Christian Bables to Nico Antonio on Big Night!: "Kahit brief ng Santo Niño yung bilhin ko sa iyo, di bubukol 'yan!"

by Rachelle Siazon
Dec 23, 2021
Christian Bables, Nico Antonio, drug watchlist, MMFF 2021
Christian Bables (left) and Nico Antonio (right) can't wait for moviegoers to see the comedy film Big Night!. It tells the story of Dharna, a beautician who finds himself being mistakenly included in a drug watchlist. How far will Dharna go in order to prove his innocence? This MMFF 2021 entry include acclaimed actors such as John Arcilla (with hat) and Eugene Domingo (with shades).
PHOTO/S: Screengrab from Big Night! trailer

First time magkatrabaho nina Christian Bables at Nico Antonio sa Metro Manila Film Festival 2021 entry na Big Night! na mapapanood simula December 25.

Gumanap silang gay married couple na sina Dharna (Christian) at Zeus (Nico), at director nila si Jun Robles Lana.

Una na itong nag-world premiere sa Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia sa Northern Europe noong November 2021.

Sa PEP Spotlight, ibinahagi nila kung paano nila nabuo ang chemistry nila sa pelikula.

"Siyempre 'di mawawala yung mangangapa kayo sa isa't isa," saad ni Christian.

Dagdag niya, "Pero magka-vibes kami ng artistry ni Nico. Sobrang nag-gel yung characters namin. Makikita niyo yung chemistry sa trailer pa lang.

"Yun ang isa sa mga ipinagpapasalamat ko between us dahil ang ganda ng kinalabasan, Brother."

Nagtulungan daw talaga sila lalo na sa mga mahihirap na eksena nila.

Kuwento ni Nico: "Tapos may instances na nag-improvise. Basta nakakatawa lang siya.

"Alas-kuwatro ng madaling araw, hindi namin makuha-kuha.

Continue reading below ↓

"Ta's nung nakuha na namin, sobrang saya namin nailabas namin sa eksena. Nag-iiyak na kami, ang saya, pero relieved siya.

"Ibinuhos namin sa eksena, pero sa loob namin, 'Hay salamat, natapos na rin.' Hahaha!"

Sa trailer pa lang ay may pasilip na ng nakakaloka nilang eksena kunsaan na-highlight ang katangian ng karakter ni Nico na "duty-free" o maliit ang male private part.

Habang nasa sulok ng isang gay bar kunsaan gumagawa ng pakpak ng anghel si Christian, nakatayo sa tabi niya si Nico na may suot lang na brief at sando.

Linya ni Nico bilang Zeus, "Dharna, ayaw bumukol ng t*t* ko, o..."

"Tayo pa ba maglokohan Zeus? Kahit brief ng Santo Niño yung bilhin ko sa iyo, di bubukol 'yan," busangot ang mukhang sagot ni Christian bilang Dharna.

Eksena iyon na nagsusungit si Dharna kay Zeus dahil sa matinding problemang kinahaharap.

Christian Bables, Nico Antonio, Big Night!, MMFF 2021

Continue reading below ↓

WHY IT WAS TITLED BIG NIGHT!

Hindi na bago kina Christian at Nico ang gay roles pero excited sila dahil bagamat comedy film ang Big Night! ay napapanahon ito ngayong election season.

Lahad ni Christian, "Big Night! is the story of a gay beautician na napasama yung pangalan niya sa drug watchlist.

"Meron siyang 24 hours para linisin ang pangalan niya. Journey niya yun.

"Ano ang mga bagay na kaya niyang gawin para patunayan na inosente siya."

Abangan na lang daw kung bakit Dharna ang pangalan ng karakter niya sa pelikula.

Ani Christian, "Abangan niyo kung anong klaseng bato ang kayang lunukin ni Dharna."

May ganap din sa karakter ni Nico sa kuwento.

Aniya, "Dalawa kasi mangyayari diyan. Big Night! kasi kailangan ayusin [ni Dharna] yung problema niya tungkol sa drugs watchlist.

"Yung character ko may 'big night' din na mangyayari kasi may sinalihan ako na beautycon."

Christian Bables, Eugene Domingo, Big Night!, MMFF 2021

Continue reading below ↓

"COMEDY WITH A TWIST OF REALITY"

Base sa trailer ng Big Night!, makakasama nina Christian at Nico ang isang powerhouse cast na sina Eugene Domingo, Gina Pareño, John Arcilla, Janice de Belen, Ricky Davao, at Soliman Cruz.

Sila ang mga lalapitan ni Christian para hingan ng tulong kung paano lilinisin ang pangalan niyang nakasama sa drug watchlist.

Kuwela ang iba-ibang karanasan niya kasama ng mga ito sa loob ng 24 oras.

"Bukod sa napapanahon siya, alam ko na lahat ng tao sa pelikulang ito, ibinigay yung 200 or 300 percent as artists.

"Ang ganda ng istorya. Di ko na idetalye kung ano yun, but dapat nila abangan," saad ni Christian.

Dagdag ni Nico, "After two years maipapalabas na rin siya.

"It's a fun movie, but there's a twist of reality to it. We enjoyed doing this. May manaka-nakang sigawan, frustrations, pero in the end masaya lang siya talaga.

"And as a producer, dahil isa ang Quantum Films sa producer, masaya rin na maipapalabas na siya."

Continue reading below ↓

Sabay natawang pahabol ni Nico, "At saka sana kumita!"

Hirit naman ni Christian, "Buti na lang si Nico naging kaibigan ko talaga. Pag kumita Nico, alam mo na, ha?!"

"Alam mo 'yan, Christian," sang-ayon ni Nico sa dalangin nila na sana ay kumita para may bonus.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bables (left) and Nico Antonio (right) can't wait for moviegoers to see the comedy film Big Night!. It tells the story of Dharna, a beautician who finds himself being mistakenly included in a drug watchlist. How far will Dharna go in order to prove his innocence? This MMFF 2021 entry include acclaimed actors such as John Arcilla (with hat) and Eugene Domingo (with shades).
PHOTO/S: Screengrab from Big Night! trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results