Janelle Tee not into BDSM in real life: "Sorry, hindi ko siya mae-enjoy."

by Jerry Olea
May 28, 2022
janelle tee pusoy
Janelle Tee on sadomasochism scenes with Baron Geisler in Pusoy: Very snappy lang yung paglabas ng mga eksena sa pelikula. But of course, when we shot it, I think, apat na straight na nagpapalit lang kami ng damit. But apat na straight na sakitan yun at lahat. Imagine, talagang tama yung sinabi ni Baron na, actually, mas nakakapagod siyang i-shoot, talagang nade-drain kami."
PHOTO/S: Vivamax

Nakakagulantang ang BDSM (bondage, discipline, dominance, submission, sadism, and masochism) scenes nina Baron Geisler at Janelle Tee sa pelikulang Pusoy.

Read: Janelle Tee at Baron Geisler, nahirapan sa sadomasochism scenes nila sa Pusoy

“Alam ko naman yung palu-palo,” pag-amin ni Janelle nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa Wing Zone restaurant ng Araneta Coliseum, Quezon City, matapos ang screening ng movie noong Mayo 25, 2022, Miyerkules.

“Alam ko naman yung mga ganun, pero it’s different pala talaga when you’re there and doing it. And nananakit ka.

“Kasi, ayokong nananakit! So, parang I’m just also happy na si Baron ang kaeksena, and very ano siya, e.

“Nakakakuha ka sa kanya ng energy that you need for the scene and for the character, for your roles.

“So, talagang inano niya ako, ‘Hindi! Huwag kang mag-alangan! Lakasan mo pa!’ Kasi, naaalangan akong lakasan. Baka masyado siyang masaktan, di ba?

“So, parang… we collaborated with it. So, maganda naman ang kinalabasan ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang maganda pag kayong dalawa na magkaeksena ay nagtutulungan kayo, di ba?”

Saka safe ang pakiramdam niya dahil nagpa-plaster si Baron.

“Of course!” mabilis na tugon ni Janelle.

“Kailangan! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi puwedeng wala! Ha! Ha! Ha! Maloka tayo kung wala!”

Sandamukal ang BDSM scenes nila ni Baron na iba-iba ang posisyon at sex toys.

“Actually, oo. Very snappy lang yung paglabas ng mga eksena sa pelikula,” salaysay ni Janelle.

“But of course, when we shot it, I think, apat na straight na nagpapalit lang kami ng damit. But apat na straight na sakitan yun at lahat.

“Imagine, talagang tama yung sinabi ni Baron na, actually, mas nakakapagod siyang i-shoot, talagang nade-drain kami.

“And of course, after that, we have to shoot pa other scenes, aside from the dire-diretso na love scenes.”

Kumusta ang working relationship niya with Baron? Smooth sailing?

“Yes! Mabait si Baron, and as a co-actor, he’s so generous. Gina-guide niya ako. Nagbibigay siya ng mga knowledge also since mas matagal na siya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, Baron at si Vince [Rillon] ang mga tipo ng aktor na masarap katrabaho. Kasi, nakakakuha ka ng energy sa kanila.

“Kumbaga, lalo na dito, wala kaming script. So, yung batuhan namin ng linya is very natural. Kumbaga, makaka-react ka din naturally sa role mo.

Kasi, nagbibigay sila ng energy na dapat dun sa eksena.”

NOT DOMINATRIX IN REAL LIFE

Mae-enjoy ba niya ang pagiging dominatrix in real life? Yung sinasaktan niya ang katalik?

“Hindi, e! Hindi talaga! Ha! Ha! Ha! Hindi talaga, as in! Hindi!” tili ni Janelle.

“Hindi ko ito ita-try ever! The thought pa lang of hurting someone, parang… of course I respect those people who enjoy that, and that’s their fantasy.

“But in my case, I really wouldn’t enjoy that. Kasi, gusto ko pa rin yung romance, di ba?

“Na talagang mahal na mahal niyo ang isa’t isa without hurting each other. Walang mga kung anu-anong bagay na pinaglalaruan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang eksena na nag-victory Joe si Rodolfo (karakter ni Baron), implied na sino-sodomize niya ito?

Tumango si Janelle, “Yes, kasi yun ang gusto niya, e. Parang ako na dominant dun, in a way, I just do what he loves to do para ma-satisfy siya.”

So, hindi siya magkakagusto sa mga lalaking may ganung trip o fetish?

“Sorry talaga. Ha! Ha! Ha! Sorry, hindi ko siya mae-enjoy. Siguro, kung galit ako!” bulalas ng beauty queen turned sexy actress.

