Watch Now

Alexa Miro to Derrick Monasterio: "OK lang ba, can I kiss your neck?"

by Jerry Olea
Mar 8, 2022
Alexa Miro, Derrick Monasterio
Alexa Miro on doing intimate scenes with her friend Derrick Monasterio: "Awkward pala to make landi when someone’s your tropa."
PHOTO/S: Jerry Olea / @derrickmonasterio Instagram

Ariba sa pagkayod ang baguhang artistang si Alexa Miro.

Noong November 2021, nag-number 1 sa Netflix Philippines ang A Girl + A Guy na pinagbidahan nila ni Rob Gomez.

Ngayong 2022, sunud-sunod ang proyektong ginagawa ni Alexa, at isa na rito ang Cheat Day kunsaan katambal niya si Derrick Monasterio.

Isa itong sexy movie sa direksyon ni Joey Reyes.

"Kasama rin ako sa Cheat Day under Regal, with Direk Joey Reyes. Napakasarap katrabaho ni Direk Joey, kasi, luka-luka rin siya," saad ni Alexa.

Naka-one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexa nitong Marso 5, Sabado, sa café na katabi ng Lunch Out Loud (LOL) studio sa Kalayaan Ave., Quezon City.

Patuloy na paglalarawan niya kay Direk Joey: "Pero what I love about him is he’s very, very strict. Napakabilis niyang mag-shooting, ta-da-da-da-da-da-da-da-da, ganun!

"But he’s very strict. Ayaw niya na may nagkakamali, gusto niya perfect."

Kumustang leading man si Derrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Derrick and I naman, kasi we’ve been friends for three to fours years, I met him in 2018, [through] mutual friends.

"So, comfortable na agad kami sa isa’t isa. Pero may scene kami na syinut namin the other day, the last shooting day…

"Awkward pala to make landi when someone’s your tropa," kakatuwang sambit ni Alexa.

Siya raw ang nagpaalam kay Derrick para sa isa nilang intimate scene sa pelikula.

"So, sabi ko, bumulong ako, ‘Derrick, OK lang ba, can I kiss your neck?’

"Kasi, kailangan ko siyang lambingin! 'Sige, OK lang.' It was so awkward! Ganun pala yun.

"Kasi, tropang-tropa talaga kami ni Derrick. It’s super fun!"

WILDER SCENES IN NEXT MOVIES?

Umaasa si Alexa na ma-replicate ang success ng A Girl + A Guy sa Netflix ang iba pa niyang upcoming films.

"Naku, hopefully, ang next na lalabas, magna-number one ulit. Netflix din uli, sexy thriller naman. It’s called Pleasure," lahad ni Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Europe namin ito syinut, with Direk RC de los Reyes. Puro Dutch actors, European actors ang katrabaho ko rito.

"Meron lang isang Filipino dun, na nakatira talaga sa Netherlands, and she was given a part sa movie. Sa Netflix din yun ipapalabas.

"Meron din kaming movie ni Arjo Atayde, it’s called Hey, Joe, shot in Baguio.

Mapangahas si Alexa sa A Guy + A Girl kung saan wala siyang kyemeng nag-frontal nudity.

READ: A Girl and A Guy, No. 1 na sa Netflix PH dahil sa frontal nudity at love scenes?

Meron ba siyang movie na malalampasan o kahit mapapantayan man lang ang kapangahasan niya sa pelikulang yun?

"Meron! Yung Pleasure, next level po yun! Para siyang 50 Shades of Grey pero thriller," sagot ni Alexa.

"Hay, naku! Mama-Marites na naman tayo dito! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero tiyak naman na magugustuhan ninyo yun!

"Sobrang ganda po talaga ng cinematography, ng pag-play out ng entire movie. And actually, I’m really, really proud of that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alexa Miro

ALEXA AND ROB'S TV TEAMUP

Sa kabilang banda, nagtambal muli sina Alexa at Rob sa “Messy Thing Called Love” episode ng Regal Studio Presents (RSP) noong Pebrero 27, Linggo, sa GMA-7.

Natuwa ba siya?

"Masarap! Masarap na makatrabaho ulit si Rob!" bulalas ni Alexa.

"Kasi, we’re comfortable na. At ito pa yung inaabangan ng fans. Kasi, yung A Girl + A Guy, the story wasn’t about us. Separate individuals, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dito sa RSP, it’s our story na talaga. Sobrang layo sa ginawa namin sa movie, super wholesome!

"And doon namin naranasan na mag-build up ng kilig sa isa’t isa. Talagang bagay pala kami, yung chemistry is real."

Ang pelikulang A Girl + A Guy ni Direk Erik Matti ay nag-streaming noong Hunyo 2021 sa Upstream, bago ito ipinalabas sa Netflix.

Alexa Miro, Rob Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HER LUNCH OUT LOUD STINT

Masaya siyempre si Alexa na mapabilang sa daily noontime show ng TV5 na LOL.

Nais niya na ma-regular siya sa noontime show kunsaan main hosts sina Billy Crawford at Alex Gonzaga.

"Sana po. Hopefully, gusto ko po dito na ako forever!" masiglang sambit ni Alexa.

"Kahit matapos na lahat ng show, whatever man, sana dito po ako forever!"

Naiso-showcase raw niya sa LOL ang kanyang singing talent.

"Naiso-showcase ko po lahat. Unang-una na, ipinagpapasalamat ko is, of course, natutunan ko yung genre ng comedy," saad ni Alexa.

"Yun ang pinakamahirap na genre, di ba? Pero dito talaga, natural, natututunan mo siya araw-araw.

"Gumagaling ka nang gumagaling. It’s like you have no other way but up. Plus, they also gave me a platform to showcase my singing, my dancing, and acting of course."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Miro on doing intimate scenes with her friend Derrick Monasterio: "Awkward pala to make landi when someone’s your tropa."
PHOTO/S: Jerry Olea / @derrickmonasterio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results