Is Teejay Marquez open to do frontal nudity and butt exposure?

by Jerry Olea
Apr 26, 2022
Teejay Marquez
Teejay Marquez on possible frontal nudity in next daring project: "Binibiro ko nga po sila! 'Sige po, kaya ‘yan! Pero sila na ang nagsasabi, ‘Bagay ba? Pabait na ang image mo, e!’ Sabi ko naman po, nagwo-workout na nga po ako sa bahay. Pag wala akong taping, nagwo-work out talaga ako."
PHOTO/S: @teejaymarquez Instagram

Ayon kay Teejay Marquez, ikinakasa na ang pagpapalabas ng pelikulang G! LU (Go! La Union) kung saan co-stars niya sina Ruru Madrid, Kiko Estrada, Derrick Monasterio, David Licauco, at Enzo Pineda.

Read: Teejay Marquez, hindi si Jerome Ponce ang unang nakahalikang aktor sa screen

May love scene ba siya roon sa kapwa lalaki?

"Hindi naman love scene. Medyo lang," sagot ni Teejay.

"Pero ako naman po, kumbaga sa tagal ko na ring nag-aartista, whether mapa-babae or mapa-lalaki, kung kailangan sa eksena, as long as hindi para lang makapaghubad, gagawin ko naman po.

"Hindi na ako yung ang daming iniisip or restrictions."

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay noong Abril 6, 2022, sa office ng AQ Prime, Roces Avenue, Quezon City.

Maraming artistang lalaki, payag sa frontal. Sa mga proyekto ng Director’s Cut By AQ, umaatikabo ang mga harutan at hubaran.

Natawa si Teejay, "Binibiro ko nga po sila! 'Sige po, kaya ‘yan! Pero sila na ang nagsasabi, ‘Bagay ba? Pabait na ang image mo, e!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko naman po, nagwo-workout na nga po ako sa bahay. Pag wala akong taping, nagwo-workout talaga ako."

Payag siyang mag-frontal?

"Kung maganda po ang story, why not? Why not lang? Butt exposure, wala naman akong problema. Yung frontal, siguro talagang magandang istorya," nakangiting sambit ni Teejay.

Nagbuyangyang na ba siya ng wetpaks?

"Dapat dun sa Huling Baklang Birhen, pero hindi ko alam kung nakita, e," pagkibit-balikat ni Teejay.

Teejay Marquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

WORKING WITH SEAN DE GUZMAN

Nagkuwento rin si Teejay tungkol sa co-star niya sa Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa! na si Sean de Guzman.

Nag-shoutout pa noon si Sean sa socmed na kesyo nadonselya ng Anak ng Macho Dancer ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa!

"Sobrang okay naman. Kasi si Sean, alam naman natin, isa 'yan sa mga aktor na talagang mabilis magtrabaho saka palaban," sabi ni Teejay.

"Kung ano ang sasabihin sa kanya, gagawin niya. So, nakakatuwa na ang kaeksena mo, lahat gusto yung ginagawa.

"Kaya kahit anong sabihin ni Direk Joel [Lamangan], mabilis lang naming gawin. Dahil willing ako, willing siya.

"Pag sinabi ni Direk Joel na, ‘Gawin niyo ‘to,’ gagawin namin. So, mabilis ang trabaho."

OK lang kay Teejay kung hindi man agad naipapalabas ang natapos niyang movie. Nagtitiwala siya sa diskarte ng producer.

"Kapag naghihintay, siyempre nagtatanong kami, kailan lalabas?" pag-amin ni Teejay.

"Pero pag nalalaman naman namin ang reason, halimbawa gusto nilang ipasok sa filmfest, nare-realize namin, baka mas magandang hintayin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto nilang ilaban. Gusto nila, mas maganda na lalabas yung pelikula."

Teejay Marquez, Sean de Guzman

TEEJAY'S DEFERRED BL PROJECT IN THAILAND

Naudlot ang BL (boys’ love) series na gagawin sana ni Teejay Marquez sa Thailand dahil sa COVID-19 pandemic.

"Actually, may offer pa rin. Ang nangyari po, nag-pandemic hanggang sa ang hirap lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang hirap lumabas kasi may quarantine, may ganito. E, sayang.

"Parang sabi naman namin, kung talagang nandiyan yung BL sa Thailand, babalik at babalikan ka nila once naging okay na. Ang tagal, e! Ang tagal po!"

