Alessandra de Rossi, Allen Dizon win top acting honors in 69th FAMAS Awards

by Jerry Olea
Dec 13, 2021
alessandra allen famas
Alessandra de Rossi (left) was named Best Actress in the 69th FAMAS Awards for her performance in Watch List; Allen Dizon (right) picked up his fifth FAMAS trophy for Best Actor, this time for his performance in Latay.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nakalagay sa Facebook page ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) na 7:00 p.m. nitong Disyembre 12, Linggo, ia-announce ang winners ng 69th FAMAS Awards.

Kaso, 11:33 p.m. na nag-umpisa ang live streaming nito sa YouTube channel na FAMAS Channel.

Sabi ng FAMAS President na si Ms. Francia Camacho Conrado, “In our new coronavirus-afflicted world, the Filipino film industry is battered in the faceless battle with total uncertainty.

“It has been almost two years since the coronavirus spread across the world. Film productions have stopped. Shootings and cinemas have closed all at once.

“Ikinalungkot ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pagpanaw ng marami nating kasamahan ng dahil sa pandemya.

“Malungkot man, ngunit kailangan nating magpatuloy lumaban. The Filipino film industry responded to the extraordinary challenges posed by the pandemic…”

Confident si Ms. Francia na magba-bounce back ang Filipino film industry sa kabila ng mga hamon at pagbabago ng pandemya.

Continue reading below ↓

Pananalig ni Ms. Francia, “The fire and passion of the Philippine filmmakers remain. Laban lamang tayo sa galaw ng panahon.

“Pasasaan ba, maaaring bukas, makalawa, sa tulong at awa ng ating mahal na Panginoon, ay tuluyan nang magwakas itong pandemya.”

Host ng programa si RS Francisco, na pinarangalan bilang International CEO of the Year. Ang direktor ng palatuntunan ay si Vince Tañada.

BEST ACTRESS

Best Actress si Alessandra de Rossi para sa Watch List, na nagpanalo rin sa kanya ng tropeyo sa 44th Gawad Urian noong Oktubre 21.

Napakatamis ng ngiti ni Alessandra, “Maraming-maraming salamat, FAMAS, I’m very, very touched na ikinunsider ninyo akong Best Actress.

“Gusto ko lang sabihin na napakaespesyal ng FAMAS para sa akin dahil sila ang nagbigay ng kauna-unahang award ko when I was 17, Best Supporting Actress for Azucena.

“And twenty years later, my second FAMAS. Ha! Ha! Ha! Ha! Best Actress naman! So, parang… whooahh!!!” pagmumuwestra ni Alessandra.

Continue reading below ↓

Dagdag ng premyadong aktres, “Sobrang agang pamasko ito para sa akin. How I wish may awards night… may stage para may whoooahh!!!

“But wala, e, pandemic. So, mabuhay po tayong lahat at mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

BEST ACTOR

Ie-elevate na ba si Allen Dizon sa FAMAS Hall of Fame?

Best Actor na naman si Allen sa FAMAS para sa Latay. Ikalimang Best Actor trophy na niya ito sa FAMAS.

Nauna siyang nagwagi para sa mga pelikulang Paupahan, Dukot, Magkakabaung, at Bomba.

Talumpati ni Allen, “Noong bata pa po ako, noong hindi pa ako nag-aartista, kapag yung artista po, magaling umarte, sinasabi nila, ‘Uy! Pam-FAMAS 'yan, ah?!’

“Kaya maraming-maraming salamat po dahil isa sa pinakamatagal na award-giving body ng Pilipinas… taos-pusong pasasalamat, FAMAS, sa panibagong Best Actor na ibinigay ninyo sa akin.

“Sobra po akong natutuwa. Panlimang Best Actor na po ito na ibinigay ninyo sa akin kaya maraming-maraming salamat po. Hindi ko po makakalimutan ang FAMAS.”

Continue reading below ↓

Pinasalamatan ni Allen ang producer ng Latay na si Baby Go ng BG Films, writer-director na si Ralston Jover, at leading lady na si Lovi Poe.

Inialay ni Allen ang kanyang award sa kanyang pamilya — sa kanyang asawa at apat na mga anak, pati sa kanyang nanay at kapatid.

Dagdag ni Allen, “At maraming-maraming salamat po sa Nasa Itaas sa lahat po ng biyaya at patnubay.”

BEST SUPPORTING ACTRESS

Lima ang nominadong Best Supporting Actress sa 44th Gawad Urian, at nagtabla sina Dexter Doria (Memories of Forgetting) at Hazel Orencio (Lahi, Hayop).

Pito ang nominadong Best Supporting Actress sa 69th FAMAS Awards — excluded si Hazel — at nagwagi si Dexter for the same film.

“Fortysomething years ago, noong bago pa lang akong artista — in fact it was my first year as an actress — na-nominate ako sa pelikulang Inay dito sa FAMAS,” kuwento ng kakampink na si Dexter.

Continue reading below ↓

“Hindi nga lang ako nanalo. Pero ipinangako ko sa sarili ko, na mananalo ako ng FAMAS one day.”

Natatawang sabi ni Dexter, “Hindi ko nga lang akalain na after 40 years bago ako mananalo ng FAMAS!

