Director Maryo J. de los Reyes wants to establish film school in Bohol

Direk Maryo J. de los Reyes on his plans for Bohol: "By having a local film festival there na hopefully ay mag-turn into an international film festival, we can help boost the economy and the tourism of Bohol. Malaking tulong iyon because kapag nag-boom ang economy doon, it will mean more jobs for everyone there."


Hindi lang ang pagdidirek ng bagong teleserye ng GMA Network na Pari ‘Koy ang pinagkakaabalahan ngayon ng award-winning film and TV director na si Maryo J. de los Reyes.

Abala rin siya sa pagtuturo ng theatre and filmmaking sa lalawigan ng Bohol.

Plano nga ni Direk Maryo na magtayo ng kauna-unahang film school sa Bohol, at pangarap din niyang magkaroon ng isang local at international film festival sa naturang probinsiya.

Saad ng direktor, “Wala pa kasing film school doon at iyon ang gusto kong mangyari, since I’ve been teaching there for quite some time now.

“Kapag wala akong teleserye na ginagawa, nandoon lang ako sa probinsiya namin and teaching my fellow Boholano’t Boholana.

“Marami kasing students doon na gustong mag-aral ng film, pero they don’t have the means na makapunta at mag-enrol dito sa Manila.

“So, I want to bring that school to them and with the help of a few people, we are hoping na this year ay masimulan na namin iyon.

“That will eventually lead to having new and young filmmakers para sa industriya din natin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Maryo sa press launch ng Pari ‘Koy last week.

BOHOL FILMFEST. Pinaplano rin ni Direk Maryo na magkaroon ng isang local film festival sa Bohol para in the future ay maging isa itong international film festival.

Ipinagmamalaki ni Direk Maryo ang ganda ng Bohol at gusto niyang ma-discover ito ng maraming dayuhan.

“Actually, before the earthquake that rocked Bohol in 2013, nagiging prime destination na ng mga tourist ang Bohol.

“We have so many beaches na hindi pa nadi-discover, pero may ilan nang nakakaalam na puntahan ang mga iyon.

“Bohol is recovering slowly naman.

“Marami pang kailangan na i-rebuild sa aming probinsiya, but the people there kasi are very positive.

“Despite what happened two years ago, hindi iyon naka-break ng spirit ng mga taga-Bohol.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Direk Maryo, “By having a local film festival there na hopefully ay mag-turn into an international film festival, we can help boost the economy and the tourism of Bohol.

“Malaking tulong iyon because kapag nag-boom ang economy doon, it will mean more jobs for everyone there.

“Kaya we’re doing our best to really keep this going.

“Kahit na busy ako ngayon with Pari ‘Koy, I have people naman na tumutulong sa akin sa dream ko for Bohol.”

INSPIRATION. Sinisikap ni Direk Maryo na imbitahan ang ilang mga kasabayan niyang film directors, pati na ang mga baguhan, para tulungan siya sa itatayo niyang film school sa Bohol.

Kasama na rin sa mga iniimbitahan niya ay ang mga artista na kanyang mga nakatrabaho na.

Saad niya, “Gusto kong maging inspirasyon sila ng mga future filmmakers ng probinsiya namin.

“Sa mga veteran directors, iilan na lang kasi kaming nandito pa.

“Wala na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Celso Ad. Castillo, Danny Zialcita, and Mario O’Hara.

“Hopefully, I can get to invite to Bohol sina Laurice Guillen, Mel Chionglo, Emmanuel Borlaza, Eddie Garcia, Joel Lamangan, Jeffrey Jeturian, Olivia Lamasan, and these new and young indie film directors.

“To share their knowledge about filmmaking sa mga nais na pasukin ito bilang profession.

“I’m also inviting actors who’ve I’ve worked with para mag-share din sila ng experiences nila in making movies.

“Kung kaya ko bang mapapunta sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Christopher de Leon, and the others to Bohol, then it would be a success!”

PARI ‘KOY. Bukod sa pagtuturo ay busy nga ngayon si Direk Maryo sa Pari ‘Koy kunsaan bida si Dingdong Dantes.

Second time na niyang maidirek si Dingdong sa isang teleserye. Una nilang pinagsamahan ay ang teleseryeng Pahiram Ng Sandali noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Direk Maryo tungkol sa Pari ‘Koy, “After I did Nino, which was a big hit, gusto ko ay mga ganung klaseng mga stories na ang gawin ko.

“Mas magaan kasi sa pakiramdam at hindi kami stressed sa set.

“When they presented me with Pari ‘Koy, nagustuhan ko ang storyline.

“Plus the character of Father Kokoy is very interesting and alam kong papatok siya sa mga televiewers of all ages.

“I already saw Dingdong sa role as Father Kokoy.

“Knowing him, not just as an actor but as a person, he will shine in this role kasi bagay sa kanya.

“Alam natin na may mabuting kalooban si Dingdong and he will play this role effortlessly.”

TALENT MANAGER. Bukod sa pagiging direktor, isa ring proud talent manager si Direk Maryo.

Natutuwa siya sa nagiging achievements ng kanyang mga alagang sina Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, at Miggs Cuaderno.

Aniya, “Pinapasaya ako ng mga batang ‘yan dahil masisipag sila at hindi sila sakit ng ulo sa akin.

“Like si Miguel, kahit na he’s very busy with so many things, nagawa pa rin niyang makatapos ng high school.

“Proud ako na he will be graduating at college student na siya.

“I am happy din that his team-up with Bianca Umali is gaining lots of fans over social media.

“Ruru naman is also doing very well sa career niya.

“The movie he did with Pepe Diokno na Above The Clouds is receiving rave reviews in different film festivals abroad. And he’s a matinee idol-in-the-making.

“Si Miggs naman, he’s been winning acting awards here and abroad. Isa pa ‘yan na hindi nagpapabaya sa pag-aaral niya.

“Kung ganyan ba naman ang mga inaalagaan mong mga artista, wala kang magiging problema dahil hindi sila mga pasaway at marunong makinig sa mga nakakatanda sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN