Brillante Mendoza spearheads new indie filmfest; says it is friendlier to artists

Brillante Mendoza says Sinag Maynila is different from other indie filmfests. "We also give grants, ganun din, pero sa rights mas friendly kami sa artists. Ang major difference ng festival na ito ay ang collaboration [ng namamahala] with the filmmakers… sa pagtutuon ng pansin mula sa script stage up to the post-production stage, which is very important," he says.


Handa na ang mga bumubuo ng pinakabagong indie film festival na Sinag Maynila sa pagpapalabas ng ma pelikulang kalahok sa mga petsang Marso 18-24 sa SM Cinemas nationwide.

Limang bagong independent films ang kalahok sa Sinag Manilla: Balut Country sa direksiyon ni Paul Sta. Ana; Bambanti ni Zig Dulay; Imbisibol ni Lawrence Fajardo; Ninja Party ni Jim Libiran; at SWAP ni Remton Siega Zuasola.

Kamakailan ay pormal na inilunsad ang Sinag Maynila "to inspire, educate and enlighten the viewing public with feature films that reflect Filipino culture, while presenting social issues deserving of discussion among audiences here and abroad."

Ang world-renowned at internationally acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza ang festival director at katuwang ni Wilson Tieng na siyang nagkonsepto nito at pangkalahatang tagapamahala bilang CEO at founder.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media, positibo si Direk Brillante na isang mabuting karagdagan ang Sinag Maynila sa marami nang independent o indie film festivals na naitatag at nagpapasigla sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Saad niya, "Mas maraming festivals, mas maraming pagkakataong makapaghatid ng marami pang kuwento, lalo na ang mga independent filmmakers.

"Dito, mga regional films ang ipinapakita natin.

"We are more interested not only with the social issues, but also with the culture.

"Yung mga values… ang daming puwedeng ikuwento. Sobrang dami, sobrang colorful.

"Na hindi mo kailangang magpaka-kontrobersiyal para lang mapanood o mapansin ka.

"There are so many different kinds of stories."


FRIENDLIER TO ARTISTS. Ang Sinag Malaya ay nagbibigay ng grants sa independent filmmakers upang makagawa ng full-length features mula sa kani-kaniyang materyal na mapanood ng publiko.

Sa puntong ito, naitanong kay Direk Brillante ang kaibahan ng Sinag Maynila sa iba pang indie filmfests.

Sagot niya, "All these independent films, 'tulad ng Cinemalaya, Cinema One Originals, among others, they all give grants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We also give grants, ganun din, pero sa rights, mas friendly kami sa artists.

"Ang major difference ng festival na ito ay ang collaboration [ng namamahala] with the filmmakers…

"Sa pagtutuon ng pansin [monitoring] mula sa script stage up to the post-production stage, which is very important."

Nabanggit din ni Brillante na ang funding na ipinagkaloob sa mga unang kalahok na filmmakers ay nagmula sa investor na si Wilson Tieng, ang may-ari ng Solar Films movie and TV/cable companies.

Si Wilson ba ang counterpart ni Tonyboy Cojuangco ng Econolink Investments Inc., na nagsilbing partner ng Cinemalaya Filmfest sa loob ng siyam o sampung taon?

"Well, you can say that," sambit ni Brillante.


RESTRICTIONS AND RULES. Dahil ipalalabas ang Sinag Maynila competition entries sa SM Cinemas, sakop ito ng policy o restriction ng SM Cinema management hinggil sa pagpapalabas ng Rated R-18, ayon sa sistemang ipinatutupad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ugnay dito, hanggang rated R-16 films lamang ang maaaring mapahintulutang ipalabas bilang kalahok sa Sinag Maynila.

Partikular na apektado sa sitwasyong nabanggit ang entry ni Jim Libiran, Ninja Party, na may maselang kuwento at mga eksenang tumutukoy sa 'liberal sexual practices' among teenagers na nasa mataas na antas ng pag-aaral o high school.

Sabi ni Brillante, "Well, of course, nung pumasok kami sa sitwasyon na ito, alam namin ang sitwasyon ngayon na may mga restrictions.

"The artists are aware of that and we have to follow rules.

"Ang advocacy kasi natin is to reach as much audiences as we can, with the kind of films that we make.

"But it doesn't have to be graphic. Marami namang kuwento na hindi kailangang maging graphic [ang presentation ng sex scenes].

"Hindi kailangang maging Fifty Shades of Grey."

Paminsan-minsan lang daw ang mga ganoong pelikula, "but there are more interesting stories than that," dagdag ni Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Ilang islands ba meron tayo? More than seven thousand, and each island has its unique stories of its people."

PROSPECTS ABROAD. Nilinaw pa ni Brillante na hindi lamang sa week-long Sinag Maynila filmfest nagsisimula at nagtatapos ang ugnayang propesyunal sa pagitan nila at ng mga kasaling film directors.

