Direk Rahyan Carlos wraps up FDCP Bubog at Karga acting workshop

by Jerry Olea
May 8, 2022
Direk Rahyan Carlos
Liza Dino
Direk Rahyan Carlos and FDCP Chair Liza Dino-Seguerra (topmost row, middle) with the final qualifying participants of the FDCP's Bubog at Karga introductory acting workshop for background actors. The 14-week session culminated in an exclusive acting showcase held at the FDCP Cinematheque last May 5, 2022.

Pinangunahan ni Direk Rahyan Carlos ang introductory acting workshop ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) para sa dalawampu’t limang (25) talent o background actors.

Direk Rahyan Carlos
Liza Dino

Ang workshop ng mga talent ay tinawag na Bubog at Karga at tumagal nang labing-apat (14) na linggo — ten sessions na online, at four sessions na face-to-face.

Continue reading below ↓

FDCP Bubog at Karga acting workshop

Nag-umpisa ito noong Pebrero 7, 2022, at nagtapos sa pamamagitan ng acting showcase noong Cinco de Mayo, Huwebes sa FDCP Cinematheque, Kalaw St., Manila.

Direk Rahyan Carlos
Liza Dino

Continue reading below ↓

Bahagi ng mensahe ni Direk Rahyan matapos ang acting showcase ng workshoppers, “From almost 200 applicants, we trimmed it down to thirty (30), and finally, twenty-five (25).

“Ano po yun, ha, talagang disiplina yun, ha? If you’re one minute late in my class, you wait to be seated at the break room.

“Kasi, I always tell them, even in Star Magic, e, lagi akong napapatawag sa itaas. Kapag late, I don’t care if you’re the star and all that.

“Napakaimportante nung disiplina sa artista. Kanina lang, ipinaalala ko sa kanya, ‘Hindi kayo entitled, ha? All of us are privileged in this kind of training.’

“Nakakatuwa po, kasi sabi ko sa kanila, ‘Siguro, pinakaimportante is… kapag madamot kang tao, madamot kang artista. Kung mapagbigay kang tao, mapagbigay ka ring artista.’

“So, dapat maging mapagbigay ka. Nakita ko po yun ngayon sa kanila. Kaya tawa ako nang tawa, ako yung hurrah nang hurrah dun.

Continue reading below ↓

“Kaya sana po, suportahan niyo. This is just the start of our workshop series in cooperation with the Film Development Council of the Philippines.

“Kasi with this result, gagalangin yung mga character actors natin. And magkakaroon ng confidence ang mga producers, writers, directors na, oh, they’re not just talents.

“They’re actors. Yung titingalain din sila!” bulalas ni Direk Rahyan, na namumuno sa Training and Workshops ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic Philippines.

Ipinagdiinan ni Direk Rahyan na si FDCP Chair Liza Diño at asawa nitong si Ice Seguerra ang nag-push sa kanya na gawin na ang acting workshop para sa mga talent.

DIREK RAHYAN THANKFUL TO JOHNNY MANAHAN AND ABS-CBN

Pagkatapos ng red carpet walk para sa background actors, may cocktails para sa kanila at sa mga panauhin sa event.

Inurirat namin kay Direk Rahyan kung ano ang nangyayari sa kanya kapag ipinatawag siya ng mga boss kaugnay sa Star Magic Talents na dinidisiplina niya.

Continue reading below ↓

“Totoo yun. Kasi if they’re one minute late, they’re out of the room. Ipapatawag ako sa itaas, pero hindi ako natitinag,” lahad ni Direk Rahyan.

“Ang sabi ko sa kanila, ganito, ‘The only person na makakapagpapasok sa iyo sa kuwarto ko, si Mr. M. Pero pag pumayag si Mr. M at pinapasok ka, magre-resign ako.’

“Kasi, naiintindihan naman ni Mr. M yun.”

In fairness, disiplinado ang karamihan sa mga artistang hinubog, ginabayan at pinasikat ni Mr. M sa Star Magic.

“Kasi, di ba, not all naman… pansinin mo naman… may kinang naman, e, di ba, pagdating sa…

“Hindi ko ipinagmamalaki dahil ABS-CBN sila, Star Magic actors sila. Pero ang priority kasi ni Johnny Manahan—ganito iyan, hindi ko alam kung alam ng iba…

“Pag na-discover ni Mr. M, meron munang training contract iyan bago gawing Star Magic. So, ipapa-assess muna sa akin sa training contract.

“May pagpapahalaga sila sa training. Kasi hindi rin ako nahihirapan… kunyari, minsan, may time na…

Continue reading below ↓

“2011, ‘I’ll just leave, ha, Mr M?’ ‘Bakit?’ ‘Mag-aaral lang ako sa Amerika kay Ivana Chubbuck.’ ‘Ha? Sinong su-support sa ‘yo? ‘OK lang, ako lang.’ ‘Sandali, ihingi kita ng pera kay Charo.’

“Ganun siya ka-supportive. Kaya nakita ko yung difference na ang priority ng ABS at Star Magic, training talaga.

“May pagpapahalaga sila sa training. Kaya up to the very end, I’m so thankful to them.

“Kaya lang siyempre, di ba, it’s an ever-changing world. The furnitures keep on rearranging.

“Pero ang training, hindi naman dapat nagre-rearrange, di ba? Kumbaga, ang training, it stays with us.

“Wherever you go, it’s your treasure, di ba? It’s your life-long skill.”

Ang Charo na binanggit ni Mr. M ay si Charo Santos-Concio na presidente ng ABS-CBN Corp. mula Marso 2008 hanggang Disyembre 2015.

Umalis si Mr. M sa Star Magic noong 2020 dahil sa conflict sa ilang Kapamilya executives. Naging production consultant si Mr. M ng Brightlight Productions na nagprodyus ng shows sa TV5.

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay naging consultant si Mr. M ng Sparkle (dating Artist Center) ng GMA Network.

DIREK RAHYAN PROUD OF FORMER WARDS

Sa mga artistang sinanay at hinubog ni Direk Rahyan, sinu-sino ang ipinagmamalaki niya nang lubos dahil naging disiplinado ang mga ito?

Napangiti si Direk Rahyan, “Joshua Garcia. Paglabas niya sa PBB, ang tamad-tamad niyang mag-workshop.

“'Tapos, one time, nasabihan ko siya. Siya, si Diego Loyzaga, sino pa ba? Si Ronnie Alonte.

“Iyang mga iyan, especially Joshua, sabi ko, ‘Kung hindi ka magsisipag, makakalimutan ka. Promise. Bale-wala iyan.’

“Alam mo, nagsipag! Nakita niyo si Joshua, di ba? Parang the next John Lloyd of ABS-CBN.

“And again—marami nang nakakaalam—ang pinaka talagang nagtiyaga… si Christian Bables.

“Kasi si Christian, estudyante ko sa La Salle-Dasma. Scriptwriting. Tahimik.

“Sabi ko sa kanya, ‘Guwapo ka. Gusto mong mag-observe ng workshop ko?’ Gumanun lang siya, nahihiya.

“Walang pera, nagtitinda lang ng glutathione para meron lang pamasahe from Dasma to ABS.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Bukas, may workshop ako kay Kathryn Bernardo,’ if my memory serves me right. ‘Manood ka.’

“I don’t let anybody observe if it is a one-on-one. So, kay Kathryn yun. Nag-observe siya. Ipinangutang niya ang pamasahe niya, nagpunta siya sa ABS-CBN.

“After that, sabi niya, ‘Direk, enrol ako.’ That was 2011. Ka-batch niya si Alora Sasam.

“Nagkaroon kami ng 20th anniversary ng Star Magic, yung Anino, nag-top sila dun. After 2016. Then came Die Beautiful.

“So, umakyat siya dun sa ranks. Limang taon na nag-workshop. Binabayaran ang sariling workshop. Umakyat.

“Kahit nanalo na, nagwo-workshop pa rin. Even si Charlie Dizon, si April Matienzo iyan, e."

Charlie Dizon is April Matienzo's screen name.

“Si April Matienzo, pumunta iyan sa workshop, ang ganda-ganda niya. Lahat sila, pumila. Mga 2013 iyan.

“By 2015, sabi ni April Matienzo, ‘Direk, ayaw ko na!’ Walang nangyayari, puro mga commercial lang.

“If my memory serves right, one of the Padillas, boyfriend niya noon, e. Pinsan yata ni Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

“'Tapos 2017, inilapit ko kay Mr. M. Wala pa ring project. Until Fan Girl (2020). Hindi siya natinag.

“Sabi ko, ‘Mag-workshop ka. Mag-workshop ka pa rin!’ So, yun ang sinasabi kong acting is a lifestyle of training. You’re just as good as your last work.

“O, siya pa rin ang nanalo sa Metro Manila Film Fest!”

Kabilang pa sa mga artistang sumailalim sa acting workshop ni Direk Rahyan sina Julia Barretto, Liza Soberano, Enrique Gil, Julia Montes, Coco Martin, Paulo Avelino, Megan Young at Jessy Mendiola.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Rahyan Carlos and FDCP Chair Liza Dino-Seguerra (topmost row, middle) with the final qualifying participants of the FDCP's Bubog at Karga introductory acting workshop for background actors. The 14-week session culminated in an exclusive acting showcase held at the FDCP Cinematheque last May 5, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results