Krista Miller agrees to do frontal nudity in comeback film: "Lumalaban pa."

by Jerry Olea
Apr 7, 2022
krista miller
Krista Miller: “At ang mahalaga, lumalaban pa! At saka yun din ang naging ano ko, kasi dati, yung mga movies ko, mga sexy-sexy lang. And then sabi ko ngayon, ang dami nang naglalabasan na mga young actress sa Vivamax na ang gagaling talaga nila. Hindi naman ako na-threaten sa kanila. Na-challenge po ako. Sabi ko, ‘Siguro, kaya ko pa naman siguro.’"
PHOTO/S: Jerry Olea

Lubhang mapangahas si Krista Miller sa BL movie na Bingwit, maging ang mga baguhang co-stars niyang sina Drei Arias at Conan King.

“Opo! Sobra! As in po!” nakangiting bulalas ni Krista nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa AQ Prime office nitong Abril 6, 2022, Miyerkules ng hapon, sa Roces Avenue, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Talagang intense lahat ng scene. BL movie po siya pero umiikot po ako sa lahat ng kalalakihan. Ha! Ha! Ha!”

Ang Bingwit ay idinirek ni Neal “Buboy” Tan para sa A&Q Films, na nagprodyus ng Metro Manila Film Festival 2021 official entry na Nelia.

Ayon sa isang insider, nadarang ang first timer na si Conan sa intimate scene with Krista. Naramdaman ba ni Krista ang pinigil-pigil na ngitngit ng private part ni Conan?

“Napigilan na po ba niya sa lagay na yun?” pilyang hirit ng sexy actress.

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman po. Friends naman po kami ni Conan. So, kahit papaano… Although friends kami, pero first time naming mag-meet sa shoot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa sanay si Conan kaya nadarang ito sa maselang eksena. Napa-flatter ba siya sa ganun, o feeling niya ay nababastos siya?

“Well, actually, sa mga ganyang eksena po, mas gusto ko na… na naa-arouse yung lalaki,” pagtatapat ni Krista.

“Kasi, parang dun po talaga napu-prove na effective. Pero sa scene lang!”

krista miller conan king

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Krista Miller and Conan King

Ano ang assessment niya sa mga baguhang sina Conan at Drei?

Malayo, malayo yung mararating nila. Especially si Drei, sobrang galing ni Drei. Sobrang nandun yung puri ko sa kanya when it comes to acting,” pahayag ni Krista.

“And then sa mga scenes namin right after na sinabi ni Direk na, ‘Cut!’ — andiyan talaga sila, tatakpan nila ako.

“Tutulungan nila akong ibihis ko uli yung mga damit ko. Mga ganun.”

BALIK-BIDA, BALIK-DARING

Puring-puri noon ng namayapang direktor na si Gil Portes si Krista nang idirek ito sa pelikulang Hukluban: Gabi Kung Sumikat Ang Araw 2 (2014). Palaban si Krista sa mga eksena nila roon ng leading man niyang si Kiko Matos.

Naaresto kapagkuwan si Krista at dalawang modelo noong Setyembre 2016 sa isang buy-bust operation sa Quezon City. Nakulong siya nang isang taon at walong buwan sa Valenzuela City Jail, bago napawalang-sala ng korte noong Mayo 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Starlet Krista Miller arrested in buy-bust operation in Quezon City

Ngayong balik-bida si Krista sa Bingwit, level-up ang kanyang kapusukan.

Ani Krista, “Actually, ngayon lang po talaga ako nag-frontal, na nagpakita. Kasi dati po, sa mga films ko before, even yung kay Direk Gil Portes na Hukluban… as in daya.

“Hindi ako nag-frontal. Although nagtanggal ako ng bra doon, pero daya lahat.

“Sobrang karangalan po para sa akin na maidirek ako ni Direk Gil Portes.

“And then, yung ipinagkaiba po ng Hukluban sa Bingwit, yun nga po, na doon may mga daya-daya siya although makatotohanan ang mga love scene po.

“Dito kasi, parang… akala mo talaga, ginagawa talaga namin. Kasi yun nga, nag-frontal ako, and then nag-plaster na lang ako sa ibang mga eksena.”

Kumustang katrabaho si Direk Buboy? Paano siya nahikayat na ilantad nang lubos ang kanyang katawang lupa?

“Ano po kasi, bago po ako sumabak sa film, nung nakita ko na Direk Neal ‘Buboy’ Tan, sabi ko, ‘Wait lang, parang kinakabahan ako,” salaysay ni Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ang last na batikang direktor na nakasama ko ay si Direk Gil Portes. Tapos eto, kumbaga ito yung comeback ko na lead role.

“Tapos eto pa nga, intense yung mga love scene. Sabi ko, ‘Wait lang, kakayanin ko ba?’ Kasi, comeback ko ito kung tutuusin, e.

“Pagdating naman sa set, sobrang ang cool ni Direk. Ang gaan niyang katrabaho. And nakikita mo yung professionalism ni Direk dun sa set.”

"LUMALABAN PA!"

Walang love life ngayon si Krista, kaya hindi niya kinailangang ipagpaalam kung kanino man ang pagpo-frontal.

“Ang focus ko lang talaga ay sa career ko,” pakli ni Krista.

“At ang mahalaga, lumalaban pa! At saka yun din ang naging ano ko, kasi dati, yung mga movies ko, mga sexy-sexy lang.

“And then sabi ko ngayon, ang dami nang naglalabasan na mga young actress sa Vivamax na ang gagaling talaga nila.

“Hindi naman ako na-threaten sa kanila. Na-challenge po ako. Sabi ko, ‘Siguro, kaya ko pa naman siguro.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And yun nga, na-prove ko na, ‘Ay! Kaya ko pa pala! At mas kaya ko pang higitan yung mga nagagawa ko before!

“Kaya ko pa! Sobrang layo, as in layo talaga.”

Nakikipag-compete ba siya sa mga baguhang sexy stars? O pakiwari niya ay nakalalamang siya sa mga ito dahil pinuri-puri siya ni Direk Gil Portes?

“Hindi naman po siguro. Ang yabang ko naman pag sinabi kong mas lamang,” pagmamatuwid ni Krista.

“Ang kaya ko lang patunayan ay kaya kong tumapat. Kaya ko silang tapatan.”

Marami at malalim ang pinaghuhugutan ni Krista upang mapatunayang makakabangon siya pagkatapos ng mga pagsubok na nalampasan niya.

“Opo. Yung hugot ko nga po ay yung parang… gusto kong i-prove sa mga media, sa mga tao, na kaya ko pa,” paghugot ni Krista ng malalim na buntong-hininga.

“Lumalaban pa. Ang mahalaga, ano… fresh pa! Di ba?!”

May dalawa pang pelikula na nakatakdang gawin si Krista para sa A&Q Films, ang Upuan at Amazona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Miller: “At ang mahalaga, lumalaban pa! At saka yun din ang naging ano ko, kasi dati, yung mga movies ko, mga sexy-sexy lang. And then sabi ko ngayon, ang dami nang naglalabasan na mga young actress sa Vivamax na ang gagaling talaga nila. Hindi naman ako na-threaten sa kanila. Na-challenge po ako. Sabi ko, ‘Siguro, kaya ko pa naman siguro.’"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results