“But for me this is a big achievement, hindi ba? Mahirap kayang ma-nominate, lalo pa manalo.

“Pero siyempre, since narito na… kailangang gawin ko yung lahat ng sinasabi ng mga nananalo…”

Pinasalamatan ni Dexter ang direktor niyang si Jay Altarejos, pati na ang FAMAS.

BEST SUPPORTING ACTOR

Napa-wow si Enzo Pineda nang tanghaling Best Supporting Actor para sa He Who Is Without Sin.

“Thank you so much, FAMAS, for this prestigious award!” masayang bulalas ni Enzo.

“And it’s truly an honor to be receiving this tonight. And finally po, masasabi ko na sa magulang ko na, ‘Ma, Pa, finally… after 12 years sa showbiz, may acting award na ako! And this is for you, guys!’

Continue reading below ↓

“Thank you so much sa lahat ng judges ng FAMAS, at sa lahat po ng bumubuo ng FAMAS, thank you so much in believing in my talent.

“And with that, I really believe that no man is an island. I wouldn’t be here right now po if it wasn’t for all the people who supported me since Day One.

“And with that, I would like to thank God for He has blessed my life in so many ways I can’t even imagine — my mom, my dad, my brother, my sister-in-law, sa aking mahal ko na si Michelle [Vito, his girlfriend]…

“Thank you so much for believing in me, and especially those times na alam ninyong nahihirapan ako.

“Thank you so much for reminding me that, ‘Enzo, one day, don’t worry, you’ll do something special.’ And this is for you guys, mahal na mahal ko kayo.

“And hindi ko po kakalimutan kung saan ako nanggaling. I would like to thank GMA Network, GMA 7. Kung hindi n’yo po ako tinanggap sa StarStruck, wala po ako dito ngayon. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa akin.

Continue reading below ↓

“And to my network, ABS-CBN, mga Kapamilya… this is it! This is for you guys! Maraming salamat sa suporta na ibinigay niyo sa akin. I wouldn’t be here right now kung hindi dahil sa suporta ninyo, kaya maraming salamat, mga Kapamilya!”

Pinasalamatan din ni Enzo ang manager na si Arnold Vegafria, si Direk Laurenti Dyogi at road managers ng Star Magic, ang Team He Who Is Without Sin sa pangunguna ni Direk Jason Paul Laxamana, at ang co-actor na si Elijah Canlas.

Ang He Who Is Without Sin ay isa sa competing films ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020.

Hindi nakasama si Enzo sa limang nominadong Best Supporting Actor ng PPP 2020 na sina Henyo Ehem, Phi Palmos, Topper Fabregas, Roweno Caballes, at Allan Gannaban. Ang limang iyon ay hindi naman kabilang sa pitong nominadong best supporting actor sa 69th FAMAS.

dexter enzo famas

Continue reading below ↓

Dexter Doria and Enzo Pineda

MAGIKLAND WINS SEVEN AWARDS

Best Picture ang Magikland, na nagwagi rin sa anim pang kategorya — Best Director (Christian Acuña), Best Visual Effects (Richard Francia at Ryan Grimarez), Best Sound (Mike Idioma at Alex Tomboc), Best Editing (Manet A. Dayrit at She Lopez-Francia), Best Production Design (Ericson Navarro), at Best Cinematography (Rody Lacap).

Ibinahagi ni Direk Christian ang tropeyo niya bilang best director sa executive producers ng Magikland na sina Peque Gallaga (RIP) at Lore Reyes.

“I will forever cherish the experience of creating this movie with you,” pakli ni Direk Christian.

Pinasalamatan din ni Direk Christian ang kanyang asawa, mga magulang, anak, sa Team Magikland partikular sa producer na si dating Congressman Albee Benitez, at sa FAMAS.

Ang Magikland ay isa sa sampung official entries ng MMFF 2020, kung saan ligwak ito sa labanan ng Best Picture. Humakot doon ng walong awards ang Fan Girl, na bokya naman sa FAMAS.

Continue reading below ↓

OTHER WINNERS

Narito ang iba pang awards sa 69th FAMAS:

Best Screenplay — Manny Angeles at Paulle Olivenze para sa Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story

Best Musical Score — Kean Cipriano at Brain Coat para sa On Vodka, Beers and Regrets

Best Original Song — "Maibalik" ng JBK para sa Us Again

Best Child Performer — Mel Espinosa para sa Block Z

Best Short Film — Solo ni Kevin Piamonte

FPJ Memorial Award — Mon Confiado

German Moreno Youth Achievement Awards — Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi

FAMAS President’s Award — Congresswoman Rowena Niña O. Taduran

Artistic Excellence — Diane de Mesa

Best Filipino Beauty and Skincare Brand — Pamela Beauty Essences

The Inspiring Business Leader of the Year — Pamela Vergara Gaspan

The Celebrities Choice for Skincare & Beauty Brand — Kissed By Nature PH

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi (left) was named Best Actress in the 69th FAMAS Awards for her performance in Watch List; Allen Dizon (right) picked up his fifth FAMAS trophy for Best Actor, this time for his performance in Latay.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results