“Pero pagdating sa making love, hindi ko siya nai-imagine na magagawa ko in real life.”

three movies starring janelle

Sa totoo lang, mukhang mas malaki yung role ni Janella kesa kay Angeli Khang sa Pusoy.

“Ako kasi yung original na reyna talaga. Ako yung reyna, tapos pumasok lang siya para sirain ang lahat. Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Janelle.

“So, yun, happy naman ako. I think we’re all given equal opportunity to really portray our roles.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reyna ng sugalan ang karakter niyang si Xandra pero sa totoong buhay ay hindi siya marunong mag-pusoy.

“When the story was pitched to me, sabi ko, ‘Oh my God! Expert sa pusoy ang character ko!’

“So what I did, nag-aral ako ng pusoy talaga. I went to Tondo, in-immerse ko yung sarili ko para maintindihan ko kung paano ang galawan sa sugalan sa masa.

“And pumunta rin ako sa mga sosyal na casino hotels natin para maano ko yung perspective na ano ba ang galawan sa masang sugalan at sa sosyal na sugalan, para aside from learning also how to play pusoy and tong-its.”

Nag-o-overlap ang promo ng Vivamax movies niya na Putahe, Pusoy, at Secrets.

Natawa si Janelle, “Nagkataon nga po. Nagkataon. Nagkataon nga po na parang sunud-sunod nilabas.

“Actually, ang una talaga naming syinut is Pusoy. After nun, Putahe. And then, Secrets. So, mas nauna lang ni-release ang Putahe bago itong Pusoy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayo 13 natikman ang Putahe, kung saan co-stars niya sina Ayanna Misola, Massimo Scofield, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, Shirley Fuentes, Richard Solano, at Nathan Cajucom, sa direksIyon ni Roman Perez Jr.

Naging Top Content of the Week sa Vivamax ang Putahe.

Read: Janelle Tee says she did not feel exploited in intimate scenes with six men in Putahe

“Thank you sa suporta ninyong lahat. And I’m happy with the feedback. Kasi, nakita na nila ako as an actress,” saad ni Janelle.

“Of course, maraming nawindang at nagulat sa mga matinding eksena ko roon.

“But what I love about it is that… yes, nagulat sila but mas na-appreciate nila na, 'Uy! Parang…'

“Once they don’t see na Janelle and they see the character which is Euka, happy ako dun na nakikita nila na OK, parang ito na ang simula, na kaya niyang umarte.”

Mayo 27 ang umpisa ng streaming ng Pusoy, samantalang Hunyo 10 ang pagbubunyag ng Secrets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STEAMY SCENES

Dahil sa matitinding eksena ni Janelle sa Pusoy, baka mabitin sa kanya ang mga manonood ng next movie niya?

“I’m just happy na laging kakaiba yung nabibigay sa aking role from Putahe to Pusoy, and then sa Secrets, for sure, kakaiba naman yung aabangan niyo dun,” pagbuntong-hininga ni Janelle.

Pusoy yung pinakamatapang, e. Talagang dito, nakita niyo ako na nagmumura. Talagang yung extreme na tapang.

“Super-tapang ang nakikita n’yo rito as Xandra. Sa Secrets naman, iba ang mapapanood niyo dun. More on my emotions, my nuances.

“Kasi, Direk Joey [Reyes] wanted me to portray the emotions na even without talking, maiintindihan ng audience kung ano ang gustong sabihin.

“Through your eyes, through your nuances on how you portray the role — yun yung mga dapat niyong abangan sa Secrets also.

“Iba siya, ibang-iba siya. I supposed, matapang siya. You could expect another matapang.

“May tapang pa rin yung Secrets pero paano ba… parang… hindi ko pa siya naipapakita sa inyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paandar ang fashion statement ni Janelle Tee sa special screening ng Pusoy.

janelle tee fashion

“Every premiere night, I just always wanna dress up,” napangiting sambit ni Janelle.

“I think this is a representation of being really bold and strong. Kasi, naka-breast plate ako, di ba?

“At saka yung outfit na gusto ko lagi, e… I want experimenting styles. So, that’s what I love to do during premiere nights.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee on sadomasochism scenes with Baron Geisler in Pusoy: Very snappy lang yung paglabas ng mga eksena sa pelikula. But of course, when we shot it, I think, apat na straight na nagpapalit lang kami ng damit. But apat na straight na sakitan yun at lahat. Imagine, talagang tama yung sinabi ni Baron na, actually, mas nakakapagod siyang i-shoot, talagang nade-drain kami."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results