Bela Padilla prepares for her second movie as writer-director; wants to direct Kim Chiu

by Jerry Olea
Apr 23, 2022
bela padilla 366 premiere
Bela Padilla on wearing the hats of director, writer, and actress in her directorial movie debut, 366: “Parang na-realize ko, kaya naman pala. But sana din, magkaroon ako in the future na hindi ako involved dun sa project acting-wise. Like, gusto kong mag-try na directing lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Si Bela Padilla mismo ang bumuo ng istorya at script, at nagdirek ng pelikulang 366 na siya ang bidang babae, with Zanjoe Marudo and JC Santos as her leading men.

Masusundan ba ang directorial debut niyang ito?

“Actually, may pinapagawa na po yung Viva na next film,” sabi ni Bela nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Abril 20, 2022, Miyerkules, sa Botejyu restaurant ng Vertis North, Quezon City.

“Ganito ulit. Parang pinapasulat, tapos ako rin ang magdidirek. Triple ulit.”

Heavy drama pa rin, or ita-try niya ang something lighter?

“The next film will be a little different — family-centered. Hindi siya love story,” saad ni Direk Bela.

“Sana, matapos ko na yung script. Kasi, nasa pagsusulat pa lang po ako.”

So, kayang-kaya niyang magmulti-task sa paggawa ng pelikula?!

“Parang na-realize ko, kaya naman pala. But sana din, magkaroon ako in the future na hindi ako involved dun sa project acting-wise.

Continue reading below ↓

“Like, gusto kong mag-try na directing lang.”

Sino pa yung artista na gusto niyang idirek, o gawan ng project?

“Parang gusto kong makatrabaho si Kim [Chiu] as an actress, na ididirek ko siya,” tugon ni Bela.

“I find Kim to be a very great actress. I would like to work with her in the future.”

TRIPLE THREAT

Alin ang pinaka na-enjoy niya — magsulat, magdirek, umakting or any combination ng mga iyon?

“I think acting pa rin ang favorite ko talaga. But dito, nag-e-enjoy ako na nagdidirek,” pag-amin ni Bela.

“Kasi, siguro dahil nasuwertihan ako na ang sarap katrabaho ng mga kasama ko sa production. Lahat ng katrabaho ko rito, mga bagets na magagaling.”

Nahirapan ba siyang idirek sina Zanjoe at JC, lalo pa’t umaakting din siya at the same time?

“Sobrang dali pong idirek si Z, pati si JC. Magaling, magaling po!” bulalas ni Bela.

“And I think Zanjoe was challenged. Kasi, very different character from the character he’s done. So I guess, na-excite siya…

Continue reading below ↓

“I guess, the beauty of 366, yun pong project was talagang in-explain namin lahat ng mga eksena.

“Gusto ko yung pagdating niya sa set, naiintindihan niya, bakit namin ginagawa yung scene na yun.

“And so far, wala siyang tanong. Ang bilis niyang pumik-ap.”

Read: Bela Padilla thanks Zanjoe Marudo, JC Santos for taking part in her directorial debut

zanjoe bela jc 366

Continue reading below ↓

TANDEM WITH JC SANTOS

Nakatambal ni Bela si JC sa mga pelikulang 100 Tula Para Kay Stella (2017), The Day After Valentine’s (2018), at On Vodka, Beers and Regrets (2020).

Sa 366, si Zanjoe talaga ang leading man ni Bela. Suporta lang si JC sa kanilang tandem. Buti, pumayag si JC…

“Opo, ambait naman po talaga ni JC. Maasahan.”

Buo ang tiwala sa kanya ni JC bilang direktor ng 366.

“Thankfully. We’re good friends din kasi in real life. Like, yung anak niya, inaanak ko,” pagngiti ni Bela.

“Parang kahit hindi sa work, we meet up sometimes. When I used to live here, he used to visit me at home.

“Parang I know JC as a person, not just as an actor. So, kung the roles are reversed at siya yung direktor, I would also trust him fully.”

Naka-based na ngayon sa London si Bela.

NOT RELATED TO 365 DAYS

2018 pa na-conceptualize ni Bela ang istorya ng 366. Nag-shoot sila nung lumalaganap na ang pandemic.

Continue reading below ↓

Hindi ito “sagot” sa 2020 erotic thriller na 365 Days, kung saan pinaibig ng isang lalaki ang isang babae sa loob ng 365 araw.

“Hindi po. Ang layo po. Actually, tapos na naming i-shoot ito bago lumabas yung 365 Days sa Netflix,” paglilinaw ni Bela.

“Kaya nung lumabas siya, nagulat ako. Sabi ko, ‘Ang layo! Ang layo ng genre!’”

Ang leap year ay may 366 araw. Sabi sa pelikula ni Bela, pwedeng mag-propose ang babae sa lalaki na magpakasal kung leap year.

“Sa Ireland, may practice na ang babae, pwedeng mag-propose sa leap year. Dun siya nakuha,” sambit ni Bela.

Meron bang Marco (karakter ni Zanjoe sa movie) sa kanyang buhay? Ibinase ba si Marco sa real life?

Napabungisngis si Bela, “Oo nga, e. Ang daming nagtatanong sa Twitter na saan ba mahahanap si Marco sa totoong buhay?

“Si June [karakter ni Bela], lagi na nating nami-meet at nae-experience. Si Marco ay yet to be found! Hi! Hi! Hi! Hi!

Continue reading below ↓

“Hindi po siya based on a person I know. Pero ayun, I guess, ideal person to be with, I guess for me si Marco.”

Rebound si Marco sa puso ni June?

“In a way, opo, in a sense. Pero I don’t think of that as a bad thing… Kanya-kanya talaga tayo ng process ng pag-move on.

“So, minsan kung kailangan mong kumapit sa isang tao, or yung iba naman, ayaw makipag-usap at all.

“Parang I guess kung ano yung nagwo-work para sa ‘yo, dapat sundin.”

BELA, THE SCRIPTWRITER AND DIRECTOR

Kapansin-pansin sa opening credits ng 366 na “Bela” lang ang nakalagay na pangalan ng scriptwriter at direktor.

“Ahhm, parang hindi naman siya sobrang conscious decision but in a sense kasi, I wanted sana to detach myself as an actress,” paliwanag ni Bela.

“Actually, the first script I ever wrote in I think 2013, ang ginamit ko was Krista Sullivan, yung pangalan ko sa credits.

Continue reading below ↓

“So, initially I wanted like to detach persona for anything aside from acting. Tapos yun po.

“Nagtanong ako kung OK lang ba na Bela ang gamitin ko for this. Yun po.”

Bakit napili niyang location ang bansang Turkey para sa ilang eksena ng 366? Meron bang significance yun?

“Honestly, Turkey lang po yung bukas nung pandemic,” sagot ni Bela.

Streaming na ang 366 umpisa Abril 15, Biyernes Santo, sa Vivamax.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on wearing the hats of director, writer, and actress in her directorial movie debut, 366: “Parang na-realize ko, kaya naman pala. But sana din, magkaroon ako in the future na hindi ako involved dun sa project acting-wise. Like, gusto kong mag-try na directing lang.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results