Bea Alonzo, John Lloyd Cruz have movie offers from Star Cinema, GMA Films

by Melba R. Llanera
May 17, 2022
Bea Alonzo, John Lloyd Cruz
Bea Alonzo on perennial leading man and good friend John Lloyd Cruz: "Alam mo, nakaka-flatter din na kahit ang tagal na naming magkapareha, hindi pa rin nawawala ang interes nlla sa amin. Nakakakuha pa rin kami ng mga offers na magkasama kami. Masayang-masaya ako kasi nandiyan lang siya. He's really my constant."
PHOTO/S: @sweet.escape via @beaalonzo Instagram / GMA-7

Isa si Bea Alonzo sa mga artistang natuwa sa collaboration na naganap sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Napapanood na sa Kapuso Network ang mga blockbuster movies na produced ng Star Cinema, ang film production arm ng ABS-CBN, mula noong April 10, 2022.

Bilang isang dating Kapamilya at ngayon ay isa nang ganap Kapuso, umaasa si Bea na hudyat na ito ng magandang simula ng pagkakaisa ng magkalabang network.

READ: GMA-7 inks deal with ABS-CBN; to air Star Cinema movies

Pahayag ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nung narinig ko yun, nagte-taping ako nun ng Start-Up, pinanood ko talaga sa 24 Oras, nakatutok ako.

"Sabi ko, 'Oh my god! Napaka-surreal na magkakasama sa isang Zoom meeting ang bosses ng ABS-CBN at GMA Network.' Parang, 'Oh my god! Is this really happening?'

"Siyempre, it's a big celebration. For me, I'd really like to celebrate it kasi matagal mong inaasam-asam yun, pero nangyayari, pero now it'a finally happening.

Continue reading below ↓

"I hope this is just the start. I hope that eventually they will do a lot of projects together so that marami rin tayong chance na makatrabaho ang iba't ibang tao sa industriya.

"I hope na dumating ang araw na there will be no barriers between the two."

Nakapanayam ng PEP.ph si Bea sa pagdiriwang ng 100th episode ng kanyang YouTube channel, na ginanap sa Fishermall VIP Cinema sa Quezon City, noong May 11, 2022.

BEA AND JOHN LLOYD'S REUNION PROJECTS

Pagbabalita pa ni Bea, nakatanggap siya ng movie offer sa Star Cinema kung saan maaaring makapareha niya muli si John Lloyd Cruz.

Marami pa rin ang nag-aabang sa balik-tambalan nina Bea at John Lloyd sa serye at pelikula kahit na ang huling pelikula nilang A Second Chance ay ipinalabas noon pang 2015.

"Alam mo, sa totoo lang, maraming offers talaga. For example, Star Cinema na hindi natuloy because of the pandemic hanggang sa nakalipat na ako sa GMA.

Continue reading below ↓

"Hindi ko lang alam kung puwede kong sabihin, but we will be doing one with them very, very soon.

"Itong bagong offer na-send pa lang sa akin pero hindi pa nila napa-finalize who's going to be directing it. But most probably si Direk Cathy [Garcia-Molina], but I can't speak for her."

Magtambal din kaya sila ni John Lloyd sa isang teleserye?

Ani Bea, "Hindi ko lang alam kung puwede kong sabihin, we might do one under GMA Films naman. We might do a teleserye in GMA.

"Lahat ito ay nagdedepende sa time naming dalawa kung magtutugma. Depende pa rin sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to do it.

"It's very, very exciting."

Nagpapasalamat lang si Bea dahil patuloy ang suporta ng fans nila ni John Lloyd sa kanilang tambalan.

"Alam mo, nakaka-flatter din na kahit ang tagal na naming magkapareha, hindi pa rin nawawala ang interes nlla sa amin. Nakakakuha pa rin kami ng mga offers na magkasama kami.

Continue reading below ↓

"Masayang-masaya ako kasi nandiyan lang siya. He's really my constant."

ONGOING START-UP TAPING

Sa ngayon ay abala si Bea sa taping ng teleseryeng pinagtatambalan nila ni Alden Richards, ang Start-Up. Puring-puri ng Kapuso actress si Alden at ang mga kasama niya sa serye.

"Masaya naman. Natapos na ang first cycle namin, we're on break right now, papasok uli kami sa May 21. Masaya, actually masaya sa set.

