Watch Now

Janelle Tee says she did not feel exploited in intimate scenes with six men in Putahe

by Jerry Olea
May 17, 2022
janelle tee intimate scenes
Janelle Tee on possibility of falling for an older guy: “Oo, kasi mature akong mag-isip. So, in a way, ahhmm never din ako… pag younger ang guy, ang tingin ko lagi, brother. Kailangan may depth at may sense lagi ang pag-uusapan namin. And usually naman, mas older talaga. Kasi usually ang babae ang mas unang… hindi naman lahat, depende rin yun sa pagkatao ng lalaki. Pero mostly, mas nagma-mature una ang babae.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax

Nakipagtikiman si Janelle Tee kay Ayanna Misola at anim na lalaki sa pelikulang Putahe, na streaming sa Vivamax umpisa Mayo 13, 2022, Biyernes.

Kasado na ang Vivamax streaming ng dalawa pang pelikula ni Janelle, ang Pusoy sa Mayo 27, at Secrets sa Hunyo 10.

Kakaibang karakter at pagganap din ang matutunghayan kay Janelle sa Pusoy, na nilikha ni Brillante Mendoza.

“Wala kasing script dun sa Pusoy, na na-enjoy ko,” sambit ni Janelle nang makatsikahan namin noong Mayo 11, Miyerkules, sa Wing Zone restaurant, Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

“Kasi, nagamit ko dun yung natutunan ko sa hosting. Kasi, alam mo naman sa hosting, di ba, hindi ka script-based lagi.

“May ad lib, di ba? So, parang… yung instinct ko rin as an actress. And then, kung anuman yung natutunan ko sa hosting, in-apply ko dun.

“Yung karakter ko naman doon, e, palaban na mas matapang din. Ano kasi ako dito, magaling ako sa sugal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, ako yung lucky charm dito ni Rodolfo which is played by Baron Geisler. And then, bodyguard namin si Vince Rillon.

“And then ako nga yung suwerte. Mistress niya ako dito. Hanggang sa dumating yung bagong babae, which is Angeli Khang na bata, mas magaling.

“So, dun na nag-start yung conflict namin. Siyempre, hindi ako papayag. Malaki yung pera na nakukuha sa panalo. Tapos may bagong salta, dun na mag-uumpisa yung conflict.”

MISTRESS ROLES

Sa Secrets ni Direk Jose Javier Reyes, hindi na other woman ang papel ni Janelle.

“Kasi, nasimulan sa Kinsenas Katapusan, kabit, mistress. Tapos sa Pusoy, mistress ulit!” natatawang lahad ng beauty queen turned sexy actress.

“Dito naman sa Putahe, may pagka-mistress din. Kasi, yung mga asawa ng mga babae sa isla…

“Hindi lang siya yung focused na mistress. Kumbaga, more on ano ako rito… iba-iba! Yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Gender-fluid nga yung karakter ko, both for men at sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos sa Secrets naman, magdyowa kami dito ni Benz Sangalang. May lamat na yung relasyon namin.

“Kasi nga, meron na siyang anak sa ibang babae. Nagbakasyon kami sa isang lugar para magkaroon kami ng break at mag-isip-isip at magkaroon ng ano yung relationship namin.

“Pagdating namin dun sa pinagbakasyunan naming lugar, dun na may mga nangyaring bagay-bagay.

“Pagdating namin dun, sIyempre na-meet na namin dun si Felix Roco. Andun din si Denise Esteban sa bahay-bakasyunan.

“Ang ganda din dun, kasi first time ko na anim lang chaming characters, na dun tumatakbo ang istorya.”

Grateful and excited si Janelle na makasama sa cast ng unang Vivamax movie ni Direk Joey Reyes.

“Tapos, may konting pressure din dun. Kasi, first niya ito sa Vivamax!” bulalas ni Janelle.

“So sana, nagampanan din namin nang mahusay yung aming roles dun. So dun, iba naman yung karakter ko. Medyo mabait pero may tapang pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito naman, hindi ako maingay. More of… Direk Joey made use of my eyes. Mas nahasa rin yung emosyon mo.

“Na maipakita kahit hindi ka nagsasalita kung ano ang nararamdaman mo. Through your eyes, through your expression, ganun.”

ON RELATIONSHIP WITH AN OLDER MAN

Sa Putahe, umibig ang karakter ni Janelle na si Euka/Eunice sa lalaking (Ronnie Lazaro) mas matanda sa kanya. Sa totoong buhay ba, puwedeng umibig siya sa ganung lalaki?

“Oo, kasi mature akong mag-isip. So, in a way, ahhmm never din ako… pag younger ang guy, ang tingin ko lagi, brother,” sabi ni Janelle, na single daw sa kasalukuyan.

“Kailangan may depth at may sense lagi ang pag-uusapan namin. And usually naman, mas older talaga.

“Kasi usually ang babae ang mas unang… hindi naman lahat, depende rin yun sa pagkatao ng lalaki. Pero mostly, mas nagma-mature una ang babae.”

Gender-fluid ang karakter ni Janelle sa Putahe, pero sa totoong buhay ay lalaki lang ang bet niya. Wala sa hinagap niya na makipagtikiman o makipagrelasyon sa kapwa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I don’t know, siguro ganun din lang talaga ako as a person. Parang nakuha ko rin yun as a performer sa pageantry,” paliwanag ni Janelle.

“Na parang pag kailangan mong gawin ang isang bagay, kailangan mong isantabi, at mag-perform, ganun.

“So, na-apply ko din siya sa acting. Di ba, ganun din naman sa hosting? You have to run the show, i-align mo kung ano ang gusto ng audience.”

Wala siyang curiosity na subukan? Hindi siya magiging adventurous?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Wala talaga!” paghalakhak ni Janelle.

“Actually, during this project… Aminin natin, even before we take the scene, nakikita ni Direk [Roman Perez Jr.] sa mukha ko, ‘Awkward ka, ‘no? Awkward.’

“Inamin ko, ‘Opo.’ Pero like inaano ko sa sarili ko na bago mag-take — kasi ayoko rin naman, maraming take kami, just because I’m awkward.

“Gusto ko, first take, makuha na sana namin. Kumbaga, first take pa lang, sana tapos na. Nakuha na sana namin ang gusto ni Direk Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ang hirap din na paulit-ulit, di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha! Kabado na nga ako, di ba?! Ganun.”

INTIMATE SCENES WITH AYANNA MISOLA

Aminado si Janelle na yung intimate scene nila ni Ayanna ang mahirap para sa kanya.

Read: Janelle Tee finds intimate scenes with Ayanna Misola both comfortable and awkward

“Alam naman ni Ayanna yun. May isang eksena nga kami, nung nasa bato-bato kami, ano kasi yun… ahhm, yun ang pinaka-last namin.

“Tumatawa si Ayanna, as in tawa siya nang tawa! Ewan ko, parang natatawa siya sa eksena.

“Tapos ako, parang… gusto ko nang tapusin ang eksena. ‘Ubusin mo na yung tawa mo! Tapusin na natin ‘to!’

“Kasi, ano yun, e, siyempre ahhh… hindi naman siya kuwarto. So, kumbaga kailangan naming bilisan. Kasi, hindi namin alam kung may dadaan na mga bangkero.

“Wala namang nanonood sa set, pinaalis. Yun naman ang gusto ko kay Direk Roman, talagang bago kami mag-take ng maseselang eksena, pinapaalis niya lahat ng hindi kailangan dun sa eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ayanna misola & janelle tee

Naramdaman ba niya in any way na na-exploit siya?

“Never! Nung napanood ko sa dubbing, hindi mo pa nakita nang buo, pero nakita mo na yung eksena na, ‘Ah, OK!’

“Yung maseselang eksena, dinub namin yun. So, parang… minessage ko agad si Direk Roman. ‘Direk, it’s artistically done, it’s tastefully done, and I never felt exploited.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aside sa eksena namin ni Ayanna, yun ang pinaka-all out, di ba? Dun sa mga lalaki-lalaki, artistically done. Isang pasadahan yun nung kinunan namin.

“Isang pasadahan lang, yung montage-montage.”

janelle tee putahe

Napagod ba siya nung pagpila sa kanya ng anim na lalaki?

“Hindi naman. Lahat ng mga nag-uusap na mangingisda yun. Lahat sila,” kaswal na wika ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mabilis lang na-shoot yun. Pagkatapos ng isa, next agad. So, mabilis lang.”

Nire-request o nire-require ba niya na ang lalaking karomansahan niya ay naka-plaster?

“Oo! Gusto ko, Diyos ko! Si Ayanna nga, di ba, dati hindi siya nagpa-plaster? Buti na lang dito, bago namin i-shoot, ‘Uy! Nagpa-plaster na ako!’

“Kasi kung hindi, ipapakiusap ko rin sa kanya. So, parang… magmamakaawa ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” pag-amin pa ni Janelle.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee on possibility of falling for an older guy: “Oo, kasi mature akong mag-isip. So, in a way, ahhmm never din ako… pag younger ang guy, ang tingin ko lagi, brother. Kailangan may depth at may sense lagi ang pag-uusapan namin. And usually naman, mas older talaga. Kasi usually ang babae ang mas unang… hindi naman lahat, depende rin yun sa pagkatao ng lalaki. Pero mostly, mas nagma-mature una ang babae.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results