Sa palagay ko, sa buong grupong ito, andami… ako lang ang may karapatan na magbigay ng opinyon na tunay dahil ako ang nabuhay at adult na ako noong panahong iyon.”

Maliban kina Dexter at Direk Vince, nasa Q&A ang iba pang artista ng Katips na sina Mon Confiado, Johnrey Rivas, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarrientos, Joshua Bulot, Vean Olmedo, JP Lopez, Carla Lim, at Afi Africa, maging ang musical director na si Pipo Cifra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Dexter, “At ang masasabi ko, totoo lahat ng napanood niyo dito. At handa akong pumunta sa kahit anong lugar sa buong Pilipinas, o sa buong mundo, at patotohanan ko because I was there.

“At hindi ako isang luka-lukang babae na bobo, na tanga. I was there and I was a witness to what happened during martial law.

“Wala akong kamag-anak na tinortyur. Wala akong kamag-anak na pinatay, o kaibigan.

“But I was part of the First Quarter Storm. I was a student of UP. And andun kami, ‘Makibaka! Huwag matakot!’ — itong mga edad na ‘to.

“I was there and I saw everything. And when the Apo declared martial law, up to 1986, I WAS KINDA ALIVE!

“I was kinda there. I was kinda victim of all these curfews, and there was no… kayo, mga writers kayo, noon wala kayo! You cannot write anything!

“No, you cannot! They controlled the press, so nobody knew what was happening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Imagine a world where there was no information. Imagine a world where there was no election.

“Imagine a world where we just had to follow, follow, follow everything they said while they were pillaging the economy.

“And they were… ahh, they were borrowing from… from… from abroad, which we are paying for right now."

Ang "Apo" na tinutukoy ni Dexter ay ang yumao at dating diktador na si Ferdinand Marcos, na naupo sa puwesto sa loob ng 20 taon. Siya ang ama ni Ferdinand Marcos Jr., na tumatakbong Pangulo sa 2022 elections.

Patuloy ni Dexter, “Kaya kami, nung nagkaroon na ng EDSA Revolution, everybody was with us. Hindi pinilit yung mga taong yun.

“At kahit patayin kami ng mga tangke, nandun kami. Why? Because we knew it was not right. Alam namin.

“At ngayon, dahil sa reconciliation ni Cory [Aquino], which was also wrong. Sabi nga ni Lino Brocka, ‘Mali, e! Dapat pinatay yung mga yun, e!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, I don’t believe in that naman. Pero sinabi nga iyon ni Lino Brocka. Si Cory, na pagkabait-bait… ‘Reconciliation.’

“Pero ang nangyari, because of reconciliation, ‘Kalimutan na natin yun.’ So, nabaon.

“So, ngayon, itong mga cronies na mga waiting in the sidelights, sila siguro ang may-ari ng mga textbook companies. Binago na nila.

“And nobody was there to say, ‘Huy! Iba 'yan, e!’ Kasi, reconciliation nga, e."

Sa pamamagitan ng mapayapang EDSA Rovolution noong February 1986, napatalsik sa puwesto si Marcos at itinalaga bilang bagong Pangulo si Corazon "Cory" Aquino, ang biyuda ng pinaslang na si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Pagpapatuloy ng veteran actress, “So, ang nangyari, after 35 years, matagal-tagal na panahon… iba na ang pinaniniwalaan. Kasi, naging magulo rin naman ang mga naging resulta.

“So now, we are here, we have this beautiful movie, I have to admit. ‘Wag na nating isiping, ‘Martial law ba 'yan?’ ‘Galit ba 'yan kay BBM?’ ‘Pro-Cory ba yan? Pro-Ninoy?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maganda yung pelikula, e. This is how a musical should be made.”

MUSICAL FILM

Pinasalamatan ni Dexter ang musical director na si Pipo Cifra dahil pang-international daw ang musikang inilapat nito.

Pinuri rin ni Dexter ang direktor na si Vince Tañada. Dahil sa entablado sanay magdirek si Vince, akala raw ni Dexter ay mangangamote ito sa pagdidirek ng pelikula. Minani lang daw ng henyong si Direk Vince ang pagdidirek ng pelikula.

“Believe me. Ako naman ay may credibility as a veteran actress,” sambit ni Dexter, na nagwagi kamakailan bilang best supporting actress sa Gawad Urian, katabla si Hazel Orencia.

“Hindi naman ako nanloloko.”

Dahil musical ang Katips, kumanta rito si Dexter.

Aniya, “Actually, nagulat sila. Kasi, Take 1 ako. I don’t know how I did it pero I did it.

"Tinuruan ako ni Johnrey, tapos nagulat sina Direk Pipo kung bakit ko nagawa.

“Kasi, konting personal background… nagkaroon po ako ng boyfriend, musical director, si Willie Yusi!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, siyempre, close proximity… parang natuto ako sa kanya. So, naibahagi ko yun sa pelikula.

“First time ko itong ginawa, na nag-awit-awit ever. And I enjoyed. Sana, e, maulit muli!”

SECOND PROJECT WITH DIREK VINCE

Dabarkads ni Dexter si Direk Vince. Ever since daw ay tagahanga siya nito.

“Magaling siya. At saka magandang makisama. Second project na namin ito,” kuwento ng beteranang aktres.

“At noong malaman ko kung tungkol sa ano nga itong Katips, tuwang-tuwa ako. Kasi talagang I’ve been itching to do something like this.

“Kasi, hindi naman siguro lingid sa inyo na medyo 40 years old na ako. So, gusto ko namang gumawa ng something na makabuluhan!

“Maybe kahit sabihin natin na political, pero sa mga kaedad ko, mahalaga yun, e!

“Na meron akong maibahagi para sa henerasyon ngayon at sa mga past generations, na isang bagay na talagang kailangan, e.

“Kailangan ito ngayon, e, itong Katips. Itong eleksyon na ito, kailangan talaga itong Katips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kung sa paraang ito ako makakatulong, why not? Why not? I do this for this country kahit hindi ako bayaran ni Vince.

“Hindi rin naman, OK din naman yung bayad!”

Nagbibiru-biro si Dexter, at sa BTS (behind-the-scenes) video ay nagpakilala siya bilang Ellen Adarna, pero agad din niyang binawi iyon.

Pagdidiin ni Dexter, “Nationalistic ako, e. I’d like to believe that I’m patriotic. And tuwang-tuwa po ako na makasali sa isang pelikulang ganito.

“Na sa tingin ko’y mabibigyan ng liwanag ang kaisipan ng mga utaw na boboto ngayong Mayo.

“Kasi, hindi lang naman dahil yung tatay, ginawa ito, e. It’s because… yung taong tatakbo, wala talagang kaalam-alam.

“He is not equipped!” sabi pa ni Dexter, na umaming ang iboboto niya sa 2022 elections ay si Leni Robredo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Dexter Doria plays an activist nun in the musical film Katips. "Nationalistic ako, e. I’d like to believe that I’m patriotic. And tuwang-tuwa po ako na makasali sa isang pelikulang ganito. Na sa tingin ko’y mabibigyan ng liwanag ang kaisipan ng mga utaw na boboto ngayong Mayo," says Dexter about the film.
PHOTO/S: Gorgy Rula / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results