"He's very playful sa set, he's very comfortable around kasi siyempre matagal na niyang tahanan ang GMA.

"Bilang ako ngayon bagong Kapuso, he makes me feel comfortable din on set.

"It's a happy set, siguro nakaka-add din na yung story is a light material. Hindi siya heavy drama or melodrama, nakakatulong din, parang magaan sa set.

"I enjoy working with Tita Gina Alajar, with Alden, sila Yasmien [Kurdi], Jeric [Gonzales]. Masaya."

BEA'S FAVORITE VLOGS

Sineselebra ang 100 episodes ng vlog ni Bea kung saan binuksan niya ang ilang bahagi ng kanyang pribadong buhay sa mga tagahanga niya.

Continue reading below ↓

READ: Bea Alonzo's top 5 most popular vlogs

Kahit ang Kapuso actress ay hindi makapaniwalang umabot na sa 100 episodes ang kanyang vlog.

"Ang bilis, 'no? I also can't believe it... I'm very happy to share it with my fans.

"Sinasabi ko kanina this is very meaningful to me kasi, personally, minsan lang ako nakakagawa ng mga bagay consistently, and I'm very proud I was able to do this.

"Nasa 100 episode na ako na consistently kong ginagawa, at nakakapag-upload ako every Saturday.

"And I'm very happy because it's very meaningful to me. I'm happy na nagkaroon ako ng connection with my fans and followers. In fact, mas marami pa akong nakilala na mga bago kong followers so I'm very, very happy about it.

"I also believe that in these trying times, sa gulo ng mga nasa paligid natin at sa gulo ng mundo, kailangan lang talaga natin ng personal connection and that's what I provide for my fans."

Continue reading below ↓

Para kay Bea, dalawa ang itinuturing niyang pinaka-unforgettable vlog episodes niya—ang kanyang house tour at bakasyon nila ng boyfriend na si Dominic Roque sa U.S.

"Yung house tour kasi monumental yun for me. Kilala mo naman ako, hindi ako ganun kabilis mag-open up. In-open ko yung bahay ko sa publiko at hindi yun nangyayari.

"Dun sa episode na yun, pag pinanood mo uli, kinakabahan ako, kinakabahan akong magsalita sa harap ng kamera kasi never akong naging host. Tapos pag nagkakamali ako, gusto kong mag-take two, take three.

"Ngayon, hindi na. Kahit magkamali ako, okay lang ipalabas kasi kapagka pala nagkakamali, mas maganda, mas raw.

"Number 2, siguro yung California episode ko kasi nag-open up ako about my love life dun sa episode na yun. Ang galing ng droner and shooter ko dun, e," tukoy ni Bea sa nobyong si Dominic.

Biro pa niya, "Walang bayad nga, e, kiss lang."

READ: Bea Alonzo, Dominic Roque get cozy during hiking date

Continue reading below ↓

ON BEING A CONTENT CREATOR

Ngayong isa na ring vlogger, nagpapasalamat si Bea na naging daan ang pagba-vlog niya upang higit na mapalapit sa mga tagahanga at mga katrabaho.

Saad niya, "Mas tumaas ang respeto ko sa mga content creators kasi na-realize ko, sa pag-aartista mas spoiled talaga kami, e. Everything is provided for, everything is taken care of.

"Sa pagiging content creator or vlogger, ikaw talaga ang lahat ang gagawa. Mag-iisip ng content, ikaw din yung titingin ng viewership, ng analytics, especially pag may mga pumapasok na brands.

"You're responsible for it. It's really like having your own network or channel.

"Yeah, there's extra work that needs to be put in, pero mas fulfilling. Masarap sa pakiramdam na you get to do this with the team that you like.

"Like, yung digital team ko, mas naging close na kami, lagi silang nagpupunta sa farm namin and all.

"I have created new relationships doing this. Siguro yun ang mas pinakamalaking nagawa sa akin nitong vlogging. Nagkaroon ako ng mas malalim na connection, ng friendship with my fans and with my digital team."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on perennial leading man and good friend John Lloyd Cruz: "Alam mo, nakaka-flatter din na kahit ang tagal na naming magkapareha, hindi pa rin nawawala ang interes nlla sa amin. Nakakakuha pa rin kami ng mga offers na magkasama kami. Masayang-masaya ako kasi nandiyan lang siya. He's really my constant."
PHOTO/S: @sweet.escape via @beaalonzo Instagram / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results