Coco Martin stripped off his shirt and pants for movie with Toni Gonzaga



"Sobrang perfect ang kanyang timing."

Ito ang description ng direktor na si Antoinette Jadaone sa lead actress na si Toni Gonzaga.

Si Toni ang leading lady ni Coco Martin sa upcoming Star Cinema movie titled You're My Boss.

Pagpapatuloy ni Direk Antoinette: "Every take, sobrang spot on ang kanyang timing.

"May pagka-perfectionist kasi si Tin."

Ano naman ang naging reaksiyon ni Toni sa description na ito sa kanya ng naturang director?

Ani Toni, "Coming from a controversy, ang sarap ng feeling na makarinig na perfect ka kasi imperfect ka sa ibang tao."

Tinutukoy niya ang batikos na nakuha niya dahil sa pagiging host niya sa grand coronation night ng 2015 Bb. Pilipinas kamakailan.

"I'm always a work in progress kahit na gamay ko na ang ganitong genre," sabi ng aktres na madalas mapanood sa mga romantic comedy films.

Ginanap kahapon ang grand press conference ng pelikulang You're My Boss na showing na on April 4 (Black Saturday).

May kissing scene ba sina Toni at Coco sa nasabing pelikula?

"Sa ngayon sa takbo ng mga shooting namin wala pa kaming nakunan lately regarding kissing scenes. Eh, may mga last remaining days pa kami at dun siguro magkaka-alaman kung magda-dampi ang mga labi namin ni Coco. Hahaha!

"Pero sa ngayon, wala pa po kaming nakukunan na kahit anong dampian ng labi," sagot ni Toni.

Will she agree to do a kissing scene with Coco Martin?

"Siyempre po, lahat naman po nakasalalay sa takbo ng istorya.

"Hindi naman po puwedeng nag-uusap lang kami tapos bigla kaming naghalikan...baka ...medyo dun magtaka si Direk Paul [Sorianom, her fiance] na bakit bigla kayong naglaplapan, e, nag-uusap lang kayo, nakakainis naman yang eksenang 'yan. Hahaha!

"Pero kung...halimbawa, towards the end of the story, ma-in love sila at kinakailangan talaga na may kissing scene kami ni Coco, maiintindihan po yun ni Direk Paul.

"Pero sa ngayon po, wala pa po kami sa direksyon na 'yon...pero siguro po, pag nag-last shooting day na kami. Malapit na po...baka po magka-dampian na ang mga labi namin ni Coco."

Nang tanungin si Coco kung papayag siya na gumawa ng kissing scene with Toni, kinuwento ng aktor na sinabihan siya ng director na tatanggalin niya ang t-shirt at ang pants niya para sa You're My Boss.

"Yung kissing scene with Toni? Actually, hindi nga lang kissing scene, e. Sabi ko nga, si Direk Antoinette Jadaone, meron siyang charisma na di ko maintindihan o matanggihan.

"Siguro after na mag-soap opera ako dito sa ABS-CBN, everytime na pinag-uusapan na maghubad ako ng dami, medyo pahirapan yun.

"Kasi sabi ko nga, kaya ako nagtra-trust sa kanya, kay Direk, lagi niyang sinasabi sa akin na akong bahala sa iyo, alam ko ang ginagawa ko, magtiwala ka sa akin...na alam mong po-protektahan ka ng taong yun.

"At dahil first time kong gumawa ng ganitong pelikula at with Toni pa, ibibigay ko lahat kung ano ang hinihingi sa istorya ng You're My Boss."

Nang tanungin si Coco tungkol sa eksena kunsaan pinaghubad siya, sambit ng aktor: "Lahat, buti hindi sinama ang brief!"

Pinaliwanag niya na nagkapalit sila ng position dahil si Toni ang boss dati at si Coco ang kanyang assistant.

Ngunit dumating ang panahon na si Coco naman ang nasa itaas at si Toni ang naging personal assistant.

Ani Coco, "Binilhan niya ko ng damit kasi mahilig ako sa bulaklakin.

"Sabi niya sa akin, 'Suotin mo na 'yan, hindi ko titingnan.'

"Sabi ko, 'Ma'am ano po?'

"Ginawa naming comedy."

Hirit naman ni Toni, na malapit nang ikasal kay Paul Soriano, "Wala akong bachelorette party, siya na yun!"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN