Rita Daniela recalls the "magic" that happened between her and Ken Chan at Pagsanjan Falls

by Jerry Olea
Dec 4, 2021
Rita Daniela, Ken Chan, Jak Roberto, Albie Casino
Left photo: Rita Daniela with love team partner Ken Chan for the movie Huling Ulan sa Tag-araw. Right photo: Rita flanked by Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa leading men Jak Roberto (left) and Albie Casino (right).

Malakas ang dating ni Rita Daniela sa trailer ng Metro Manila Film Festival 2021 official entry na Huling Ulan sa Tag-araw, kung saan magkatambal sila ni Ken Chan.

Harut-harutan noong una ang karakter niyang si Luisa, pagkatapos ay payanig ang drama.

“Masaya siya, kasi, ang ganda ng formula nung film, yung ginawa ni Direk Louie [Ignacio],” sambit ni Rita sa storycon ng pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa nitong Disyembre 3, Biyernes ng hapon sa Sikat Studio, Morato Ext., Quezon City.

“As in talagang patatawanin ka nang bonggang-bongga. 'Tapos, biglang magugulat ka na lang… 'Ay!' Maiiyak ka pala. Parang ganun.”

Napakaromantiko at matulain ng Pagsanjan River & Falls sa Laguna kung saan nag-shooting sila ni Ken.

Napangiti si Rita, “Memorable sa akin yung dialogue ni Luisa na isinama sa trailer, na sinabi niya, ‘Gusto kong maniwala na puwede tayo, pero ang alam ko naman talaga, hindi naman talaga puwede.’

“Yun! Maganda yung line.”

Continue reading below ↓

Naka-relate siya sa hugot line na iyon?

Napakunot-noo si Rita, “Doon sa movie namin ni Ken… naku! Naku! Naku! Naku! Basta, mapapanood nyo na parang kakaiba kami ni Ken dun sa movie na yun.

“Siguro, dahil tatlong taon na kami together. May magic yung Pagsanjan sa aming dalawa.

“Mayroong… ahh?! Mayroong nabuo… ahhh!!! Sabiiii!!! May nabuo na hindi namin inakala ni Ken Chan. Bilang magkaibigan.

“May magic yung Pagsanjan talaga. So, super-excited na… lumabas siya, e! Lumabas siya dun sa film. Nagulat kami, e. Ahhh! Taraaay! Lumabas!”

Iba talaga pag pelikula kesa sa TV series?

“Iba po,” mabilis na pag-ayon ni Rita. “Iba. Oo, iba. At saka nakatulong din kasi na si Direk Louie ang naging direktor namin dun.

“Napakagaan din kasi ni Direk Louie, and yun din ang isa pa, and I’m very proud at lagi ko pong sinasabi, na I’m a Joel Lamangan baby, at isa rin akong Louie Ignacio baby.

Continue reading below ↓

“Kaya parang nakatulong din na sobrang kumportable din ako, ganyan. 'Tapos, si Ken pa ang katrabaho ko that time. Masaya siya, oo, ayun.”

RITA AND KEN THREE YEARS TOGETHER

Puwede bang maging sila ni Ken sa totoong buhay? O hindi talaga puwede at hanggang magkaibigan lang sila?

“Siyempre, lagi pong itinatanong yan, di ba? Bakit ano, three years na, parehas naman kaming single ni Ken,” mabining lahad ni Rita.

“Bakit walang nangyayari? Ahhmm… puwede talaga kami kung gugustuhin namin.

“Pero hindi siya puwede, kasi, it’s really the priorities right now, lalo na si Ken Chan, ang love life niya ngayon ay pera.

“Ang love life niya ngayon ay business. Andun ang passion niya right now, e. Gusto niyang palaguin nang palaguin yung business niya, which is totally fine, di ba?

“Kasi, yun yung gusto niya ngayon. Yun yung career na gusto niyang puntahan, other than siyempre sa showbiz.”

Si Rita naman, naka-focus sa kanyang pamilya at sa planong pagbabalik sa music scene.

Continue reading below ↓

“Ako naman, hopefully talaga, makabalik na ako sa music scene,” pagmamatwid ni Rita.

“Nagre-ready na ako, pero next year, magre-release ako ng EP [Extended Play] ko. And lahat, compositions ko.

“Excited ako dito dahil finally, eto na yung mase-share ko yung music ko talaga. Kung paano ako.

“Kasi siyempre, yung iba, sinasabi nila, puwede akong diva. Yung iba naman, parang… pop. Siyempre, iba-iba yung ano ng tao.

“Pero this time, next year talaga, I’m proud and really excited to share my music na talaga.”

Siyempre, may kantang ginawa si Rita para kay Ken. Naiparinig na niya yung kanta kay Ken about two years ago.

