Director Maryo J. delos Reyes to be feted with Lifetime Achievement Award in 31st PMPC Star Awards for Movies

Director Maryo J. delos Reyes enjoys the best of both worlds. He finds meaning in directing creatively-crafted and relevant indie films, and at the same enjoys the freedom of directing TV dramas. At the same time, he continues to manage his stable of budding actors.



Muling nakausap nang pormal ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batikang direktor na si Maryo J. delos Reyes sa kanyang opisina sa West Mansion, Quezon City noong Thursday, March 6, 2015.

Ang interview ay ugnay sa tatanggaping parangal ni Direk Maryo J. ngayong Linggo, March 8, sa 31st PMPC Star Awards for Movies, bilang Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Mayaman ang naitalang kontribusyon ni Maryo delos Reyes sa industriya ng pelikula sa loob ng mahigit tatlumpung taon, o humigit-kumulang sa apat na dekada.

Ironically, wala siyang bagong pelikulang ginawa nitong mahigit isang taon nang nakakalipas.

Ang huling pelikula ni Maryo J. bilang direktor ay ang Bamboo Flowers na isa sa mga entry sa Sineng Pambansa Independent Film Festival, ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong 2013.

Bakit natatagalan ang follow-up project niya sa pelikula, kahit nakakagawa naman siya ng digital indie films?

“Kung meron akong material na maganda, wala namang producer na gagawa,” simpleng rason ni Maryo J. sa simula ng panayam.

“Kasi ang gusto nilang lahat, maipalabas sa SM [Cinemas]. E, ang SM, hindi ka nila tatanggapin pagka Restricted [rated R] ang pelikula.

“Gusto kasi ng SM [management], ma-maintain yung policy na pag R-18 ang rating [strictly for adults only], hindi puwede sa SM.”

Sa mga veteran filmmakers, isa rin si Maryo J. delos Reyes sa hindi pa nagkaroon ng pelikulang nag-compete sa Cinemalaya Independent Film Festival at iba pang katulad na indie filmfest.

OPTION. Next year, sa 2016 edition ng Cinemalaya, balak na bang sumali ni Direk Maryo J?

“Cinemalaya... hindi ka naman kumikita ro'n e,” matapat niyang sambit.

“Bibigyan ka nila ng P500,000 [pesos, as seed grant; for the last 10 years], o 1 million, whatever... o kung P750,000 [pesos] na this time... ano'ng magagawa ko sa P750,000?”

Ayon kay Direk Maryo J., mas mataas ang ibinigay ng FDCP para sa Sineng Pambansa entries, kunsaan nakabilang ang kanyang Bamboo Flowers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

P1.5 million daw ang seed grant noon, at naghanap ng co-investor si Direk Maryo J.

“Three million [pesos] ang budget sa Bamboo Flowers, naghanap ako ng co-producer.

“I mean, ba't pa hahanap [ng co-investor]? 'Tapos, ipapa-approve ko pa sa kanila.”

Gayunman, hindi isinasara ni Maryo J. ang option niya sa pagsali, kung sakali, sa Cinemalaya o sa alinmang indie film festival.

“'Pag meron sigurong writer na mag-o-offer sa akin, na siya yung proponent.

“Actually, meron sana, si Senedy Que, kaya lang hindi naman niya natapos yung script.

“Okay lang sa akin [ang indie film fests], kaya lang ayoko yung ako ang maghahanap ng producer, kasi added work. Added sacrifice yun e,” sabi pa ni Direk Maryo J.

“Or, unless gustung-gusto ko yung material, katulang ng Bamboo Flowers.”

BUSY WITH TV DRAMAS. Hindi naman nababakante si Direk Maryo sa mga proyektong pan-telebisyon.

Last year, naging abala si Maryo J. sa magkasunod na top-rating drama series na ginawa niya sa GMA tulad ng Niño kunsaan nagbida ang kanyang young actor-discovery na si Miguel Tanfelix at ang Magkano Ba Ang Pag-Ibig? na pinagbidahan naman nina Heart Evangelista, Sid Lucero, Alessandra de Rossi at Dominic Roco.

After his last tele-drama project ay sinimulan agad niya sa Kapuso network ang bagong isasahimpapawid na Pari Koy, kung saan bida si Dingdong Dantes.

PEP asked Maryo J. kung anong klaseng priest ang gagampanan sa serye ni Dingdong.

“Out of the box. Non-traditional, medyo liberal,” saad ni Direk Maryo.

Magkakaroon ba ng love interest si Dingdong bilang Father Kokoy, o may love angle ba sa istoryang mapapanood?

“Siguro. Sabihin nating meron siyang 'past' before he became a priest.

“Hindi siya yung very conservative na pari,” revealed Maryo J.

