Nora Aunor tied with herself for Best Actress at PASADO Awards

Ang Superstar na si Nora Aunor ang napiling PinakaPASADONG Aktres sa Gawad PASADO para sa mga pagganap niya sa pelikulang Dementia (kaliwa) at Hustisya (kanan).


Nitong Miyerkules, March 11, pormal nang inihayag ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang mga nanalo para sa kanilang 17th PASADO Awards.

Nakatakda itong ganapin sa April 11 sa auditorium ng San Sebastian College-Manila, na siyang host school ng nasabing awards night para sa taong ito.

Halos lahat ng major categories ay may dalawa o tatlong magka-tie.

Paliwanag ng pangulo at pangalawang pangulo ng Lupong Tagapag-ingat nito na sina Dr. Emmanuel Gonzales at Professor Arthur Pizarro ng Far Eastern University, ang result ng kanilang winners ay nakadepende sa number of votes na nakukuha ng mga nominado.

At kapag may mga nominadong nakakuha ng parehong bilang ng boto, idinideklara nila itong pawang mga nanalo sa kung anumang kategorya sila nominado.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng award-giving bodies, may isang awardee na ka-tie ang kanyang sarili.

Ito ay si Nora Aunor na tatanggap ng dalawang best actress trophies.

Nakakuha ang Superstar ng same number of votes para sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Hustisya at Dementia.

Ilang puntos lang daw ang inilamang niya sa pinakamahigpit na nakalabang sina Aiko Melendez para sa Asintado, at Angelica Panganiban para naman sa That Thing Called Tadhana.

Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ay binubuo ng mga dalubhasang guro sa buong Pilipinas na sa ngayon ay may mahigit isandaang miyembro.

Layunin nila na isulong ang pagbibigay parangal sa mga mahuhusay na pelikula at mga taong nasa likod nito at gamitin ang sining na ito bilang karagdagang medium o visual support sa kanilang pagtuturo para maipamulat sa mga estudyante ang kahalagahan ng kultura at art appreciation.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalong pararangalan sa Gawad PASADO:

PinakaPASADOng Pelikula

Magkakabaung (ATD Entertainment Production)

Dementia (Ideal First Company, Octobertrain Films, and TV 5)

Alienasyon (Voyagestudios, Skyweaver Productions, and Talent Factory)

PinakaPASADOng Direktor

Jason Paul Laxamana (Magkakabaung)

Perci Intalan (Dementia)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Arnel Mardoquio (Alienasyon)

PinakaPASADOng Aktres

Nora Aunor (Hustisya)

Nora Aunor (Dementia)

PinakaPASADOng Aktor

Allen Dizon (Magkakabaung)

John Lloyd Cruz (The Trial)

JM de Guzman (That Thing Called Tadhana)

PinakaPASADONG Katuwang Na Aktres

Gretchen Barretto (The Trial)

Iza Calzado (Starting All Over Again)

Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles 2)

PinakaPASADOng Katuwang Na Aktor

Richard Gomez (The Trial)

PinakaPASADOng Istorya

Ricky Lee (Hustisya)

Jason Paul Laxamana at Ferdinand Lapud (Magkakabaung)

PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksyon

Ron Factolorin (Alienasyon)

PinakaPASADOng Tunog

Addie Tabong (Dementia)

PinakaPASADOng Musika

Cesar Francis Concio (Starting Over Again)

PinakaPASADOng Editing

Carlo Manatad (The Trial)

Vanessa de Leon (Hustisya)

PinakaPASADOng Dulang Pampelikula

Jason Paul Laxamana (Magkakabaung)

Antoinette Jadaone (That Thing Called Tadhana)

PinakaPASADOng Sinematograpiya

Mackie Galvez (Dementia)

Rain Yamson II (Magkakabaung)

Sa mga Natatanging Gawad PASADO, ang mga nanalo naman ay sina:

Ryan Cayabyab (PASADO Lifetime Achievement)

James Bimby Aquino Yap (PinakaPASADONG Huwarang Bata Sa Larangan Ng Edukasyon At Sining)

Miguel Cuaderno (PinakaPASADOng Likhang Bata o Child Performer)

Gerald Santos at Janella Salvador (PinakaPASADOng Dangal Ng Kabataan)

Magkakabaung at Dementia (PinakaPASADOng Pelikula Sa Paggamit Ng Wika)

Atty. Persida Acosta (PinakaPASADOng Lingkod Bayan)

Jessica Soho and Atom Araullo (PinakaPASADOng Mamamahayag Sa Larangan Ng Kamalayang Pilipino)

Nestor Cuartero (PinakaPASADOng Guro Sa Larangan Ng Kamalayang Pilipino)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN