Watch Now

Cloe Barreto to play a prostitute in Tahan; stars opposite JC Santos

by Jerry Olea
Apr 7, 2022
Cloe Barretto, JC Santos
Newbie star Cloe Barreto on how she will internalize her role in Tahan: "Naisip ko po, yung karakter na ito, kulang kasi siya sa pagmamahal. Kasi, prosti siya. Ang nasa isip niya, 'Binabayaran lang ako nito. Hindi ako mahal nito.' Ganun lang."
PHOTO/S: Jerry Olea / JC Santos Instagram

Challenging para kay Cloe Barreto ang kanyang role sa pelikulang Tahan.

Gumaganap siya bilang si Elisse, isang prostitute na maagang namulat sa kamunduhan.

Pag-amin ni Cloe, malalim ang pinaghuhugutan ng kanyang karakter, pero hindi naman niya pinagdaanan ang pang-aabusong dinanas nito.

Kuwento ni Cloe, "Pero meron din po kasi akong mga pinagdaanan before na puwede kong i-apply sa Tahan, kaya po siguro naisip ako ni Quinn Carrillo dito po sa project na ito.

"Fifteen years old pa lang po ako, e, nag-work na po ako, sumali na po ako sa pageant, ganun po, modeling.

"Puwede ko po yung i-apply sa karakter ko dito. Kasi, eleven years old naman nag-work si Elisse."

Humarap si Cloe sa open forum sa story conference ng Tahan noong Abril 4, 2022, Martes ng hapon, sa Music Box, Timog Ave., Quezon City.

Nilinaw rin ni Cloe na hindi niya naranasang may nagtangka na ibenta noon ang kanyang katawang lupa. Karakter din lang iyong pagiging "hayok sa laman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglarawan ni Cloe sa kanyang role bilang Elisse, "Naisip ko po, yung karakter na ito, kulang kasi siya sa pagmamahal. Kasi, prosti siya. Ang nasa isip niya, 'Binabayaran lang ako nito. Hindi ako mahal nito.' Ganun lang.

"Parang naghahanap siya. Sino ba ang tunay na magmamahal sa kanya? Ganun po."

Sa totoong buhay ba, naramdaman niya na kulang siya sa pagmamahal?

"Sa ngayon po, hindi. Hindi naman," napangiting sambit ni Cloe.

Ano ang maipapayo niya sa mga babaeng hayok sa lalaki?

Natatawang sagot ni Cloe, "Isa-isa lang! Hi! Hi! Hi! Hi! Kawawa naman… kawawa naman yung tao. Masakit masaktan."

Samantala, nag-viral ang mga huling eksena ni Cloe sa Silab, kung saan pinatay niya ang karakter ni Marco Gomez.

Pinutulan ito at kapagkuwan ay nginuya-nguya ang kapirasong laman habang tulala siyang naglalakad sa dalampasigan.

Ano ang naramdaman niya noon?

"Sobrang saya ko po! Opo, sobrang saya ko po, kasi, parang na-appreciate po nila yung acting na ginawa ko," pahayag ni Cloe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And parang lalong lumakas yung loob ko na mag-focus ako sa pag-arte."

Sa photo shoot pa lang para sa kanyang bagong movie, makikitang mas palaban siya dito. Nag-pose siya nang walang saplot sa mga larawang kuha ni Richard Avedon.

Paano niya lalampasan ang kapangahasan niya sa Silab?

"Secret! Abangan!"

ON LANDING HER SECOND LEAD ROLE IN A MOVIE

Mahalaga kay Cloe ang mabigyan muli ng oportunidad na bumida sa pyschological thriller film na Tahan.

July 2021 lamang nang ipalabas sa streaming site ang launching movie niya na Silab.

Pero pagkatapos daw noon ay dumaan siya sa depression, at inakalang hindi na siya makakabalik sa showbiz.

Si Janilyn "Len" Carrillo ng 3:16 Media Network ang manager ni Cloe at siya ring nag-produce ng launching film ni Cloe na Silab.

Ang Silab ay idinirek ni Joel Lamangan, at leading men dito ni Cloe sina Jason Abalos at Marco Gomez.

Kaya hindi napigilang mapaluha ni Cloe sa storycon ng Tahan dahil sa muli raw pagtitiwala sa kanya ng 3:16 Media Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Sexy star Cloe Barreto reveals bout with depression: "Feeling ko hindi na ako makakabalik ng showbiz."

CLOE'S CO-STARS IN TAHAN

Pinasalamatan din ni Cloe si Quinn Carrillo, scriptwriter at cast member ng Tahan.

Si Quinn ay anak ng manager-producer na si Janilyn, at kagrupo rin ni Cloe sa all-female group na Belladonas.

Si Janilyn ng 3:16 Media Network at John Brian Diamante ang co-producers ng Tahan.

Katambal ni Cloe sa proyekto si JC Santos, at gaganap na nanay niya ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

"First time ko silang nakatrabaho, pero hindi po ako namimili ng katrabaho. Kasi, minsan din akong naging baguhan," pakli ni Jaclyn na humarap sa press via Zoom.

Halos ganoon din ang sinabi ni JC na nasa Zoom din.

Ani JC, "I like working with new actors, kasi madami rin po silang ibibigay na bago po, e. Updated version lang sila. May matutunan tayo na bago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Tahan sina Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon.

Ang direktor ay si Bobby Bonifacio Jr.

HOT STORIES

READ: Jaclyn Jose, nilinaw na hindi siya namimili ng katrabahong baguhang artista

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie star Cloe Barreto on how she will internalize her role in Tahan: "Naisip ko po, yung karakter na ito, kulang kasi siya sa pagmamahal. Kasi, prosti siya. Ang nasa isip niya, 'Binabayaran lang ako nito. Hindi ako mahal nito.' Ganun lang."
PHOTO/S: Jerry Olea / JC Santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results