Christine Bermas reveals family's reaction to her intimate scenes in movies

by Jerry Olea
Mar 23, 2022
christine bermas
Christine Bermas on being daring on screen: “Nag-start ako, of course, nang daring. Pero after po ng mga ginawa ko, after ng Siklo, itong next na ginawa ko, hindi na siya more on ganun-ganun, e. Nagpo-focus na talaga siya sa story and acting. Well, naging stepping stone ko yung pagpapa-sexy, and after po nun, thankful ako ngayon."
PHOTO/S: Jerry Olea

Matagumpay ang launching film ni Christine Bermas na Moonlight Butterfly na idinirek ni Joel Lamangan.

Number 1 ito sa talaan ng Top Content of the Week ng Vivamax nang mag-umpisang mag-streaming noong Marso 18, 2022, Biyernes.

Kasado na rin ang March 25 streaming ng BL movie na Sisid kung saan suporta siya kina Paolo Gumabao at Vince Rillon, with Brillante Mendoza as director.

Sa Abril 1 naman ang Vivamax streaming ng pelikulang Island of Desire kung saan bida siya muli, sa direksiyon din ni Joel Lamangan. Co-stars niya rito Jela Cuenca, Sean de Guzman, Rash Flores, Massimo Scofield, AJ Oteyza, Sheree, at Jim Pebanco.

Back-to-back-to-back ang sexy movies niya! Tatlong magkakasunod na Biyernes!

christine bermas

Continue reading below ↓

Ano ang pakiramdam niya, at ang reaksiyon ng pamilya niyang naiwan sa Palawan, kaugnay sa pag-ariba ng kanyang acting career?

“Well, sobrang happy ko and thankful at the same time sa mga direktor na nagdidirek sa akin,” lahad ni Christine matapos ang special screening ng Sisid nitong Marso 22, Martes, sa isang mall sa Quezon City.

“Hindi biro, e. Direk Brillante and Direk Joel Lamangan. And thank you rin po sa Moonlight Butterfly at nasundan pa nitong Sisid. So sana po, magtuluy-tuloy.

“And, yeah, support po ang fam ko sa lahat ng ginagawa ko. And sobrang happy nga nila.

“And sabi nila, pag may mga scene na hindi sila comfortable, pikit na lang daw! Hi Hi! Hi! Hi!

“Sobrang natutuwa po ako na ganun ang pakiramdam na kahit ganito ang work mo, accepted ka ng fam mo.

“Sabi nga po nila, kung saan daw po ako masaya. Kung ano daw po yung nakakatulong sa akin, support po sila.”

Continue reading below ↓

Bunso si Christine sa tatlong magkakapatid. Parehong lalaki yung nakatatanda sa kanya, na sobrang protective daw.

“Yung isang brother ko, graduating na siya this year ng Criminology. So sabi niya, ‘Pag nagpulis na ako, ako na ang magbabantay sa yo sa Manila!’ Sabi niya.

“Sabi ko naman, ‘Well, yeah. I’m happy for that.’ Sabi ko sa kanya. Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ng 19-anyos na si Christine, na nasa second year na ng kursong Tourism sa Lyceum of the Philippines.

CHRISTINE'S LEADING MEN

Pinag-uusapan ang leading men ni Christine sa Moonlight Butterfly na sina Albie Casiño at Kit Thompson.

Wagas ang harutan nila ni Albie. Pilyung-pilyo ang ngiti nito matapos sumisid sa kanyang kandungan.

“Opo, sobra! Albie is a very good friend of mine. Si Albie, sobra, as in… sobrang maalaga siya nung ginagawa namin yung scene na yun,” sambit ni Christine.

Ang kinis-kinis ng wetpaks ni Albie, huh?! Tunay na pwetmalu!

Continue reading below ↓

“Ha! Ha! Ha! Ha! Well, nakita niyo naman at napanood niyo na. Sana, na-satisfy kayo! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Mabait ba sa kanya si Kit noong nagsyusyuting sila?

Mabilis na tumango si Christine, “Mabait siya. He’s very kind, super. Protective din siya, especially sa mga scenes namin.

