Liza Diño welcomes appointment of Tirso Cruz III as her FDCP successor

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2022
liza dino tirso cruz III fdcp
Outgoing Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño on the appointment of Tirso Cruz III as her successor: "We are preparing for a smooth process sa transition and turnover ng FDCP to our new chair. And we will welcome him pagdating na pagdating niya dito."
PHOTO/S: Facebook

Ilang oras matapos manumpa sa Malacañang si Tirso Cruz III bilang bagong pinuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), maluwag na tinanggap ni Liza Diño na papalitan na siya sa kanyang puwesto

Sa kanyang Facebook live ngayong Martes ng gabi, July 5, 2022, sinabi ni Liza na sa online lang niya nabasa ang tungkol sa bagong appointed chairperson na hahalili sa kanya.

Wala rin daw siyang natanggap na official communication mula sa opisina ni President Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa pagkakapili kay Tirso.

Gayunpaman, naghahanda na ang kanyang tanggapan para sa maayos at matiwasay na pagsasalin ng kapangyarihan.

Nagpasalamat naman si Liza sa lahat ng suportang natanggap niya mula nang siya ay maupo bilang chairperson ng ahensiya.

Buong mensahe niya: “Hi everyone. I’m still here at the office. I just wanna let you know that the agency has also read the latest development regarding the chairmanship of the FDCP online, and while we haven’t received any official communication from the Office of the President, that we are preparing for a smooth process sa transition and turnover ng FDCP to our new chair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And we will welcome him pagdating na pagdating niya dito.

“I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat po ng suporta ninyo, sa lahat ng mga messages ninyo, thank you so much for your love and support.”

Ayon sa ulat ng PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kahapon pa kumalat ang balita tungkol sa bagong appointments ni President Marcos Jr. sa dalawang ahensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang FDCP.

Pero hindi pa nagbigay kaagad ng reaksiyon dito si Liza dahil na-reappoint siya ni former President Rodrigo Duterte sa kaparehong posisyon hanggang 2025.

Ayon pa sa ulat, “Sa isang document about the FDCP Chair, nakasaad sa Section 5. Term of Office: ‘The Chairperson and the three regular member shall hold office for a term of three (3) years unless sooner removed by the President.’

“Sabi ng ating source, ‘So bale, may nakalagay naman palang 'unless sooner removed by the President,' at mukhang yun nga ang naganap.

“Bandang 3 p.m. ngayong Martes, nakumpirma ng ating source na natuloy na ang panunumpa ni Lolo Pip (ang tawag natin kay Sir Tirso) sa Malacañang bilang bagong FDCP Chair.”

Read: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Outgoing Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño on the appointment of Tirso Cruz III as her successor: "We are preparing for a smooth process sa transition and turnover ng FDCP to our new chair. And we will welcome him pagdating na pagdating niya dito."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results