Tonton Gutierrez recalls how he got reprimanded by director in first movie with Sharon Cuneta

by Rachelle Siazon
Apr 19, 2022
Tonton Gutierrez
Tonton Gutierrez on being a showbiz newbie back in the '80s: "Unang ka-pair ko nun, I was teamed up with Sharon. Yung roles that I did after that was with big stars. I was practically very new in the business. It's mostly dun sa directors, dun ako lagi napapagalitan nun."
PHOTO/S: @glydelmercado Instagram / Screengrab from Sana'y Wala Nang Wakas

Hindi pa rin nalilimutan ni Tonton Gutierrez, 54, ang unang sabak niya sa pelikulang Sana'y Wala Nang Wakas kunsaan katambal niya si Sharon Cuneta, 56, noong 1986.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napagalitan siya ng direktor na si Leroy Salvador dahil nangangapa pa siya bilang baguhang artista.

"That was my very first film. Meron kaming eksena na di ko magawa.

"Sabi niya, 'Isipin mo lang yung sitwasyon. Ito dialogue mo, ganyan, ganyan, ganyan. Iyan ang kailangan lagi mo intindihin at ilagay sa utak mo.

"'Na kapag meron kang sinasabing linya, kailangang manggaling sa loob mo. Hindi lang basta na lang yung dialogue binibitaw mo na ganun, na memorized mo lang at sinabi mo lang.

"'Kailangan mangyari, manggaling sa loob mo para maramdaman mo, para maramdaman ng kaeksena mo yung pinaparating mo.'

"Yun yung talagang tumatak sa isip ko."

Tonton Gutierrez

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph si Tonton sa virtual mediacon ng Kapuso prime-time series na False Positive, na magsisimulang umere sa May 2.

NOT AIMING TO BE A GOOD ACTOR AT FIRST

Aminado si Tonton na marami pang pagkakataong napagalitan siya noong hindi pa niya gamay ang pag-arte.

"Unang ka-pair ko nun, I was teamed up with Sharon. Yung roles that I did after that was with big stars.

"I was practically very new in the business. It's mostly dun sa directors. Dun ako lagi napapagalitan nun. Siyempre I was new."

Ang mga magulang ni Tonton ay sina Eddie Gutierrez at Liza Lorena na parehong beteranong artista.

Pero lahad ni Tonton, "Sanay ako sa showbiz dahil nanay ko at tatay ko nasa showbiz. But yung patakaran ba ng showbiz [hindi ko alam].

"Because I wasn't really aiming to become an actor during that time. I was more into commercials, modelling... And then, nasabak nga ako sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Sa industry, nung baguhan ako, talagang napapagalitan ako ng director.

"Hindi ko talaga siya masisisi. I just had to learn from them from what they were teaching me and learn from that experience."

Tonton Gutierrez, Sharon Cuneta

ON WINNING HIS FIRST ACTING AWARD

Hindi raw talaga akalain ni Tonton na mapapamahal sa kanya ang pag-arte, at patuloy niyang gagawin ito kahit 36 taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Aniya, "Actually, iniisip ko sa buhay ko, it was destiny. Talagang from the very beginning, wala akong kaalam-alam sa acting.

"Nasabi ko lang yun na puwede pala akong maging artista talaga when I won my first award as best actor—Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?"

Ipinalabas ang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? noong 1987, at katambal niya roon ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

May mental condition si Tonton sa kuwento ng pelikula, at ginamit siya ng kapatid para sapilitang pakasalan ang nabuntis nitong nobya.

Nanalo si Tonton bilang Best Actor sa Star Awards para sa role niya rito.

Tonton Gutierrez, Vilma Santos

Continue reading below ↓

Patuloy ni Tonton, "Dun ko lang na-appreciate, dun ko lang nasabi sa sarili ko na there's something in me na, kumbaga, puwede pala akong maging artista, meron din pala akong ability to act.

"From then on, dun ko na natutunan mahalin, dun ko na talaga pinagbubuti yung aking craft."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tonton Gutierrez on being a showbiz newbie back in the '80s: "Unang ka-pair ko nun, I was teamed up with Sharon. Yung roles that I did after that was with big stars. I was practically very new in the business. It's mostly dun sa directors, dun ako lagi napapagalitan nun."
PHOTO/S: @glydelmercado Instagram / Screengrab from Sana'y Wala Nang Wakas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results