Watch Now

Liza Diño hopes to continue working as FDCP chairperson under BBM admin

by Melba R. Llanera
Jun 10, 2022
Liza Dino
Liza Diño on FDCP programs that she hopes to put in place: "Siyempre if you gonna ask me, I really wanna continue kasi nga hindi lang para sa akin, ang dami nating projects na ini-incubate pa. It took years para mabuo ang mga programs na nakita natin finally na, 'Uy, relevant siya sa industry, nagwo-work siya globally, nagre-respond ang mga stake holders internationally.'"
PHOTO/S: @lizadino Instagram

Ayon kay Liza Diño, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang maipagpatuloy na magampanan ang posisyon bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

READ: Liza Diño on Ice Seguerra's depression: "Tulog siya twenty hours araw-araw."

Nais niyang ipagpatuloy ang mga programang nasimulan niya mula nang i-appoint siya ni President Rodrigo Duterte noong 2016.

Sa nakatakdang pagpapalit ng administrasyon sa ilalim ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., posibleng mapalitan si Liza sa FDCP kahit noon lang March 2022 ay ni-reappoint siya ni President Duterte para sa susunod na tatlong taon.

"Siyempre if you gonna ask me, I really wanna continue kasi nga hindi lang para sa akin, ang dami nating projects na ini-incubate pa. Meaning, baby na baby pa siya. Kailangan niya ng maayos na proseso, inaayos na lang namin yung structure.

"Ang dami pa naming challenges from the filmmakers kasi nga hindi pa nila naiintindihan yung program.

"Pag nag-back to zero ka, start from scratch ka uli, ang hirap, kasi relationship-based ang industry natin. Taon ang bubunuin mo para mabuo mo yung ganung klaseng clout and network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It took years para mabuo ang mga programs na nakita natin finally na, 'Uy, relevant siya sa industry, nagwo-work siya globally, nagre-respond ang mga stake holders internationally.'"

Sa huli ay si President-elect Marcos Jr. ang magdedesisyon kung sino ba talaga ang uupo sa posisyon.

Sang-ayon ni Liza, "Oo naman. At the end of the day, we work at the pleasure of the President and the administration. I'm willing to submit myself and manifest my intentions to continue kasi it's really for the industry."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza bago siya sumalang sa presscon ng Pelikulaya: LGBTQIA+Film Festival noong June 7, 2022.

REPRESENTING PH AT CANNES

Kagagaling lamang sa Cannes Film Festival, ibinahagi ni Liza na maraming magagandang nangyari ang nakuha natin sa ginawang pagdalo ng FDCP sa international film festival.

"Grabe, parang hinihintay lang talaga nila ang Pilipinas na magkaroon ng incentives. Pag-uwi namin, sampung projects ang dala-dala namin ngayon na magsu-shoot sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We have a Dutch-Philippines co-production...

"Mayroon tayong French-Philippines co-production with Nicholas Oplaitan — kilala siyang distributor and marketing company na tumutulong sa mga pelikula tulad ni Direk Brillante Mendoza, Lav Diaz — and now he's shooting a film in the Philippines. It's a road trip film, French-Philippine co-production siya.

"Nakakatuwa kasi, grabe, we're so relevant globally."

May Hollywood stars ba na nakilala si Liza sa Cannes?

Sagot ng FDCP chair, "Di namin sila na-meet pero siyempre puma-fan girl paminsan-minsan. Inaabangan naman sila. Si Tom Cruise, Kristen Stewart, Viola Davis... si Julia Roberts.

"Kasi yung pavilion natin, yung katabi nun, yun ang dinadaanan ng artista kaya ang suwerte natin.

"Kahit yung mga delegates natin, sisilip lang sila dun sa isang area, dun lumalabas ang mga artists kaya nakakapagpa-picture nga sila.

"May mga staff kami na nakapagpa-picture kami. Nandun sila sa rail tapos lumalapit ang mga artista."

CELEBRATING PRIDE MONTH WITH PELIKULAYA

Bilang pagdiriwang ng gay pride month ngayong June 2022, iba't ibang pelikula mula sa Pilipinas at ibang bansa ang mapapanood ng publiko sa Pelikulaya: LGBTQIA+ Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Liza, "Throughout the whole month, may mga screenings—siguro three to four screenings per film open in Tech Manila saka Cinema 77.

"Dose ang mga pelikula natin na section. Nandiyan ang Big Night, Game Boys, mga pelikula ni Jay Alterejos, and then may restropectives ni Nick Ocampo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño on FDCP programs that she hopes to put in place: "Siyempre if you gonna ask me, I really wanna continue kasi nga hindi lang para sa akin, ang dami nating projects na ini-incubate pa. It took years para mabuo ang mga programs na nakita natin finally na, 'Uy, relevant siya sa industry, nagwo-work siya globally, nagre-respond ang mga stake holders internationally.'"
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results