Kung sino man ang magiging love interest ni Dingdong bilang isang pari, pahayag ni Direk Maryo, “May kuwento, pero let's just leave it to GMA, kung sinong mga talents nila ang available.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan ba ni Direk Maryo J. na magkakaroon din ng kakaibang ingay (o kontrobersiya) ang Pari Koy, tulad ng My Husband's Lover noon?

“Baka,” pasubali niya.

“Or, if ever, it must be, siguro it will have it's 'ingay' on a positive level, dahil heartwarming siya without trying.”

Yun daw ang posibleng maging “trademark” ng Pari Koy—hindi thematically serious, but the characters and situations are truthful.

“Oo, the issues are true and recent,” pagsang-ayon pa ni Direk Maryo J.

FULL TIME. Samantala, habang wala pang bagong movie project na pagbubuhusan ng kanyang atensiyon ay nag-e-enjoy naman daw si Maryo J. sa almost full-time niyang propesyon, bilang TV drama director.

Meaning, hindi apektado si Maryo J. delos Reyes ng sinasabing “kalakaran” sa TV network industry, na nangingibabaw ang nais at mga desisyon ng network bosses over artists who work for the company.

Katwiran ni Maryo J, “Ako naman, inu-offer naman nila sa akin yung magagandang material.

“Hindi nila iu-offer sa akin yung hindi ko gusto. May choice ako [sa material].”

At para sa isang maituturing na artist, may fulfillment ang ganitong work situation.

Kaya happy si Maryo J. sa kasalukuyang takbo ng kanyang propesyon.

“Mula sa Munting Heredera (2013), 'tapos Magkano Ba Ang Pag-Ibig? (2014)... ako ang nag-pitch, e.

“Then, Niño... ngayon, yung Pari Koy, in-offer nila [lahat] yun.

“Puwede naman akong tumanggi. Sasabihin ko, 'Ilipat mo na lang ako...' o kaya, 'That's not for me...'. Puwede kong sabihin yon; masasabi ko yon.

“Walang pressure. Kasi, matanda na naman ako for that.

“Siguro, it's a choice or privilege I'm enjoying, Maryo said.

Sa kabilang network, sa ABS-CBN, ay nagkaroon na rin ng pagkakataon si Maryo J. na makapag-direct ng ilang teleseryes.

“Yung Mga Anghel Na Walang Langit, Calla Lily... they need me for children stories,” dagdag niya.

JIRO MANIO. Nabanggit ang tungkol sa mga kuwentong bata, at agad naisip ng PEP ang tungkol kay Jiro Manio, na idinirek ni Maryo J. as a child actor sa pelikulang Magnifico (2003), na isa sa pinaka-matagumpay na indie film na idinirehe niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na si Jiro? Ang huling tala ng PEP tungkol sa dating young actor ay noong May 2012, nang magdiwang ng kanyang kaarawan si Jiro sa Studio 56 Resort ni Maryo J. sa Pansol, Laguna.

That time ay mina-manage pa ni Maryo J. si Jiro at inaasahang magka-comeback sa showbiz, matapos ma-rehab dahil sa addiction.

For a time ay nabalita ang pagbabalik-aktibo niya, pero hindi nagtagal.

Ayon kay Direk Maryo J na hindi na siyang manager ng aktor, “I don't have any idea kung nasaan na siya.

“E, kasi, parang hirap na rin siyang mag-adjust ngayon.

“Pagkatapos nung rehab [program], parang hirap na din siyang mag-adjust. I don't know.

“Nung nag-expire ang contract niya dito, we gave him up also,” banggit pa ni Direk, referring to his Studio 56 talent agency, na maraming contract artists.

“Kumbaga, we don't want to play 'yaya'. Hindi naman kami psychiatric institution, e. This is more of a casting agency.”

RURU, MIGUEL AND MIGGS. Sa isang banda, aktibo ang Studio 56 sa pagdi-discover at pagbi-build up ng mga young talents na ngayon ay mga kilala na rin, tulad nina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix na nasa pamamahala rin ng GMA Artists Center.

Masaya si Direk Maryo J. sa naging pagsikat at pagpapatuloy sa career ng mga nabanggit na talents.

“Ang sarap [nilang i-manage]... ang ganda! Walang ka-proble-problema. At ang gagaling pa!”

Obserbasyon din ng taga-industriya, nagpapatuloy si Maryo J. delos Reyes sa pagpapasikat ng young male talents, na tulad ng naging pagpapasikat niya kay Aga Muhlach, mula nang magbida sa Bagets (1984) at Joey Boy Munti (1987) na idinirek niya.

“Ultimo nga si Miggs Cuaderno, 'di ba?” natutuwang pahayag pa ni Maryo J. tungkol sa award-winning child actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN