Vince Tanada thankful for harvest of FAMAS awards for KATIPS

by Melba R. Llanera
Jul 31, 2022
Vince Tanada
Of the seven awards bagged by the movie KATIPS in the recently concluded 70th FAMAS Awards, actor, director and writer Vince Tanada says the Best Picture award is the most meaningful for him and his team: "Lahat kami nag-collaborate, so para sa amin itong lahat. Para sa amin itong lahat na nagtrabaho para sa KATIPS." (Photo: FAMAS Facebook page)

Hindi napigilan ni Vince Tañada ang mapaiyak nang tanggapin nito ang Best Actor trophy para sa pelikulang KATIPS sa katatapos na 70th FAMAS Award's Night 2022.

Vince Tanada

Overwhelmed kasi ang actor/director/writer sa pitong kategorya na napanalunan ng kanilang pelikula sa labing pitong nominasyon nito.

Ayon nga kay Direk Vince, isa lang ang nominasyong inaasahan na matatanggap nila at di nila akalain na pito pala ang maiuuuwi nilang karangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang KATIPS ang nanalo ng Best Screenplay, Best Original Song ("Sa Gitna Ng Gulo"), Best Musical Score (Pipo Cifra) Best Cinematography, Best Supporting Actor (Johnrey Rivas), samantalang ang direktor at lead actor na si Vince Tañada naman ang nakasungkit ng Best Director at Best Actor.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Vince, di nito maitago ang sobrang saya at tuwa sa pitong karangalang napanalunan ng kanilang pelikula.

"Salamat, talagang wala pa ako sa tamang ulirat.

"Salamat sa FAMAS siyempre, sa Panginoon sa lahat ng biyayang ito.

"Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito na sana panoorin niyo yung pelikula namin, ang KATIPS this coming Thursday, August 3, dahil ipapalabas na kami ulit at sana manood sila para makita nila kung bakit nanalo ito."

VINCE NOT EXPECTING HARVEST OF AWARDS FOR KATIPS

Ayon kay Vince, isang kategorya lang ang inaasahan niyang ipapanalo ng kanilang pelikula kaya ikinagulat niya ang sunud-sunod nilang parangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang ine-expect ko, Best Music, kasi maganda talaga ang music namin.

"Nung nanalo ng Best Music, parang uminit na yung katawan ko, sabi ko, 'Ahh, tapos na," pero anyway tapusin namin. Nung nanalo kami ng Best Cinematography sabi ko, "Ahh, iba ito, teka lang baka mayroon."

"Nung Best Director, okay na yun, pero Best Actor 'tapos Best Picture, yun na talaga. Grabe!!!"

Sa kabila ng lahat ng tropeong naiuwi kagabi, ang Best Picture para kay Vince ang pinakaespesyal para sa kanya dahil team effort daw talaga ng lahat ang nagdala at bumuo ng pelikula.

"Best Picture, collaborative form of art ito.

"Lahat kami nag-collaborate, so para sa amin itong lahat. Para sa amin itong lahat na nagtrabaho para sa KATIPS."

VINCE INSPIRED TO PRODUCE, DIRECT MORE MOVIES

Dahil sa pagkilalang tinanggap ng KATIPS sa FAMAS, mas insipirado ngayon si Vince na mas gumawa pa ng mas makabuluhang pelikula lalo't ito pala ang kauna-unahang pelikula na prinodyus at dinirek niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas marami pa na susunod!

"Sana wag magalit si Senator Imee [Marcos]. Ayoko siyang magalit na kasi sinabayan namin yung pelikula niya. Gusto ko lang talaga gumawa ng pelikula."

Natanong tuloy si Vince kung nagkita at di ba siya pinansin ni Sen. Imee Marcos nang magkita sila sa FAMAS kung saan binigyan din ng Exemplary Award for Public Service ang senadora.

"Hindi, kasi walang pagkakataon, pero salamat talaga. In a way lahat ng pagod, ng hirap dahil sa pandemic, napalitan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Of the seven awards bagged by the movie KATIPS in the recently concluded 70th FAMAS Awards, actor, director and writer Vince Tanada says the Best Picture award is the most meaningful for him and his team: "Lahat kami nag-collaborate, so para sa amin itong lahat. Para sa amin itong lahat na nagtrabaho para sa KATIPS." (Photo: FAMAS Facebook page)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results