Janelle Tee finds intimate scenes with Ayanna Misola both comfortable and awkward

by Jerry Olea
May 12, 2022
ayanna misola janelle tee putahe
Janelle Tee (right, on both photos) on love scenes with Putahe co-star Ayanna Misola (left, on both photo): "Pero awkward din siya. Kasi, yung sa totoong buhay, para ko siyang nakababatang kapatid. So, imadyinin mo yung hinahalikan mo yung nakababata mong kapatid?! Pagbuka ng mata mo, sabi ni Direk, ‘Magtitigan kayo!’"
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax

Mabubusog ang mga manonood sa masasarap na eksena nina Janelle Tee at Ayanna Misola sa pelikulang Putahe, na streaming umpisa Mayo 13, 2022, Biyernes, sa Vivamax.

Katakam-takam ang pagkakatimpla ni Direk Roman Perez Jr. sa mga pagkain, pakikipagtalik, at pamumuhay sa isang liblib na isla.

“Ito ang first out of the box na role ko!” bulalas ni Janelle matapos ang screening ng Putahe nitong Mayo 11, Miyerkules, sa isang mall sa Quezon City.

“Ahhm, sinasabihan ko nga si Direk, si Ayanna, lahat na kinakabahan ako at excited ako na panoorin.

“But more na kinakabahan ako kung nabigyan ko ba ng hustisya si Euka! Kasi, kaya ho ako naka-pink ngayon, dahil babae pa rin po ako! Iba sa pelikula!

“Yun ang pinaka-memorable sa akin aside sa bonding, e, yung magampanan ko yung role nang maayos.

“Kasi, sobrang kinabahan ako kung kakayanin ko ba. Pero nung napanood ko, nakaya naman namin ni Ayanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun! Sobrang thankful din ako, lalung-lalo na kay Direk Roman sa guidance, sa lahat po ng paggabay.

“At siyempre sa buong produksiyon, sa lahat ng cast. Lahat ho kami ay napaganda namin ang pelikula at talaga pong pinaghirapan namin.

“So, I will forever treasure this first out of the box and the start of my acting career po.”

Gumanap si Janelle bilang thirtysomething na si Eunice o Euka, na nagturo sa 16-anyos na virgin na si Jenny (karakter ni Ayanna) kung paano magluto ng malilinamnam na ulam.

Read: Putahe director Roman Perez Jr., gustong i-remake ang Virgin People ni Celso Ad. Castillo

MOST MEMORABLE EXPERIENCE

Kuwento naman ni Ayanna na lumaki sa Sta. Rosa, Laguna, “Ang pinaka-memorable experience sa akin is yung workcation.

“Kasi, never pa akong nagpunta sa beach. As in never pa! So, first time ito! First time ko. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Tapos yun, sobrang saya, kasi parang na-immerse mo talaga yung character. Hindi namin kailangang umakting. Kasi, nag-stay kami dun ng ten days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka yung bonding ko with the cast, sina Kuya Mon [Confiado], Kuya Ronnie [Lazaro]. Sobrang saya!

“Sobrang solid talaga nung bonding namin. Kasi nga, walang distraction, walang social media.”

Nakipagtikiman din sa Putahe sina Massimo Scofield, Carlene Aguilar, Hershey de Leon, Jiad Arroyo, Chad Solano, Nathan Cajucom, at Shirley Fuentes bilang tomboy na barangay captain sa Isla Pwerta.

INTIMATE SCENES

Challenging para kay Janelle ang intimate scenes nila ni Ayanna.

Lahad ng beauty queen turned sexy actress na si Janelle, “Nung una, sabi ko kay Ayanna, nung bago pa namin syinut yung pelikula, ahh… OK yun, magkakilala na kami prior to shooting the project.

“Kumbaga, andun na yung pagiging komportable sa isa’t isa. Pero siya, kinakabahan siya, kasi nga dahil magkakilala kami.

“Sabi ko, ‘Huwag kang kabahan! Mas OK nga 'yan! Magkakilala na tayo. Puwede tayong mag-usap. Nandun na yung rapport, yung connection.’

“Pero iba pala kapag nandun na kami mismo sa eksena. Tama siya, na both… komportable kayo kasi magkakilala na. Kumbaga, hindi na kayo mahihirapan sa koneksiyon dahil magkaibigan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero awkward din siya. Kasi, yung sa totoong buhay, para ko siyang nakababatang kapatid.

“So, imadyinin mo yung hinahalikan mo yung nakababata mong kapatid?! Pagbuka ng mata mo, sabi ni Direk, ‘Magtitigan kayo!’

“So, sa titigan na yun, parang dun ako kinabahan. Parang… na-achieve ba namin na alam mo yun, may chemistry ba kami? Yung ganun, di ba?

“So yun, challenging, komportable, oo, pero awkward din altogether.”

Bilang paghahanda, nag-workshop ang mga artista ng Putahe kay Direk Roman.

“And may mga films din ako na pinanood para makuha ko yung pagiging gender-fluid nung karakter ko,” dagdag ni Janelle.

Read: Massimo Scofield, "sariwa" at "malinamnam" ang leading ladies sa Putahe

PRACTICING THEIR LOVE SCENEs

Natawa si Ayanna nang ibahagi ang preparations sa maseselang eksena nila ni Janelle.

“Kasi tinatanong ko sina Direk, ‘Today ba meron kaming love scene?’ Ganyan, para kasi, di ba… makaligo ako nang maayos! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbungisngis ng 20-anyos na si Ayanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Singit ni Janelle, “Gusto pa niyang magpraktis! Wait lang!”

Pagpapatuloy ni Ayanna, “Pinuntahan ko si Janelle sa room! Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi ko, ‘Ipraktis na kaya natin?!’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Wala kasing tubig. Kaya inaalam ko kung may love scene ba para makaorder ako ng fresh water.

“Kasi, puwede namang umorder. Yun nga lang, matagal. Kasi, tatawid pa sila sa kabilang island.

“So, yun ang preparation ko. At gaya ng nasabi ni Janelle, nung una, sobrang ilang ko rin. Kinakabahan ako.

“Lagi ko siyang tsina-chat simula nung nalaman ko na siya pala ang kasama ko sa movie.

“Lagi ko siyang tsina-chat, tapos siya naman, sobrang comfort, OK daw. Pero ang totoo, feeling ko, naglalakas-lakasan lang siya. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero at least, hindi naman halata sa screen na awkward kaya sana, nag-enjoy kayo!”

Sambot ni Janelle sa katabing si Ayanna, “Inisip ko na lang na mahal na mahal kita!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halakhak muli ni Ayanna, “Actually napi-feel ko, na mahal na mahal niya ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hirit ni Janelle, “Sabi nga niya, during the scene, nararamdaman daw niya na mahal ko siya pero, like, as Janelle.

“Sabi ko, ‘Ano yun, as Janelle, hindi mo alam na mahal kita bilang parang nakababatang kapatid?’”

Napatango si Ayanna, “Oo, sinasabi ko sa kanya yun. Sabi ko, ‘Bakit ganun, ramdam na ramdam ko, parang may paki ka talaga sa akin?’

“Tapos sabi niya, ‘Bakit? Wala ba akong paki sa ‘yo?!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Nakakaloka! Ayun…”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee (right, on both photos) on love scenes with Putahe co-star Ayanna Misola (left, on both photo): "Pero awkward din siya. Kasi, yung sa totoong buhay, para ko siyang nakababatang kapatid. So, imadyinin mo yung hinahalikan mo yung nakababata mong kapatid?! Pagbuka ng mata mo, sabi ni Direk, ‘Magtitigan kayo!’"
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results