New FDCP chair Tirso Cruz III on his appointment: “I’m honored I was chosen.”

by Arniel C. Serato
Jul 6, 2022
Tirso Cruz III "honored to be chosen" as new FDCP chair
Veteran actor Tirso Cruz III takes his oath of office in Malacañang, along with other newly appointed officials, as the incoming Chairman and Chief Executive Officer of the Film Development Council of the Philippines (FDCP).
PHOTO/S: Courtesy: RTVM on Facebook

Hindi makapaniwala ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III na itinalaga siya sa isang posisyon sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagulat daw si Tirso nang siya ang pinili ng Pangulo para maging bagong chairperson at chief executive officer (CEO) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Read: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

Pahayag ng 70-year-old actor sa TV Patrol ngayong gabi, July 6, 2022, ikinararangal niya ang pagkakapili sa kanya.

Gayunpaman, kailangan daw niya ng tulong ng ahensiya at ng mga tao sa loob ng industriya.

Ani Tirso, “I’m honored I was chosen. Mabigat na trabaho ito at kailangan ko rin ng tulong ng council at iba pang kasama sa industriya.”

Iginiit din ng beteranong aktor na ang pag-aartista pa rin ang kanyang bread and butter at hindi siya aalis sa Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Artista pa rin ako. Bread at butter ko ito. Babalik pa ako sa FPJ’s Ang Probinsyano at iba pang projects na committed na ako.”

Nanumpa si Tirso sa Malacañang, kasama ang iba pang newly appointed officials ng gobyerno, kagabi, July 5.

Suportado naman ng beteranong direktor na si Joey Reyes ang pagkakatalaga kay Tirso bilang bagong tagapamuno ng FDCP.

Pahayag ng direktor, “Kailangan namin ng lider katulad ni Pipo na nirerespeto, nakikinig, at higit sa lahat may malasakit. We believe that you are the best person to bring us all together.”

Samantala, nagsalita na rin ang dating FDCP chairperson na si Liza Diño tungkol sa appointment ni Tirso bilang kanyang kahalili.

Kahit reappointed siya ni former President Rodrigo Duterte hanggang 2025, iginagalang daw ni Liza ang pasya ng Malacañang.

Sa kanyang Facebook live kagabi, July 5, 2022, sinabi ni Liza na wala siyang natanggap na official communication mula sa opisina ni President Marcos Jr. tungkol sa pagkakapili kay Tirso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, naghahanda na raw ang kanyang tanggapan para sa maayos at matiwasay na pagsasalin ng kapangyarihan.

Mensahe niya: “I just wanna let you know that the agency has also read the latest development regarding the chairmanship of the FDCP online, and while we haven’t received any official communication from the Office of the President, that we are preparing for a smooth process sa transition and turnover ng FDCP to our new chair.

“And we will welcome him pagdating na pagdating niya dito.

“I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat po ng suporta ninyo, sa lahat ng mga messages ninyo, thank you so much for your love and support.”

Read: Liza Diño welcomes appointment of Tirso Cruz III as her FDCP successor

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Tirso Cruz III takes his oath of office in Malacañang, along with other newly appointed officials, as the incoming Chairman and Chief Executive Officer of the Film Development Council of the Philippines (FDCP).
PHOTO/S: Courtesy: RTVM on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results