Johnrey Rivas ecstatic over FAMAS Best Supporting Actor win

by Rommel Gonzales
Jul 30, 2022
Johnrey Rivas
Johnrey Rivas on 70th FAMAS Awards Best Supporting Actor victory: "Manalo man o matalo, ang mahalaga po, napansin ako."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nagwagi si Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor sa 70th FAMAS Awards sa una pa lamang niyang commercial film na KATIPS.

Kasalukuyang ginaganap ang FAMAS Awards ngayong gabi, July 30, 2022, sa Metropolitan Theater, Manila, pero na-announce na ang pangalan ni Johnrey bilang winner sa Best Supporting Actor category.

Ano ang unang naramdaman ni Johnrey noong nalaman niyang nominado siya sa FAMAS?

Medyo katawa-tawa ang kanyang sagot sa tanong na ito sa presscon ng KATIPS na ginanap ng Philippine Stagers Foundation Inc. (PSF) sa Blackbox Theater sa Sampaloc, Manila, nitong nakaraang Miyerkules, July 27.

Aniya, “Hindi po ako makagalaw! Nasa CR po ako nun nung nakita ko yung mga picture ng FAMAS sa Facebook.”

Bakit naman sa loob ng comfort room siya nagbabasa ng FAMAS nominees?

Natawa na rin si Johnrey, “Hindi! Kasi sakto po, e.

"Sakto talaga, anong oras ba yun? Basta, paligo na po ako nun, nung nakita ko.

“'Tapos, nung nakita ko, nagulat po ako at sobra po akong na-overwhelm at sumigaw po talaga ako na, ‘Totoo ba ‘to?!' Nagkamali lang ba sila or what not.

“Pero iyon nga po, totoo nga po siya kaya sobra pong na-overwhelm ako hanggang ngayon po, kaya tuwang-tuwa po ako, sobra.”

Johnrey flattered TO BE NOMINATED alongside top actors

Ang mga makakalaban ni Johnrey sa Best Supporting Actor category ay sina John Arcilla para sa mga pelikulang A Hard Day at Big Night, ang co-star ni Johnrey sa KATIPS na si Mon Confiado, at si Nico Antonio rin para sa Big Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino sa mga nabanggit na nominees ang malaking threat para kay Johnrey?

Tugon ng aktor, “Actually, all of them po. Talagang kung titingnan ko po siya, kung ako po ay makikipagtunggalian talaga, threat po talaga silang lahat.

"Pero hindi ko na po kasi siya tinutukoy na threat dahil ang sa akin po, ang maihanay lang po sa kanila, okay na po sa akin yun!”

E, kung papalarin si Johnrey na talunin ang mahuhusay rin na mga aktor na kalaban niya?

Pag-amin niya, Hindi ko po alam talaga! Hindi ko pa po siya… yung ma-nominate nga lang po, ngayon po para akong nasa langit, parang lagi po akong nakalutang.

“Nakalutang po talaga yung feeling ko, e.

"Pero kung manalo man po ako, ako na po siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo!”

Magugulat ba siya kapag nanalo siya?

“Sobra po,” ang natatawang bulalas ni Johnrey.

“Kasi grabe po yung mga kahilera ko.

"Alam ko po na sa akin pa lang po, hindi na po ako nag-e-expect na mananalo ako, sa totoo lang.

“Ang sa akin na lang po nandun kami, sama-sama kami ng mga bumubuo ng KATIPS at napansin kami ng FAMAS mismo, oh my God!

“So, iyon po pa lang, sakto at solved na po ako.”

E, kung halimbawang hindi naman siya manalo?

Deklara niya, “Masaya pa rin po! Hindi po magbabago yung epekto sa akin, kasi manalo man o matalo, ang mahalaga po, napansin ako.

“Hindi po lahat ay nagkakaroon ng ganitong oportunidad at ako po na isang baguhan sa pelikula na galing ng teatro ay napansin na agad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Papaano pa po yung mga gagawin ko in the future? Kaya ito po ay isang malaking karangalan na po sa akin.”

FROM STAGE TO FILM

Talent si Johnrey ng PSF director, actor at abogadong si Vince Tañada.

Sampung taon na ang nakalilipas mula noong madiskubre ni Vince si Johnrey habang nanonood ng isang show ng PSF sa eskuwelahan nina Johnrey sa Tondo High School.

Kuwento ni Johnrey, “Nag-workshop ako sa kanila, then the rest is history.

"Kinuha nila ako as an actor then iyon na po, dito na po ako nahasa sa PSF,”

May frontal nudity si Johnrey sa KATIPS. Paano siya napapayag na magpakita ng kanyang private part sa harap ng kamera?

Saad niya, “Kasi po, sa theater po lalo na po sa PSF, ang mga ginagawa po naming plays dito ay mga experimental plays. Talagang out-of-the box plays po siya.

“Wala na po sa amin ang paghuhubad, basta po ang sa amin lang is nakakatulong siya sa pag-forward ng story.

“Hindi naman po naghubad ka lang for the sake na naghubad.

“Dapat po, naghubad kayo, may dahilan at may ambag sa pagpapatakbo ng istorya.

“Napapayag po nila ako kasi I really love the character, original po ako sa stageplay version nito. It was a stage play before, back in 2016, same role.”

Lahad ni Johrey tungkol sa kanyang role bilang si Art sa KATIPS, “And it was a challenge for me, kasi twenty-plus na ako ngayon 'tapos seventeen ako back then nung nag-original ‘to.

"So, sabi ko malaking role ‘to sa akin, so nagpapayat po ako talagang kung anu-ano pong ginawa ko, para lang ma-achieve ko itong character para ma-fit po ulit ako sa character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then I’m happy kasi kung pangit po ang ginawa ko hindi naman siguro mapapansin ng FAMAS,” ang nakangitng sinabi pa ni Johnrey.

May regular stageplays sina Johnrey at iba pang talents ng PSF sa PSF Blackbox Theater sa Sampaloc, Maynila tuwing Sabado

Kasama ang nominasyon nina Johnrey at Mon bilang Best Supporting Actor sa labimpitong nominasyon ng KATIPS na produced ng Philstagers Films: Best Picture, Best Director at Best Actor (Vince Tañada); Jerome Ponce (Best Actor); Best Actress (Nicole Laurel Asensio); Best Screenplay (Vince Tañada); Best Supporting Actress (Adelle Ibarrientos); Best Cinematography (Manuel Abanto); Best Original Song ("Manhid"/music by Pipo Cifra, lyrics by Vince Tañada at "Sa Gitna Ng Gulo"/music by Pipo Cifra and lyrics by Vince Tañada); Best Musical Score (Pipo Cifra); Best Sound (Outpost Visual Frontier/Don Don Mendoza); Best Visual Effects (Outpost Visual Frontier/John Joseph Tan); Best Editing (Mark Jason Sucgang), at Best Production Design (Roland Rubenecia).

Ipapalabas sa mga sinehan ang KATIPS sa August 3.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnrey Rivas on 70th FAMAS Awards Best Supporting Actor victory: "Manalo man o matalo, ang mahalaga po, napansin ako."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results