Watch Now

Laurice Guillen says hard work matters with or without a National Artist award

by Melba R. Llanera
Jul 3, 2022
Laurice Guillen
Veteran director and actress Laurice Guillen: "In my life and in my work, I always strive to do the right thing, to do my best in every project that I do whether or not I get recognition."
PHOTO/S: @lauriceguillen Instagram

Lubos na ikinatuwa ni Laurice Guillen na pinarangalan si Nora Aunor bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.

READ: Nora Aunor, dumalo sa tribute para sa National Artists sa kabila ng karamdaman

Si Laurice ang director ng Superstar sa pelikulang Kung Ako'y Iiwan Mo nung 1980 at sa GMA-7 remake ng pelikulang Bilangin ang Bituin sa Langit noong 2020.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Laurice sa story conference ng pelikulang Pamilya Sa Dilim noong June 28, 2022, sa Max's restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City.

Dito ay tinanong si Laurice kung naniniwala siya na "long overdue" na ang National Artist award na pinagkaloob sa Superstar.

"I am happy for her. Well, wala namang overdue kasi kung bibilangin mo once in every two year yata sila nagbibigay. Sa dami naman ng gumagawa ng magaganda, maraming overdue na yung mga award.

"Ngayon, masuwerte ka pag nakuha mo ng buhay ka pa, kasi karamihan ng [napaparangalan], wala na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkaakaalam ni Laurice ay mas gusto ni Nora ang magpahinga sa tabaho sa ngayon.

Bilang isang batikang direktor at mahusay na aktres, walang kuwestiyon sa kontribusyon ni Laurice sa entertainment industry.

Marami ang nagsasabi na sa darating na mga taon ay karapat-dapat din daw na ipagkaloob ang National Artist award sa kanya.

Sabi naman ni Laurice, "I suppose being a national artist is just a recognition sa ginagawa mo, sa kontribusyon mo sa kultura, sa arts. Marami namang nagsisikap ng ganun.

"To me kasi, in my life and in my work, I always strive to do the right thing, to do my best in every project that I do whether or not I get recognition.

"I learned early on my life na you don't always get an award even if you are deserving."

Ilan sa mga dinirek na pelikula ni Laurice ay ang Magkano Ang Iyong Dangal (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Tanging Yaman (2000), I Love You Goodbye (2009) at Sa 'yo Lamang (2010)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sasabak muli si Laurice bilang aktres sa Pamilya Sa Dilim, isang pelikulang masalimout at sensitibo ang tema sa ilalim ng direksyon ni Direk Jay Alterejos.

Aminado siya na kailangan niyang magamay uli ang pag-arte dahil kadalasan ay pagdidirek ng mga serye sa telebisyon ang proyekto niya.

"Siyempre sa simula parang lilipat ka na naman from television directing to film acting. Ganun naman talaga, mahal ko rin naman yung trabahong yun.

"I'm excited. I look forward working on this project, working with the actors. Yung role ko challenge sa akin as an actress kung paano ko gagampanan kasi di ko pa nagagawa iyon."

Kasama sa Pamilya Sa Dilim sila Allen Dizon, Sunshine Cruz, Ina Feleo, Rico Barrerra, Therese Malvar, at ibang baguhang artista

Di naman isyu kay Laurice kung karamihan ay mga baguhang artista ang makakasama niya dito.

"Okay lang, ako open na open ako. I'm working with them for the first time, that's a new thing, pero napanood ko na ang mga trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mga bata pero seryosong artista at mga seryosong projects ang nagawa."

Ang anak niyang si Ina Feleo ang gaganap sa nakababatang role niya sa Pamilya Sa Dilim.

"Well, yeah, kinakabahan iyan pero that is masayang kaba. That's excitement, at the same time, wala pa sa kanya yung susi, hahanapin niya pa. It's a good thing.

ON HOW LAURICE DEALS WITH PASAWAY ARTISTS

Naitanong din ng PEP.ph si Laurice kung marami na bang pagkakataon na may napagalitan siya sa set dahil late o unprofessional sa trabaho.

Sagot ni Laurice, "Marami, marami na, pero di ako nagtatanim. Ibig sabihin, pag pinagalitan ko, something specific pero di yun personal.

"Marami akong pinapagalitan, pero pagkatapos love niya ako. Ganun lang. Di ako nagtatanim.

"Nung araw pa yun, hindi na iyan katulad ngayon. May mga kontrata na sila, takot na silang mawalan ng trabaho."

Mas maayos din daw ang sistema sa lock-in taping nitong pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga gusto ko ang lock-in taping, nakakapagsimula talaga sa oras, kahit alas otso pa lang [ng umaga] simula na.

"Saka wala ng dahilan para ma-late ka, nandiyan na. May naka-assign nang susundo sa inyo."

ON FAMILY LIFE

Ikinasal ang anak ni Laurice na si Ina Feleo sa Italian businessman boyfriend nito na si Giacomo Gervasutti.

READ: Ina Feleo weds Italian boyfriend in Antipolo with 18 guests

Sa ngayon ay excited na rin na magka-apo si Laurice.

"Of course, sino ba ang ayaw? Sana they will be blessed with a child."

Sumakabilang-buhay ang asawa niya na si Johnny Delgado noong 2009.

Sa kabila ng mahigit isang dekada nang wala ang aktor ay nandun pa rin ang pagka-miss ni Direk Lauren sa asawa.

"Yung tawa niya, yung kuwentu-kuwentuhan namin, sharing with him. Hinahanap-hanap ko yun.

"But at least ang mga anak ko nakaka-usap ko pero siyempre iba ang asawa."

ON keeping the FAITH

Naitanong din kay Laurice ang tungkol sa pagiging Marian devotee niya, at namana raw niya iyon sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My mother was a devotee, lumaki ako ng devoted ang Nanay ko.

"Miracles? When you are sensitive and malapit ka sa kanya, nararamdaman mo, napapansin mo yung Kanyang ginagawa sa buhay mo.

"Pag wala diyan ang ano mo, di mo mapi-feel, di ka aware at di mo rin malalaman yung mga biyayang binibigay sa iyo.

"It's up to you to refresh yung pagtitiwala na even if things don't go the way you want, it only means na baka hindi naman yun ang gusto Niya para sa iyo sa ngayon. So relax lang."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran director and actress Laurice Guillen: "In my life and in my work, I always strive to do the right thing, to do my best in every project that I do whether or not I get recognition."
PHOTO/S: @lauriceguillen Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results