"Ate" and "Half Blood Samurai" will both open on March 5


(From left) Ara Mina, Paolo Paraiso and Cristine Reyes form a love triangle in the movie Ate, which will open in theaters nationwide starting March 5. Jennylyn Mercado's movie (not in photo) will also open on the said date and has Paolo as one of its cast members.


Two controversial StarStruck 1 girls fight it out on the box-office this March 5 with Paolo Paraiso in the middle.

Minsan nang nagkaroon ng issue sina Jennylyn Mercado and Cristine Reyes over Mark Herras noong nagsisimula sila. Minsan na rin silang nagsama sa isang primetime soap ng GMA-7, ang Super Twins at minsan na rin silang parehong umayaw sa isa pang soap ng Kapuso network, ang Joaquin Bordado kung saan para kay Jennylyn sana ang papel na ginagampanan ngayon ni Ryza Cenon at ang character naman ni Iwa Moto ay dapat kay Cristine.

Sa Marso 5, muli na namang magkakatapat ang mga landas nila dahil sabay na magbubukas ang kanilang mga independently produced movies, with Paolo as both their co-star and partner.

Forward Films Philippines, a division of Forward Entertainment Japan being headed here by OIC Sonny Maculada, presents Half Blood Samurai starring Japanese actor Jacky Woo, Jennylyn Mercado, Gabby Eigenmann, Nina Jose and Paolo. This is written, produced, directed by Jacky himself.


Ang pelikulang Half Blood Samurai ay isang action-musical inspired by the Oscar winning Hollywood movie West Side Story. Si Jacky ay gaganap na Takeru, isang street-smart half-Japanese, half-Filipino, na mapapaibig kay Kristine (Jennylyn Mercado), ang anak ng kanyang mayamang Filipino boss.

A-Mine Entertainment, ang bagong bukas na film company ni Ara Mina is also opening her movie Ate, starring herself and younger sister Cristine, plus Eddie Garcia, Ian Veneracion and Paolo. This is from the story of Peque Gallaga, script by Gina Marissa Tagasa and directed by Lore Reyes.

Sa naturang pelikula, magkapatid ang roles nina Ara at Cristine at iibig sila sa iisang lalaki na ginagampanan ni Paolo. Ang R-13 movie na ito ay exclusive na mapapanood sa lahat ng SM cinemas starting March 5.

Dahil hindi digital movies ang Ate at Half Blood Samurai, ipalalabas ang mga pelikulang ito sa maraming sinehan nationwide. Ang Hollywood film na 10,000 BC naman ang makakatapat nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN