Johnrey Rivas, Joshua Bulot give details about torture scene in martial-law musical movie Katips

by Jerry Olea
Dec 1, 2021
johnrey rivas joshua bulot katips
Johnrey Rivas (left) and Joshua Bulot (right) play activists who underwent torture in the musical film Katips, which tackles the atrocities during martial law in the '70s.

Makadurog-puso ang torture scene nina Johnrey Rivas at Joshua Bulot sa musical film na Katips, na isinulat at idinirek ni Vince Tañada.

Gumanap sila sa pelikula bilang mga tibak (aktibista) o katips (mga makabagong katipunero) sa kasagsagan ng martial law noong 1970s.

Kuwento ni Direk Vince sa mediacon matapos ang press preview noong Nobyembre 27, Sabado ng gabi, sa Gateway Cinema, Cubao, Quezon City, si Joshua dapat ang maghuhubo’t hubad sa torture scene.

Nang kukunan na ang eksena, nag-backout si Joshua dahil daw may mga bakla sa set.

“Sabi ni Johnrey, ‘Direk, ako na lang!’ So, nagkapalit sina Joshua at Johnrey. Napunta kay Johnrey yung eksenang nakahiga sa yelo nang hubo’t hubad,” sambit ni Direk Vince.

WHY JOSHUA BACKED OUT FROM THE SCENE

Si Joshua Bulot ay naging contestant sa The X-Factor UK 2017. Nakasama niya sina Kim Lawrenz Ordonio at Bryan Doronila del Rosario sa JBK Band.

Si Johnrey Rivas ay premyadong theater actor. Nagtambal sila ni Carl Adaron sa Pinoy BL series na Why Love Why (2 seasons), na si Vince Tañada rin ang nagsulat at nagdirek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa torture scene ng Katips ay nag-frontal si Johnrey, samantalang naka-white brief si Joshua.

Sakaling wala yung mga bakla sa set, hanggang saan ang pagtatalop ni Joshua? Magpo-frontal ba siya?

Napakunot-noo si Joshua at ang sabi, “Nanloloko lang ‘to!” — patungkol sa katabi na si Direk Vince.

Sambot ni Direk Vince, “Noong una, sabi ni Joshua, magtatanggal siya ng brief.

“Sabi ko, ‘Magtanggal ka ng brief, kasi noong araw, hindi naman… Unang-una, yung brief… yung brief niya kasi, lawlaw!

“Sabi ko, ‘Tanggalin na lang 'yan tapos gumanyan ka!” pagmumuwestra ni Direk na itinatakip ang nakakuyom na mga kamao sa harapan.

“E, yung continuity ko, andun, o… yung pula yung buhok, nakahanda yung cell phone. Gumaganun-ganun ‘to.

“Sabi ko, ‘Ay, ayan, kasi nandiyan ka!’ E, hindi ko naman pwedeng paalisin yung continuity, kasi baka… yun.”

Natatawang sabi ni Joshua, “Ano nga po ulit yung tanong?”

Kung wala yung bading na in charge sa continuity, magpo-frontal ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natigilan muna si Joshua bago halos pabulong na sinabi, “Willing… bumulong sa akin, willing daw.”

Pagdidiin ni Direk Vince, “Willing siya! Nag-usap kami. Willing talaga siya.”

Susog ni Joshua, “Ahh, depende po sa material. At sIyempre, dito po talaga… kasi, nagulat din po ako. First day ko po kasi yun.

“E, yun lang po, na-culture shock lang po. Pero na-orient na rin po ako ni Direk. Ready naman po in the future.”

joshua bulot katips

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joshua Bulot in Katips

FIRST TIME TO DO FRONTAL NUDITY

First time ever mag-frontal ni Johnrey dito sa Katips.

Pagngiti niya, “I’m very proud of that… junior.”

At nag-volunteer pa siyang makipagpalit kay Joshua sa lubos na hubaran.

“Yes! Sabi ko naman kay Direk, basta kung kailangan talaga, at kailangan na kailangan.

“Sabi ko nga, ‘Direk, paano kaya natin masu-surpass ang ibang mga martial law films?’ Sabi niya, ‘Alam mo, nagawa na 'yan ni ganito, ni ganito…’”

Singit ni Direk Vince, “Sabi niya kasi, kailangan daw maging matapang siya, yun ang role niya. Sabi ko, ‘E, di, maghubo’t hubad ka.’”

Pag-ayon ni Johnrey, “Right away! Sabi ko, ‘Direk, I’m ready!’”

Pinalakpakan sa press preview ang torture scene ni Johnrey, lalo pa’t maigting ang awit-taghoy niya, “Kinuryente ang bayag ko…”

Ano ang naramdaman niya nang palakpakan siya ng mga manonood?

“Grabe. Kinikilabutan po ako,” saad ni Johnrey, “kasi, sobrang… sabi ko, at least, na-appreciate po. Ganun naman po kaming mga artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag na-appreciate yung gawa namin, yun po, paid off na po sa amin.”

johnrey rivas katips

Johnrey Rivas in Katips

MARTIAL LAW

Hindi naabutan nina Johnrey at Joshua, maging ng ibang young actors ng Katips, ang kasagsagan ng batas militar sa bansa noong 1970s.

Kaisa ba sila ni Direk Vince sa adhikain nitong ipakita sa mga manonood na talagang nangyari ang martial law?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Considering na si Bongbong Marcos, anak ng diktador at pangulo noong panahon ng martial law na si Ferdinand Marcos, ang nangunguna sa mga survey kung sino ang ibobotong presidente sa 2022 elections...

Tugon ni Johnrey, “Kami naman po, we, as artists… talagang, kung ano po… siyempre, yung iba sa amin, iba yung political stand.

“Maybe, some of us, iba rin po ang pinaniniwalaan… Ang maganda, yung being an artist, kung ano… yung masabi ang katotohanan.

“And upon reading the script, lahat naman po ng actors, nung nabasa namin talaga, pare-parehas po kami ng pinaniniwalaan at ipinaglalaban. So, I guess yun lang po.

“Hindi naman po kami anti dun sa tao. Anti po kami dun sa era. Anti po kami dun sa nangyari na kailangan lang maging aware yung kabataan.

“Kasi, nalalason na po talaga nowadays yung utak nila.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnrey Rivas (left) and Joshua Bulot (right) play activists who underwent torture in the musical film Katips, which tackles the atrocities during martial law in the '70s.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results