“Pero hindi niya alam actually na kasama yung song na ‘to sa album. Surprise na lang siguro pag nakita niya ‘to,” pakli ni Rita.

Wala pa raw title ang nasabing kanta.

“Naiparinig ko na sa kanya yung first verse saka chorus. 'Tapos, ang mukha ng Ken Chan… nag-blush?! Kinilig!” bulalas pa ni Rita.

Continue reading below ↓

RITA AS ARA IN MADAWAG...

Excited din siyempre si Rita sa pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa, sa direksyon ni Joel Lamangan.

“Sa totoo lang, hindi ako masyadong naka-prepare for this project,” pag-amin ni Rita, na gaganap bilang guro.

“Kasi, nung ginagawa ko yung The Clash… pagitan siya, e. Parang siguro… may five days ahead lang siya nung sinend ang script.

“'Tapos, ang sabi, ‘Ay! Kailangan na siyang kunan agad.’ Sabi ko, ‘Sige po, kailan po ba?’ ‘December 5 to 11.’

“Sabi ko, ‘Ambilis!’ Actually, ngayon ko rin lang natanggap yung hard copy ng script.

“Nagpadala sila online, pero hindi ko binasa. Kasi, feeling ko, may mga revision pa sila. And then, ito na yung ipinadala nila.

“So yun, kanina, nakausap ko si Direk Joel. Ano yung mga kailangan? Saka pa lang ako makakapag-prepare.

“Pero so far naman po, kaya ko siya, and nae-excite ako. Nae-excite ako sa karakter ni Ara. Araceli, Ara for short. So, kakaiba.

Continue reading below ↓

“Iba siya, kasi, hindi siya yung… di po ba kasi, ang laging ginagawa ko, medyo laging aggressive. Pero ito, kakaiba siya.

“Pero may something pa rin sa kanya. Mas mabait siya, iba po, kaya nakakatuwa.”

Leading men ni Rita dito sina Albie Casiño at Jak Roberto. Handa siyang ibigay kung ano man ang hilingin sa kanya ni Direk Joel.

Nagpauna na si Direk Joel na walang skin exposure sa pelikulang ito.

THE MAGIC OF PAGSANJAN FALLS ON RITA AND KEN

Pero sa movie nila ni Ken, may “ibinigay” sila para sa mga manonood.

Hanggang saan?

Napatili si Rita, “Ay! Iba yun, kaya nga may magic ang Pagsanjan. Naku, tanungin nyo na lang si Ken Chan.

“Marami siyang nakita. Chareeengggg!!! Ha-ha-ha-ha-ha-ha!

“Nangyari kasi siya… Diyos kooooo!!!!! Nakakaloka talaga! Hindi! Kasi, nangyari siya nung syinut namin yung music video for the theme song.

“Wala naman talaga yun pero dahil baliw din kaming dalawa ni Direk Louie... E, may free day kami, sabi niya, ‘Ta, ano? OK ka ba, game ka ba? Shoot natin yung ano, yung music video.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Sige, game! Saan, Direk?’ ‘Pagsanjan.’ Ang ganda, andun na kami, e.

“So, ang peg ni Direk Louie, ano… parang… clean lang, skin. 'Tapos, make-up, ganyan. ‘Tara, Direk.’ Pak!

“'Tapos, nagkakaproblema kami sa… siyempre, umaalon, ganyan. Paulit-ulit kami. E, may suot ako, siyempre… nakikita, paulit-ulit.

“Sabi ko, ‘Naku, Direk! Tigilan na natin ‘to! Wala naman akong arte saka ikaw naman yan!’ So, yun na iyon!!!"

Ay! Andun si Ken?!

“Nakaganyan lang siya,” pag-e-emote ni Rita na kunwari’y tulala.

“Siguro, mga ano yun, 30 minutes, o 40 minutes.”

Base sa kuwento ni Rita, may nakita si Ken sa shoot nina Direk Louie at Rita na ikinatulala ng Kapuso actor nang 30 o 40 minutes.

Baka naman in character lang si Ken nang mga mahiwagang sandaling iyon?

“Hindi ko na rin alam, e! Ayoko na ring pansinin yung reaksyon niya. Kasi, para matapos na kami,” natatawang salaysay ni Rita.

“Pagkatapos, saka ko siya… ‘So, how was Pagsanjan for you?’

Continue reading below ↓

"Sabi niya, ‘Very memorable. Parang yun ata ang pinakamatagal na tumitig ako sa isang bagay.’

“Pero tanungin nyo na lang din siya! Kasi, baka mamaya, mare-recall niya, iba naman ang sagot niya.

“Isa yun sa mga masayang memorya na kaya kong i-share talaga na nangyari sa Pagsanjan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo: Rita Daniela with love team partner Ken Chan for the movie Huling Ulan sa Tag-araw. Right photo: Rita flanked by Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa leading men Jak Roberto (left) and Albie Casino (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results