Watch Now

John Lloyd Cruz confirms upcoming movie project with Jasmine Curtis-Smith

by Jerry Olea
Mar 8, 2022
Jasmine Curtis-Smith, John Lloyd Cruz
After working together in the pilot episode of Happy ToGetHer (right photo), John Lloyd Cruz reveals he's thrilled that he and Jasmine Curtis-Smith are set to work together for a movie.
PHOTO/S: Happy ToGetHer Facebook

Kinumpirma ni John Lloyd Cruz na may nakapila silang pelikula ni Jasmine Curtis-Smith.

Itinuturing itong "passion project" ng aktor, at nakatakda silang magsimula ng shooting sa Mayo.

"Matagal na ito. Dapat mangyari na siya this year," saad ni John Lloyd.

Nakapanayam si John Lloyd ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa first anniversary ng Crown Artist Management, noong Linggo, March 6, 2022.

Dito ikinuwento ni John Lloyd na excited siyang makatrabaho sa pelikula si Jasmine.

Paano nabuo yung movie nila ni Jasmine?

"Character-driven yung consideration for Jasmine to be part of the film," pahayag ni John Lloyd.

"Yung character na nabuo namin together with the writer and the director, tingin ko, puwedeng ilapit sa kanya as something na puwede niyang i-consider, or pag-trip-an or trabahuhin.

"Para siyang bagay dun sa character na na-create."

Liban dito ay ayaw munang magdetalye ni John Lloyd kung tungkol saan ang movie at kung sino ang magproprodyus nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHY JOHN LLOYD WANTED TO WORK WITH JASMINE

Nag-cameo si John Lloyd sa Culion (Metro ManiFF 2019) kung saan isa sa mga bida si Jasmine, pero hindi sila magkaeksena.

Ayon kay John Lloyd, noon pa lang ay gusto na niyang ipabasa kay Jasmine yung script ng pelikulang nais niyang makasama ito.

Positive feedback kasi ang narinig ng aktor tungkol sa pag-arte ni Jasmine.

"May nagkuwento sa akin, yung opening daw ng isang film niya is silang dalawa ni Ricky Davao.

"Tapos, si Jasmine… hindi ko mapag-marry yung dalawang thought na si Jasmine Curtis, tapos, nasa likod siya ni Ricky Davao. Yun ang eksena," paliwanag ni John Lloyd.

Ang tinutukoy ni John Lloyd ay iyong pelikulang Never Tear Us Apart na entry sa Cinema One Originals 2018 film fest. Ang original title niyon ay Fisting.

"Yung eksenang iyon, parang, hindi mawala sa isip ko when I hear her name. Parang, 'Lupit nito, ah?!'" sambit ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napanood ni John Lloyd ang eksena nina Jasmine at Ricky na inilarawan niya.

Pero ani John Lloyd, sapat na iyon para ma-curious siyang makita kung paano nga umarte si Jasmine.

"And I think mas interesting siya na naikuwento lang sa akin," pakli ng premyadong aktor.

Lalong bumilib si John Lloyd kay Jasmine nang sa wakas ay magkatrabaho sila noong December 2021.

Si Jasmine ay special guest sa pilot episode ng Happy ToGetHer, ang sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd at umeere sa GMA-7.

Gumanap siyang love interest ng karakter ni John Lloyd na nawindang nang malamang kasama pa rin ng lalaki sa bahay ang in-laws nito.

"Sobrang galing niya!" bulalas ni John Lloyd.

Tila aware ang aktor na karamihan sa body of work ni Jasmine ay drama ang tema, kaya naiiba ang pagpapakuwela ni Jasmine sa guest appearance nito sa Happy ToGetHer.

"Sobrang hirap nung… baka naman ine-exagg ko, pero yung role na ginawa niya nung pilot episode namin, I think mahirap gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lahat yata magagawa yun. Parang ang galing! Nakita kong kaya niyang mag-transition from, like, seryosong materyal to a sitcom. Ang galing!" papuri pa ni John Lloyd kay Jasmine.

ON WELL-RECEIVED TV COMEBACK

From the looks of it, tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

Maraming nalungkot nang magpahinga sa limelight si John Lloyd, at ngayong aktibo na siya ulit ay excited ang kanyang fans na malaman kung ano pa ang mga susunod niyang proyekto.

Patunay rito ang mainit na pagtangkilik ng televiewers sa kanyang sitcom.

Read: Sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, umaariba sa ratings

"It’s been ano, a very interesting journey—the last five years, six years," tukoy ni John Lloyd sa kanyang showbiz hiatus.

Mababanag na tila tinitimbang-timbang niya ang kanyang saloobin at sasabihin.

"I made choices na hindi mo talaga alam kung saan pupunta. Parang, at the time, kailangan mong mag-dive… like… into the unknown.

"Parang… hindi mo alam kung ano ang dulo niya, ano ang ending niya. Parang… mabuti na lang, parang coming back, or… parang resulta na lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinggil sa magandang pagtanggap sa kanya ng viewers sa Happy ToGetHer, na line produced ni Bobot Mortiz, sabi ni John Lloyd: "Kumbaga, gaya ng show namin ni Direk Bobot, meron siyang higher motivation than you.

"There’s a bigger picture than yourself.

"Parang… yung experience ko, learning the hard way, parang… ang ganda ring experience. So, parang… mas nagkakaroon ng meaning yung mga choices mo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After working together in the pilot episode of Happy ToGetHer (right photo), John Lloyd Cruz reveals he's thrilled that he and Jasmine Curtis-Smith are set to work together for a movie.
PHOTO/S: Happy ToGetHer Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results