Ang makulay na buhay ni Vida Verde pagkatapos lisanin ang showbiz

by Jerry Olea
Jan 2, 2022
Vida Verde and daughter Ina Coronel
Sumikat si Vida Verde noong 1985 dahil sa pelikulang Nene. Fast forward to 2021, ang 61-year-old former bold star ay simpleng namumuhay sa Isabela. Ang anak niyang si Ina Coronel (L), na dati ring sinubukan ang pag-aartista, ay isa nang flight attendant ngayon.
PHOTO/S: courtesy of Vida Verde

Rumatsada si Vida Verde sa mga mapangahas na pelikula matapos ang launching movie niyang Nene (1985).

Makalipas ang dalawang taon ay unti-unti siyang nawala sa eksena sa showbiz.

Pero noong 2010 ay pinag-usapang muli si Vida nang mapabalitang nagho-hosto sa isang bar sa Quezon City ang isa niyang anak.

"Nagka-breast cancer kasi ako,” sambit ni Vida sa virtual forum na Sex Cinema and Society: Popular and Religious Approaches noong Disyembre 29, 2021, Miyerkules.

"Nainlab 'tapos nagka-breast cancer. Yung anak kong yun, hindi naman sa hosto bar nagtrabaho. Parang inano lang nila, in-exaggerate lang nila. Hindi naman nagtatrabaho sa hosto bar kundi ahhh, may grupo siya ng mga dancer. Pero hindi sa hosto bar. In-exaggerate lang."

Vida Verde

Continue reading below ↓

Kumusta na yung breast cancer niya?

“Magaling na, sa awa ng Diyos.

"Every year, nagpapa-bone scan na lang ako then yearly na check-up saka iwas-iwas sa mga bawal.”

Noong nagka-breast cancer siya, tinanong ba niya ang Panginoon kung bakit nagkaroon siya ng ganung sakit?

Napabuntong-hininga si Vida, “Tinanong ko ang Diyos. Tinanong ko. Sabi ko, ‘Bakit ako?’ Iyon ang tanong ko, ‘Bakit ako?’ Sa dami naming magkakapatid, sampu kaming magkakapatid na babae, puro babae. Bakit ako lang?'”

Nasagot ba ang tanong na iyon?

“Yes, nagkaroon ng kasagutan. Ang nangyari, nandito ako ngayon sa probinsiya. Maayos ang buhay. Tahimik. Masaya. Yun ang kasagutan,” seryosong sabi ni Vida.

“Kasi, kung hindi ako nagka-breast cancer, baka nandiyan pa ako sa Maynila, at magulo ang buhay ko, di ba? Naging magulo na siguro, ganun.

“So, baka lalo akong napariwara.”

Nasa Japan na yung lalaking anak ni Vida na dating group dancer. Isa na siyang negosyante roon at nakapag-asawa ng Haponesa.

Continue reading below ↓

GUSTO BA NIYANG BUMALIK SA PAG-ARTE?

Sa hometown niya sa Tumauini, Isabela nakabase si Vida.

“Wala kasing trabaho, wala na ring pelikula. Walang kumukuha dahil sa pandemic at saka maraming artista ngayon,” kuwento ni Vida na nakatawa.

“So, ahhmm, minabuti ko nang pumunta dito sa probinsiya—fresh air at saka lahat [ng bilihin], ano, mura.

“Di tulad sa Manila na bawat galaw, ahh, pera.”

Gusto pa ba niyang mag-artista?

“Basta may gustong kumuha sa akin na direktor, na fit naman sa akin ang role maski tsismosang kapitbahay, papayag ako. Kasi, nami-miss ko na ang pag-arte,” malumanay na tugon ni Vida.

Ang kakontemporaryo niyang si Maria Isabel Lopez, payag maghubad sa pelikula ni Direk Brillante Mendoza kahit senior citizen na siya.

Siya ba, papayag pa sa sexy films?

“Hindi na puwede!” mabilis na sambit ni Vida. “Gustuhin ko man, hindi puwede. Baka…Hahaha."

May pinagsisihan ba siya sa mga ginawa niyang bold films? Meron ba siyang regrets?

Continue reading below ↓

“Wala akong pinagsisihan sa pagpasok ko sa showbiz, pero meron akong isang pinagsisihan sa buhay ko, yung sa drugs,” pag-amin ni Vida.

“Na tumikim ako ng drugs. Yun ang pinagsisisihan ko. Pero sa showbiz, sa paghubad-hubad ko, wala akong pagsisisi!”

Tila biro ng tadhana, nang dahil sa drugs, nakilala ni Vida si retired General Joel Coronel, ama ng daughter niyang si Ina Coronel.

Vida Verde and daughter Ina Coronel

Continue reading below ↓

Kuwento ni Vida, “Nagkakilala kami dahil yung tinitirhan kong bahay noon, yung likod nun, nagbebenta ng drugs na hindi ko alam.

“'Tapos, meron silang ano, biglang kumatok—naka-nighties ako — kumatok siya. Na kung pupuwedeng makiraan sa bahay ko para hindi mabulabog yung ganun, yung operation.

"Parang eksena sa pelikula, yun na! Hindi na ako tinigilan. Kasi, naka-nighties ako! Hindi ko alam, bigla na lang silang papasok kung puwedeng makiraan,” natatawang paggunita ni Vida.

“O, sige… OK, ganun. Dun sila nag-istambay sa bahay na tinitirhan ko habang hinihintay nila na dumating yung nagbebenta ng drugs sa likod ng bahay namin.”

Sa dami ng pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay, malaki ang pasasalamat ni Vida na nagkaroon siya ng tsansa ang ituwid ang ilang desisyon niya sa buhay.

Sabi ng 61-year-old former star, “Medyo nalihis lang ng landas, nakalimot nang ilang sandali, ganun. So, inano agad ako ng Panginoon. 'Ooooyyyy!' Yung parang… ‘OOOYYYY!!! Bata ka pa! Gumising ka na!’ Parang ganun.”

Continue reading below ↓

VIDA'S DAUGHTER INA

Kabahagi sa virtual talakayan ng Sex Cinema and Society ang 28-anyos na anak ni Vida na si Ina Coronel, na isang flight stewardess na nakabase sa Middle East.

Ina Coronel as flight stewardess

Sumubok ding mag-showbiz si Ina, at ginamit noon ang screen name na Katrina Verde.

Continue reading below ↓

Naging second runner-up si Ina sa reality show na Pinay Beauty Queen Academy ng GMA News TV.

Ina Coronel as 2nd runner-up in GMA Network's Pinay Beauty Queen Academy

“Gusto ko po talagang sundan yung yapak ni mama,” sabi ni Ina.

Kaso, inayawan daw ni Vida yung chances ni Ina na mag-artista, kaya itinuon nito ang pansin sa pagiging international flight attendant.

Continue reading below ↓

Samantala, may anecdote tungkol kay Ina ang entertainment journalist na si Boy Villasanta, na may-akda ng librong SekSinema (Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia).

“Bahagi si Ina ng buhay ko sa Murphy [Cubao, QC], noong magkasama kami ni Vida sa bahay.

“Ang liit-liit pa ni Ina noon, tinutuksu-tukso ko pa. Ngayon, ang laki-laki na niya!

“Noong maliit pa si Ina, iniiwan siya ni Vida sa Camp Crame. Si Ina kasi ay anak ng isang military man, ano? Ang nag-aalaga kay Ina pag may showbiz commitment si Vida ay si Gen. Guillermo Eleazar, yung controversial police officer ngayon.

“Halimbawa, kung kakanta si Vida, pupunta sa probinsiya, iiwan niya ang batang paslit na si Ina, mga two years old or three years old, iiwan niya sa Crame.

“'Tapos, ang andun ay si Gen. Guillermo Eleazar na nag-aalaga kay Ina. Napaka-historical, di ba?

“Kaya wala talagang nalalaos. Walang nawawala. Lahat tayo, nandito sa mundo, at ang showbiz ay mundo. Ang showbiz ay lipunan!” pagdidiin pa ni Boy Villasanta.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumikat si Vida Verde noong 1985 dahil sa pelikulang Nene. Fast forward to 2021, ang 61-year-old former bold star ay simpleng namumuhay sa Isabela. Ang anak niyang si Ina Coronel (L), na dati ring sinubukan ang pag-aartista, ay isa nang flight attendant ngayon.
PHOTO/S: courtesy of Vida Verde
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results