May intimate scenes ba siyang gagawin sa BL series?

"Sa Thailand? Wala pa po, pero parang wala naman pong intimate scenes dun," pagbuntong-hininga ni Teejay.

"Ako naman po, kahit hindi po BL, kung may kailangan na konting skin or sexy, OK lang."

BEN x JIM

Parang blessing in disguise kay Teejay ang tandem nila ni Jerome Ponce sa Pinoy BL series na Ben x Jim, sa direksiyon ni Easy Ferrer.

"Actually, siyempre po, nandito na sa harapan ko ang Ben x Jim. Saka after four years ko as a Regal baby, ito po ang first offer nila sa akin," saad ni Teejay.

"Sabi ko, sayang din po ito, yung opportunity na ito kesa sa nasa bahay lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagumpay ang Season 1 ng Ben x Jim na nag-streaming nang libre sa YouTube. Yung Season 2 ay sa Upstream nag-streaming.

Kapagkuwan ay napunta ang Ben x Jim sa Netflix.

"Unexpected po talaga. Dati naman kasi, hindi pa ako nabibigyan masyado ng project," nakangiting sambit ni Teejay.

"After lang gumawa ako nitong pandemic ng BL na yun, parang doon lang nagtuluy-tuloy ang mga offer sa akin.

"Ipinagpapasalamat ko naman talaga sa Regal, saka sa BL na ginawa ko. Nanganak na po nang nanganak.

"Hanggang sa A&Q, nakapasok na ako. May mga pelikula. Sobrang thankful po ako talaga."

Teejay Marquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER PROJECTS

Naging abala si Teejay sa paggawa ng mga pelikula gaya ng Takas na naipalabas na, at iyong Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa na tumitiyempo pa kung kailan at saan ipapalabas.

Sa ngayon ay abala pa si Teejay sa taping ng Mano Po Legacy: Her Big Boss na collab ng GMA-7 at Regal Entertainment.

Noong Semana Santa ay na-shoot ni Teejay for AQ Prime ang pelikulang Anatomiya, kung saan co-stars niya sina Shido Roxas, Yana Fuentes, Emmanuelle Vera, Apple Castro, Elijah Filamor, at Cataleya Surio.

Sa Mayo 15, 2022, nakatakdang umpisahan ni Teejay ang pelikulang My Caddie Girl katambal si Devon Seron, also for AQ Prime.

Happy si Teejay sa takbo ng kanyang career. Sa kaabalahan niya, napabayaan niya ang pagba-vlog sa YouTube.

"Sobrang happy, kasi konti lang yung nabibigyan ng trabaho ngayong pandemic,” sabi ni Teejay.

"Isa po ako talaga dun sa na-bless. Hindi lang po na-bless, nasobrahan pa talaga kahit papaano. Kasi, halos sunud-sunod po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sobrang ipinagpapasalamat ko talaga. Sobra! Sobra ang blessings.

"Babalik po ako sa pagba-vlog, siguro after Mano Po and shooting ng bago kong movie."

Pagkakaabalahan din ni Teejay ang promo ng kanyang exclusive line of skincare products, ang GoodSkin, na nag-soft launch noong Abril 8, 2022.

Ang GoodSkin ay inspired ng clamor ng kanyang fans na laging nangungulit sa kanyang skincare secret. Ang business venture na ito ay isa sa mga na-conceptualize niya nang lumaganap ang pandemya.

Ani Teejay, "During the quarantine, nag-start akong mag-research online for possible investors and business partners who shared my concept.

"Thankfully, may nahanap kami late last year. I think it’s also high time that I come up with something that I can call my own, and more importantly, something that can contribute to people’s wellness."

"Honestly, hindi ko talaga masyadong pinapansin before ang skincare, hanggang sa ma-realize ko na importante ito sa maraming tao. “So, the clamor of the fans, that’s what really spurred me to make the initiative."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez on possible frontal nudity in next daring project: "Binibiro ko nga po sila! 'Sige po, kaya ‘yan! Pero sila na ang nagsasabi, ‘Bagay ba? Pabait na ang image mo, e!’ Sabi ko naman po, nagwo-workout na nga po ako sa bahay. Pag wala akong taping, nagwo-work out talaga ako."
PHOTO/S: @teejaymarquez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results