Juan Carlos Galano hinipuan daw ng tropang bading noon; paano niya ito kinumpronta?

by PEP Troika
Jan 2, 2022
Juan Carlos Galano set to top-bill FuBu
Pagkatapos ng Nelia, ang next movie project ni Juan Carlos Galano ay pinamagatang FuBu.
PHOTO/S: @juancarlosgalano on Instagram; Jerry Olea

JERRY OLEA

Ikinakasa na ng ALV Productions ang pelikulang FuBu, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Ayon kay Direk Adolf, tungkol ito sa open relationship ng isang dalaga (Katrina Llegado), isang binata (Juan Carlos Galano), at isang male bisexual (hindi pa naika-cast).

Kung sa first movie niyang Nelia ay tweetums si Juan Carlos, sa FuBu ay siguradong mapapasabak siya sa hubaran at lampungan.

“Medyo daring ang gagawin natin sa pelikulang yun,” napapangiting sambit ni Juan Carlos.

“I have yet to know from Direk Adolf kung gaano ka-daring. Nag-photo shoot na kami ng partner ko dun na si Kat Llegado. Pasabog nga po, e!

“Maraming aabangan dun sa role ko. At for sure, maraming pasabog sa pelikulang yun.”

Sa totoong buhay, nagkaroon na raw ng fubu (f*ck buddy) si Juan Carlos.l.

“We’re still good. Hindi naman ako nanggo-ghost!” bulalas ng baguhang hunk actor.

Huling nakausap ng PEP Troika si Juan Carlos sa presscon ng Nelia noong Disyembre 18, 2021, Sabado, sa grand ballroom ng City of Dreams sa Parañaque City.

Continue reading below ↓

Inamin niya na noong high school ay nahipuan siya ng kaibigang lingid sa kaalaman niya ay isang bading.

Hinayaan lang niya ito. Kinabukasan ay saka niya ito sinabihan, “Bro, pasalamat ka, tropa kita. Kasi kung hindi, baka nasapak na kita!”

Sabi pa ni Juan Carlos, “Hindi naman ako bayolenteng tao. I waited till the next day nung ginawa niya yun. I didn’t call him out on that moment.

“Sabi ko, ‘Sige, papalampasin ko. Pero bukas, kakausapin ko siya.’

“Sa akin kasi, okay lang na maging bakla ka, okay lang maging part ka ng LGBT+ spectrum, basta huwag ka lang mag-o-overstep ng boundaries.”

Noong Disyembre pa dapat nagsyuting ang FuBu, kaya lang, hindi nagkatugma-tugma ang schedules.

Sakaling matuloy si Juan Carlos (pati na si Katrina) na pumasok bilang Adult Housemates sa Pinoy Big Brother, mapo-postpone na naman ang shooting ng FuBu.

NOEL FERRER

Ang suwerte naman ni Juan Carlos Galano para mabigyan ng ganitong break.

Continue reading below ↓

Sana, ikataas ito ng status niya para hindi siya malinya sa mga Da Hu?!

Bukod sa kapangahasan, sana ay maging pampataas ng premium niya ito dahil parang reminiscent ito ng Pitik Bulag noon ni Marco Alcaraz directed by Adolf’s mentor na si Direk Gil Portes.

All the best to this FuBu movie!

GORGY RULA

Hindi striking ang kaguwapuhan ni Juan Carlos Galano, pero may kakaiba siyang dating.

Lalong lumulutang ang kakisigan niya kapag kausap mo siya, dahil matalino ang baguhang aktor.

Hindi siya iyung tipo ng ilang hunk actor na hanggang mukha at katawan lang ang maipagmamalaki.

Kaya hindi lang pam-FuBu si Juan Carlos sa totoo lang.

Papanoorin ko pa lang ang Nelia para matingnan kung may karapatan ba siyang magbida sa isang pelikula.

Kung matutuloy na itong FuBu, sana ma-promote nang maayos para mapansin na ang baguhang aktor.

Nakakabilib din itong si Arnold Vegafria, tuloy pa rin ang pagpo-produce ng pelikula kahit aligaga na siya sa paghahanda sa kanyang pangangampanya sa Olongapo.

Continue reading below ↓

Kaya lang, ano na kaya ang nangyari sa iba pang pelikulang sinimulan ng ALV?

Mahigit tatlong taon na yata yung youth-oriented film niyang G! LU, pero hindi pa rin natatapos. Nagkaasawa’t nagkaanak na ang isa sa lead actress na si Katarina Rodriguez, wala nang balita sa movie project na iyon.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng Nelia, ang next movie project ni Juan Carlos Galano ay pinamagatang FuBu.
PHOTO/S: @juancarlosgalano on Instagram; Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results