Watch Now

Ayanna Misola more comfortable doing girl-to-girl intimate scenes

by Jerry Olea
Apr 30, 2022
Ayanna Misola
Ayanna Misola stars in the Girls' Love (GL) Vivamax movie, Putahe, along with Janelle Tee and Massimo Scofield. The movie streams on Vivamax on May 13.

Pinaghalo ng talent manager na si Jojo Veloso ang screen names ng mga dati niyang alaga na sina Aya Medel at Ana Capri para sa bago niyang alaga na si Ayanna Misola.

Ayanna Misola

“Yung Misola po, totoo kong surname. Parang ano nga siya, parang nanggaling sa tinola. Charot!” pagbibiro ni Ayanna nang makatsikahan namin nitong nakaraang Miyerkules, Abril 27, sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Cubao, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasam ng 20-anyos na si Ayanna na makilala sina Aya, Ana at iba pang mga dating alaga ni Mudrakel Jojo.

Isa si Ayanna sa Tatlong Alas ni Mudrakel Jojo sa Vivamax, ang dalawa pa ay sina AJ Raval at Angeli Khang.

“Wala akong napi-feel na rivalry sa aming tatlo kasi magkakaiba kami ng atake,” mabining sambit ni Ayanna.

Siya ba ang pinaka-conservative sa kanilang tatlo?

“Actually, lahat naman kami, conservative. Hahaha!” pagbungisngis ni Ayanna, na lumaki sa Sta. Rosa, Laguna.

AYANNA MORE COMFORTABLE WITH GIRL-TO-GIRL LOVE SCENES

Magpapakitang-gilas si Ayanna bilang Agatha sa Vivamax series na Iskandalo, kung saan tampok din sina AJ Raval, Cindy Miranda, Jay Manalo, Sean de Guzman at Massimo Scofield.

Mag-i-streaming sa Vivamax sa Mayo 13 ang GL (girls’ love) movie nila ni Janelle Tee na Putahe, kung saan nasa cast din sina Carlene Aguilar, Shirley Fuentes, Massimo Scofield, Mon Confiado at Ronnie Lazaro.

Ayanna Misola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maikukumpara ni Ayanna ang sarili sa putaheng adobong manok na maasim ang sarsa pero may toyo.

Ka-partner ni Ayanna sa Putahe sina Massimo at Janelle. Kanino siya mas nag-enjoy?

Ayanna Misola
Massimo Scofield

Ayanna Misola
Massimo Scofield

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tingin ko, mas nag-enjoy ako kay Ate Janelle! Hahahaha! Sorry na agad, Massimo!” napapangiting bulalas ni Ayanna.

“Kasi sobrang saya na nagawa namin yun dahil unang-una, magkakilala kami.

“Nung una, na-awkward kami sa isa’t isa pero pagkatapos, sobrang saya. Sobrang saya ng feeling na kaya ko palang gawin yung girl-to-girl na ganun kahaba.

“Mas naka-focus kasi yung story ng Putahe between the two girls.”

WAS MASSIMO WEARING PLASTER IN THEIR LOVE SCENE?

May malisya ba siya kay Massimo, o kapatid lang ba ang turing niya rito dahil pareho sila ng manager?

“Wala! Wala! Sobrang OK ka-partner ni Massimo,” mabilis na tugon ni Ayanna.

“Sobrang OK din siyang ka-love scene. Dahil pareho kami ng manager, alam ni Massimo yung limitations para sa ‘kin ni Tito Jo.

“Silang dalawa na yung nag-uusap tungkol dun.”

Bawal sa kanila ang talu-talo dahil nasa iisang kuwadra sila. Bawal madarang o ma-turn on si Massimo sa kanilang harutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabuntong-hininga si Ayanna, “Actually, pagkatapos nung love scene namin, tinanong ko yung wardrobe.

“Sabi ko, ‘Naka-plaster ba si Massimo?’ Kasi, parang may naaano ako. Hindi ko alam kung may plaster siya na natanggal lang, ganyan.”

Nire-require o nire-request ba niya na dapat naka-plaster ang lalaking ka-love scene niya?

“Hindi naman. Nagulat lang ako. Kasi first time ko na may ma-feel sa love scene,” pagtatapat ni Ayanna.

Ang iba pang aktor na naka-love scene na niya ay sina Vince Rillon, Rash Flores at Joko Diaz.

Dagdag ni Ayanna, “Nagulat ako pero siyempre, kailangan pa ring i-go. OK naman. One take lang naman, so OK lang.”

AYANNA RECALLS FUNNY INCIDENT WHILE DOING LOVE SCENE WITH AJ

Ang unang naka-G2G (girl-to-girl) ni Ayanna ay si Angela Morena sa pelikulang Kinsenas, Katapusan. Sumunod si AJ Raval sa 10-episode series na Iskandalo.

“Si Ate Janelle yung pinakamahaba, buong movie. Kina Angela at AJ, maikli lang, sandali lang,” pakli ni Ayanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pagkakaiba ng pakikipagharutan kina Angela, AJ at Janelle?

“Si AJ, kakilala ko na siya, matagal na. Nagulat din ako na may girl-to-girl kami sa Iskandalo,” pahayag ni Ayanna.

“Pero sobrang galing ni AJ! As in nadala ako sa kanya sa eksena. Nakalimutan ko na siya pala si AJ na kakilala ko. Nakakadala siya.

“Si Angela naman, first meet lang namin, first project ko rin na… parang first launching ko yun, siya ang nakaeksena ko. Mabilis lang po yung scene namin.

“Kay Ate Janelle, awkward nung una pero na-overcome namin.”

Sa lipon ng mga lalaki at babaeng naka-love scene ni Ayanna, kay AJ lang siya “nakalimot”?!?

“Sobrang galing niya! Tapos nakakatawa pa… kasi yung eksena namin, sa sementeryo. Public,” natatawang kuwento ni Ayanna.

“Habang sinu-shoot yun, may nililibing! Biglang dumating yung ililibing! Tapos, yung tunog, parang naaano ako, natatawa ako.

“Na-distract ako nang konti.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola stars in the Girls' Love (GL) Vivamax movie, Putahe, along with Janelle Tee and Massimo Scofield. The movie streams on Vivamax on May 13.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results