Humakot ng iba't ibang parangal ang martial law-theme musical film Katips sa 70th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards 2022.
Ginanap ang awards night sa Metropolitan Theater, Manila, Sabado, July 30, 2022.
Ang FAMAS ay ang oldest award-giving body sa Pilipinas kung saan ginagawaran ng parangal ang mga pinakamahusay na personalidad at likha sa ilalim ng pelikulang Pilipino.
Ang Katips ang itinanghal na Best Picture, habang ang direktor at lead actor nitong si Vince Tañada ang nanalong Best Director at Best Actor.
Nasungkit din ng Katips ang Best Supporting Actor (Jonhrey Rivas), Best Original Song ("Sa Gitna ng Gulo"), Best Musical Score (Pipo Cifra), at Best Cinematography.
Tampok sa nasabing musical film ang pakikibaka ng mga student activist noong panahon ng martial law.
Read: Katips movie, patunay sa mga reyalidad ng Martial Law
Incidentally, kabilang sa special awardees sa 70th FAMAS Awards ay si Senator Imee Marcos, anak ng dating Presidente at diktador na si Ferdinand E. Marcos na siyang nagdeklara ng martial law noong September 21, 1972.
Ang nagwaging Best Actress ay si Charo Santos-Concio para sa Kun Maupay Man It Panahon.
Best Supporting Actress naman si Janice de Belen para sa kanyang pagganap sa Big Night.
Narito pa ang ibang mga nanalo sa 70th FAMAS Awards:
Best Screenplay: Jun Lana - Big Night
Best Short Film: See You George! - Mark Moneda
Best Visual Effects: Santelmo Studio - My Amanda
Best Editing: Law Fajardo - A Hard Day
Best Sound: A Hard Day - Albert Michael Idioma, Alex Tomboc, Pietro Marco Javier
Special Awards:
• Exemplary Awardee for Public Service: Senator Imee Marcos
• Hall of Fame for Best Actor: Allen Dizon
• Hall of Fame for Best Editing: Jess Navarro
• FPJ Memorial Awardee: Senator Jinggoy Estrada
• Susan Roces
• Celebrity Awardee: Nora Aunor
• Don Jose R Perez Memorial Award: Moira Lang
• 1st Outstanding Public Service Award: Pangasinan Representative Christopher de Venecia
• 2nd Outstanding Public Service Award: Dr. Edinell Calvario
• German Moreno Youth Achievement Award: Ranz Kyle and Ana Guerrero
• Lifetime Achievement Awardee: Tessie Agana
• FAMAS Presidential Award: Congressman PM Vargas
• Angelo “Eloy” Padua Award for Journalism: Renz Spangler
Mapapanood ang Katips sa August 3, 2022 sa mga sinehan.