Watch Now

Newbie Drei Arias confident about baring it all: "Hindi ako naka-feel ng awkwardness."

by Jerry Olea
Jun 1, 2022
drei arias bingwit
Drei Arias on how daring he is in his second film, Bingwit: "Sobra, sobra po. Mas nag-level up po ito in terms of me being ready sa karakter. Puwede na po akong mag-ano talaga... yung katawan ko, ready na."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Nagkakilala sina Drei Arias at Conan King sa photo shoot ng Mr. Intercontinental-Philippines 2019 noong Mayo 2019 sa Cris del Mar resort ng Bolinao, Pangasinan.

Kabilang sila sa dalawampu’t apat (24) na kalahok ng nasabing timpalak na itinaguyod ng gurong si Childe Libertad at designer na si Rodell Salvador.

Nag-bonding ba sila ni Conan noong panahong iyon?

“May circle po siya. May circle po siyang sarili,” tugon ni Drei nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kamakailan sa AQ Prime Stream office, Roces Avenue, Quezon City.

“Ahh, nagkakabatian po. Kasi, isang room po kami lahat dun, e. Ayun po, OK naman po siya.”

Magkatambal sila ni Conan sa erotic BL movie na Bingwit, na idinirek ni Neal “Buboy” Tan para sa A&Q Films. Tampok din sa pelikula si Krista Miller.

Hindi si Conan ang first choice na ka-partner ni Drei sa nasabing proyekto. Nag-backout yung ka-tandem niya dahil siguro sa mapupusok na eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namukhaan ba agad ni Drei si Conan nang maibalitang ito na ang gaganap na katadhana ng karakter niya?

“Opo, natandaan ko po. Kasi, pagkakitang-pagkakita ko ng picture, nung sinabi sa akin ni Direk Buboy na, ‘Uy! Drei, ayos lang ba na siya ang makakatrabaho mo?’

“Sabi ko, ‘Naku! Kilala ko po 'yan! Brother-brother ko po 'yan. G po tayo diyan. OK din po yan,’” kuwento ng Bulakenyong si Drei, na nagbida sa Pinoy BL series na Amore.

Second movie na ni Drei ang Bingwit. Nauna rito ang horror movie na Don Filipo (2021), na pinagbidahan nila ni Luis Padilla, sa direksiyon ni Tim Muñoz.

drei arias conan king bingwit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Drei Arias (left) and Conan King in a scene from Bingwit

PREPARING FOR HIS ROLE IN BINGWIT

Pinaghandaan ni Drei nang lubos ang karakter niyang si Aldon sa Bingwit.

“Kasi, ang pag-arte ng karakter ni Aldon, mata po yung papaganahin, e. Hindi po siya mabigkas ng words,” lahad ng baguhang aktor.

“So, yun po ang challenge sa akin ng karakter. Puro body language po lahat ng ipinakita ko dun sa movie.

“Hindi lang po continuous workout ang ginawa ko to prepare for this. Grabe, diet po! Sobra din yun diet ko.

“Dalawang buwan akong hindi nag-rice. Grabe ang nagawa sa akin nito.”

Gaano siya ka-daring sa Bingwit?

“Sobra, sobra po. Mas nag-level up po ito in terms of me being ready sa karakter. Puwede na po akong mag-ano talaga,” napapangiting sambit ni Drei.

“Yung katawan ko, ready na unlike dun sa Don Filipo na parang conscious pa ako, kasi feeling ko, hindi pa handa yung katawan ko dun para ipakita sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ginawa ko din po yung pag-o-all out na yun sa Don Filipo. Pero ngayon po, mas confident ako sa baring.”

Anong pakiramdam niya sa eksenang nag-frontal nudity siya? Na-awkward pa ba siya?

“Hindi na po. Kasi, parang same-same lang po sa pageant. Kapag model ka, kahit saan ka maghubad diyan, wala nang pakialam,” kaswal na sagot ni Drei.

“Siguro, ano… iba lang yung pagiging kampante ko kahit may mga kamerang nakatutok.

“Iba lang yung feeling ko. Hindi ako naka-feel ng awkwardness. Saka feeling ko naman po, hindi ako papabayaan ni Direk Buboy na magmukhang hindi kanais-nais.”

FIRST TIME

First movie ni Conan ang Bingwit. Si Drei ba ang umalalay rito?

“Lahat naman po kami sa set, umalalay, lalo na si Direk Buboy. Sobrang supportive lang niya sa mga actors, saka grabe yung patience po ni Direk Buboy,” salaysay ni Drei.

“Although first time ni Conan, matapang po siya na ginawa niya ito. Grabe po yung patience na ipinakita ni Direk Buboy. Siya po talaga ang nag-guide sa amin sa lahat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Conan, nakikinig po siya. Hindi po siya yung pasaway na, ‘Hindi! Kahit baguhan ako, kaya ko ‘to!’

“Nakikinig po siya, lalo na kapag alam niyang makakatulong sa kanya. And kahit papaano, sana nakatulong ako sa kanya, sa mga advice ko kung paano gagawin ang mga eksena para maging komportable sa akin.

“Kasi, hindi naman po biro yung mga ginawa naming eksena. Kailangan talaga na komportable siya sa akin para magawa yung mga bagay na yun.

“Kaya ayun, in-establish ko po yung relationship namin. Kahit po sa room namin, magkatabi po kaming natutulog.”

Kumusta ang pakikipaghalikan with Conan?

“Hhmm, nung unang mga eksena, sobrang awkward naming maghalikan!” napapailing na sabi ni Drei.

“Pero nung second, third day, OK na po. Sabi naman po ni Direk, OK na siya. Juicy na daw po. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

drei arias conan king bingwit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DARING SCENES

Sandamukal ang “bingwitan” nila nina Conan at Krista sa pelikula.

“Ang pinaka-intense dun, yung sa lambat, sa magkakapatong na lambat. Hindi ko alam kung paano namin nagawa ni Conan. Grabe ang eksena!

“Kami naman po ni Miss Krista, sa bed saka sa manukan nagchok-chak,” saad ni Drei.

Ibinunyag ni Krista na may naramdaman siya sa sex scene nila. Nadarang ba talaga siya?

Pag-amin ni Drei, “Parang hindi natin maiiwasan yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang hindi po natin maiiwasan yun.”

Kumustang katrabaho si Krista?

“Super-professional. Humble. I didn’t feel like I’m working with someone who is established na po,” pagbuntong-hininga ni Drei, na nagtapos ng kursong Theater Arts sa Bulacan State University.

“I feel like I’m working with just a friend na professional. Ayun nga, masaya. Masaya pong katrabaho si Krista.”

Ilulunsad ang AQ Prime Stream sa Hunyo 4, Sabado ng hapon, sa Conrad Hotel, Pasay City.

Ayon sa line producer, labintatlong (13) full feature films na ang na-shoot ng A&Q films mula noong Marso 2022 para ipalabas sa AQ Prime Stream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa Bingwit, natapos na rin ang mga pelikula ni Direk Jojo Nadela na Z Love, Ligaw, at Pula Ang Kulay Ng Gabi; ganundin ang mga pelikula ni Direk Alejandro “Bong” Ramos na Adonis X, Baka Sakali, at La Traidora.

Tatlong pelikula na rin ang natapos ni Direk Greg Colasito para sa AQ Prime Stream — Upuan, Sosyal Medya, at Mang Kanor.

Kasado na rin ang movies na Huling Lamay ni Direk Joven Tan, Anatomiya ni Direk Martin Mayuga, at Cuatro ni Direk Roswill Hilario.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Drei Arias on how daring he is in his second film, Bingwit: "Sobra, sobra po. Mas nag-level up po ito in terms of me being ready sa karakter. Puwede na po akong mag-ano talaga... yung katawan ko, ready na."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results