“Kasi, hindi biro yung mga scenes na ginawa namin. And yeah, mabait si Kit.”

Sangkot ngayon sa kontrobersiya si Kit dahil sa pananakit umano nito sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni.

moonlight butterfly

Continue reading below ↓

REAL SCORE WITH VINCE RILLON

Tatlong beses nang nakatambal ni Christine si Vince Rillon.

Una, sa The Policeman na hindi pa naipapalabas, kung saan bida sina Coco Martin at Julia Barretto, sa direksiyon din ni Brillante Mendoza.

Ikalawa, sa Siklo na buena manong handog ng Vivamax ngayong 2022.

At ito ngang Sisid na nag-premiere noong Enero sa Vivamax Plus, at mapapanood na ng Vivamax subscribers.

christine bermas, vince rillon

Continue reading below ↓

Natsismis pang nagkakamabutihan na sila ni Vince. Naiinlab na raw ito sa kanya?

“Ay! Hindi po! Wala pong ganun! Ha! Ha! Ha! Ha! Wala talagang ganun!” paghalakhak ni Christine.

Sabi ni Vince, comfortable siya kay Christine sa intimate scenes dahil payag itong magpa-enka.

Napakunot-noo si Christine, “What’s enka?”

Nagpa-kaen. Pumayag talaga siyang magpakain ng dibdib?

“Oy, hindi pumayag! Hoy, Vince, ha?! Hindi ako pumayag, Vince, ha? Hindi lang nagka-cut si Direk, ha?” pagmamatuwid ni Christine.

“Hindi ako choda kaya hindi kita pinigilan. Ha! Ha! Ha! Hindi ako pumayag. Nagulat nga ako na ganun ang nangyari. Ha! Ha! Ha!”

Nilinaw ni Christine na hindi siya na-exploit sa intimate scene nila ni Vince sa Sisid, at ramdam pa rin niyang iningatan siya ni Direk Brillante.

“Maingat naman si Direk. Walang pang-e-exploit pagdating sa mga ganyang bagay,” pagkaklaro ni Christine.

“Yung sa Sisid, second time ko na yun with Vince and Direk Brillante, kaya comfortable na talaga ako sa pakikipagtrabaho sa kanila.”

Continue reading below ↓

JUST A STEPPING STONE

Sunud-sunod ang mga mapangahas na pelikula ni Christine, pero hindi lang hubaran at pakikipaglampungan ang maihahain niya sa mga manonood.

Pagmamatuwid ng sexy young actress, “Nag-start ako, of course, nang daring. Pero after po ng mga ginawa ko, after ng Siklo, itong next na ginawa ko, hindi na siya more on ganun-ganun, e.

“Nagpo-focus na talaga siya sa story and acting. Well, naging stepping stone ko yung pagpapa-sexy, and after po nun, thankful ako ngayon.

“Kasi, yung ginawa namin recently na Island of Desire, isang beses lang akong nakipag-sex scene dun, with Sean de Guzman.

“And hindi siya ganun kalala. Parang kissing lang. Nag-kiss lang kami ni Sean doon.”

christine bermas, sean de guzman

Continue reading below ↓

Kapatid ang turing ni Christine kay Sean, na member noon ng Clique V. Member naman before si Christine ng Belladonnas. Ang dalawang grupo ay parehong mina-manage ni Janilyn Carrillo.

“Sabay kaming nag-start ni Sean, e, actually. Sobra na kaming magkaibigan kahit noong wala pa kaming movies,” paliwanag ni Christine.

“Iisa lang manager namin. Pareho kami ng management. Nagsi-sing-and-dance din kami before kaya kapatid talaga as in ang turing ko sa kanya.”

Nanood si Sean at ang kapwa Clique V member na si Marco Gomez ng special screening ng Sisid.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas on being daring on screen: “Nag-start ako, of course, nang daring. Pero after po ng mga ginawa ko, after ng Siklo, itong next na ginawa ko, hindi na siya more on ganun-ganun, e. Nagpo-focus na talaga siya sa story and acting. Well, naging stepping stone ko yung pagpapa-sexy, and after po nun, thankful ako ngayon."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results