May international filmfest prospects daw kasi ang mga produkto nito.

Paliwanag niya, "We cannot decide, we only submit [to prospective international film festivals].

"Meron naman akong kakilalang programmers at distributors, so yun ang puwede naming gawin sa mga pelikula."

May kalayaan din daw ang mga direktor para sa kani-kaniyang pelikula, sakaling mapili ang mga ito for exhibition or competition ayon sa kanilang initiatives.

"Exactly!" pagtukoy ni Brillante.

"This is a collaboration. Hindi lang ako, 'di lang iisa ang nagde-decide.

"We make sure na nagko-collaborate kami. And we want to keep a healthy relationship with filmmakers.

"Yun ang gusto naming maiba dito. Hindi yung nag-aaway o nakikipag-away sa artists."

Paniniwala pa ng Cannes-winning filmmaker, "Artists will always be artists.

"There's a way of dealing with artists. Kasi artist din ako, e.

"Alam ko yung sensibilities ng mga filmmakers, so dapat alam mo kung paano makipag-usap sa kanila."


BRILLIANTE FILMS. Ito ba ang unang pagkakataon na mangunguna si Brillante sa isang local indie filmfest bilang festival director?

Aniya, "This is my first time to get involved with other filmmakers.

"I have my own festival of my films because I have ten films already.

"Ang film festival ko," billed as the Brillante Mendoza Film Festival, "ongoing for the past five years already."

Aniya pa, "Limang taon na akong umiikot sa SM, all over the country, showing all my films in schools and universities.

"And we have our audience, two thousand to three thousand audiences, all over the country.

"It's not just film screenings, but a collaboration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May audience participation; they get to ask questions after the screenings.

"It's also a way of educating the audience.

"And I'm doing this in our own little way, with the help of SM [management]."


TAKLUB AND NORA AUNOR. Kabilang sa mga pelikulang idinirehe ni Brilliante, at ang iba'y siya mismo ang nag-produce at co-produce, ang mga sumusunod: Masahista (2005), Kaleldo(2006), Manoro (2006), Foster Child (2007), Tirador (2007), Serbis (2008), Kinatay (2009), Lola (2009), Captive (2012), Thy Womb (2012), at Sapi (2013).

Ang latest na natapos i-shoot ni Brillante ay ang Taklub (2015) na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Nakalaan itong mag-world premiere sa ibang bansa, subalit wala pang kumpirmasyon hinggil sa sasalihang kumpetisyon.

Ayon kay Brillante, "It's produced by the Department of Environment and Natural Resources [DENR], tungkol din siya sa climate change.

"Ang kuwento niya [nangyari] sa Tacloban at si Nora Aunor ang bida.

"Like in Thy Womb [na bida rin si Nora], wala kaming naging problema kay Nora Aunor sa Tacloban.

"Alam nating hindi madaling mag-shooting sa Tacloban, unlike in Tawi-Tawi [Thy Womb location].

"Pero hindi kami nagkaroon ng problema, kasi alam naman nila ang pelikula, kung kanino namin ginawa, at bakit namin ginagawa.

"So, I think, everybody was very cooperative—the staff, crew, especially the actors.

"Nora Aunor will always be Nora Aunor!"

NON-COMPETITIVE. Ito bang Sinag Maynila ang "sagot' ni Direk Brillante sa tanong kung bakit hindi siya sumasali ever sa mga local indie filmfests na naging popular sa manonood na Pilipino?

"Actually!" natawang sagot niya.

"Sabi ko nga, we are not here to compete with anyone.

"Siguro, kaya hindi ako sumasali... remember, I have producers… foreign producers.

"And kung may producers ka, bakit ka pa naman sasali kung ang pagsali ay para magkaroon ng grant, 'di ba?

"At sinasabi ko rin, yung ownership [of films], importante 'yon.

"That's why dito sa festival na ito, ang Sinag Maynila, mas friendly kami in terms of ownership ng mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan ko yung plight ng mga directors, pero hindi lahat ng rights, kanila.

"Kailangan ding kumita at maibalik ang puhunan, kahit paano, ng nag-invest sa pelikula o nagkaloob ng funds.

Ano ang inaasahan ni Direk Brillante at mga kasamang organizers sa unang Sinag Maynila Independent Film Festival?

Tugon niya, "Ito yung first [indie] festival na ginawa namin, siyempre parang nasa birthing stage kami.

"Special siya kasi, unang-una, kailangang mag-mark siya in a way na kailangang maganda yung mga pelikula.

"At saka yung relationship namin with the filmmakers, maging maayos. That's also very important.

"Kasi it will set the standard, kumbaga, para sa mga darating na taon at pipiliing mga pelikula."

Mahigpit ang kumpetisyon sa limang film entries na mahuhusgahan sa Parangal na gaganapin sa pagtatapos ng Sinag Maynila Film Festival.

"I'm confident that we have five good films in the lineup," pagtatapos ni Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN